Pagkatapos ng nangyari sa supply room, hindi na namin itinuloy ang pangatlong round ni Tisoy. Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, lalo na sa may balakang. Habang nagpapahinga, tahimik lang kaming dalawa—walang usapan, puro hingal lang. Maya-maya pa, nagbihis na siya, hinagod ng tingin ang katawan kong halos wala pang lakas, saka ngumiti bago lumabas ng pinto.
"Bukas ulit?" tanong niya, pero hindi ko na sinagot. Ang totoo, pagod na pagod na ako.
Nang makaalis si Tisoy, dun muna ako nang mga 15 mins nakahilata lang sa lamesa pagkatapos ay nagbihis na din ako at bumalik sa kwarto. Dali-dali akong humilata sa kama at pinilit ipikit ang mata. Ilang minuto lang, tulog na ako.
Kinaumagahan, hindi pumasok si Tisoy. Balita ko, masakit daw ang katawan at hindi kayang pumasok sa trabaho. Napangisi ako—sino bang hindi sasakit ang katawan sa ginawa namin kagabi?
Pagbaba ko, agad akong nagtungo sa cafeteria. Wala na masyadong natira dahil late na ako nagising. Fried rice at itlog na lang ang available kaya yun na lang din ang kinain ko. Pagkatapos kong kumain ay papanhik na sana ako sa taas para maligo pero nakasalubong ko yung maskuladong sekyu. Yung kakantutan ni Tisoy sa CR! Nakaka panibago, hindi naman ito pala ngiti sa akin nung mga nakaraang araw, pero ngayon abot sa tenga kung makangiti at maka bati sa akin.
"Good morning boss!" Matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin.
"Good morning kuya...." Pininilt kong hanapin ang pangalan niya sa nameplate o sa ID niya.
"Arnold na lang bossing" Sabay binaliktad yung kanyang ID at itinuro ang pangalan.
"Ahhh, Kuya Arnold" Nginitian ko siya pero hindi gaya ng pag ngiti niya sa akin. May halong awkwardness ang ngiti ko. Nag-iisip kung bakit siya ganun ngayong umaga.
Si Kuya Arnold, maputi, pero mas maputi si Tisoy. Namumula-mula ang kutis niya na parang laging nasisikatan ng araw. Nasa late 30s na siguro siya, may bigote, at kitang-kita ang maskulado niyang pangangatawan. Ang dibdib niya at ang kanyang pwet ay maumbok, —mas matambok pa sa karamihan ng babaeng kilala ko. Sa suot niyang masikip na guard uniform, lumilitaw ang hubog ng katawan niyang parang toned na body builder, hindi masyadong malaki pero makikita mo ang pagiging maskulado niya.
Minsan ko lang siya nakausap noon. Hindi siya kasing-friendly ni Tisoy—may pagka-seryoso. Pero ang ikinagugulat ko, iba siya kung ngumiti at tumitig sa akin ngayon. Sa iba, normal lang siya makatingin, pero kapag ako, parang may laman ang mga titig niya. At palagi ko siyang nahuhuli na tumitingin sa bukol ko.
Pumanhik na ako at madaling naligo, nagbihis at bumaba. Sumaglit lang ako sa cafeteria para kumuha ng kape. Papalabas na ako ng hotel papunta sa convention dahil naghihintay na ang service namin sa labas nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Lumingon ako—si Kuya Arnold!
"Oh, Kuya, ikaw pala," bati ko, sabay ngiti nang pilit.
"Late ka na boss," sagot niya, pero may kakaibang tono sa boses niya.
Hindi ko pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero hindi pa siya tapos.
"Napagod ka ba kagabi?" Medyo malakas na bulalas niya.
Putangina. Napagod saan?! sa isip ko.
Halos mabilaukan ako sa iniinom kong kape. Tiningnan ko siya, pero casual lang ang mukha niya. Parang hindi niya alam ang bigat ng tanong niya.
"H-Ha?"
Ngumisi lang siya. "Sabi ko, parang antok na antok ka ah. Napagod ka ba kagabi?"
Pilit akong tumawa. "Ah... oo, medyo late na akong natulog."
"Ahhh," tumango siya, parang sinasala ang sagot ko. "Akala ko kung ano eh."
Kung ano? Kung. Ano?!
Nag-init ang batok ko, pero hindi ko siya pinahalata. Pilit kong ibinalik sa normal ang itsura ko habang siya naman ay kalmadong umalis, para bang wala lang nangyari.
Pero tangina, hindi ko matanggal sa utak ko 'yung tanong niya.
At hindi lang 'yon ang weird. Pagbalik namin nang hotel kinahapunan, ay agad akong nagbihis at lumabas ulit para mag dinner.
Habang papalabas ako ng hotel, nandoon sa entrance si Kuya Arnold. Nagce-cellphone. Di ko siya pinansin at dumaan ako sa harap niya.
"Hmmm Sarap!" ani Kuya Arnold habang naka tingin sa phone niya sabay tingin sa akin at ngumiti.
Nilingon ko siya, iniharap at ipinakita ang cellphone niya sa akin, mga masasarap na pagkain. Pilit ang ngiti ko saka ako tumango.
"'Sup, boss?" Bati niya, may halong biro ang tono pero may bigat ang tingin niya.
Nagkibit-balikat lang ako.
"Ayos lang ako, Kuya," sagot ko, pilit pa ring iwas sa usapan.
"Buti naman." Bumaba ang tingin niya saglit sa bukol ko, dumaan sa katawan ko bago bumalik sa mukha ko. "Mukhang pagod ka, ah."
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Tangina, anong ibig niyang sabihin?
"Hindi naman." Sagot ko.
Kinabahan ako. Binalik niya ang usapang "pagod" kaninang umaga. Alam ba niya? Nakita ba niya kami ni Tisoy? O nagsasabi lang siya ng kung anu-ano?
"Hmm..." Umangat ang isang kilay niya, sabay hagod ng tingin sa akin. "Baka napagod lang ng konti?"
Puta!
"Marami kasing activities sa convention," sagot ko, pilit na iniiba ang usapan.
Tumango siya, pero may kutob akong hindi siya naniniwala.
"Hmm. Convention nga ba?"
Gago 'to, ah!
Pinili kong hindi na lang sagutin. Dapat talaga hindi ko siya pinapatulan.
Pero tangina, paano mo hindi papatulan ang isang taong ganito kung tuwing dumadaan ka, panay ang tingin niya sa bukol mo?
At putangina, hindi man lang siya nahihiya.
Katulad ngayon.
Tiningnan ko siya nang diretso. Sa wakas, tiningnan niya ako sa mukha. Pero hindi agad siya nagsalita.
Nakangiti lang. Parang may hinihintay.
Hanggang sa dahan-dahan siyang lumapit.
"Dapat talaga, nag-iingat sa pagkapagod." Bumaba ulit ang tingin niya. "Sayang lakas mo kung uubusin mo lang sa isang bagsakan."
Tangina, kinilabutan ako. Ano 'tong sinasabi niya?
Pero hindi ako nagpahalata. Kunwari wala akong alam.
"Sabi mo, pagod ka sa convention?" tanong niya, mabagal, para bang sinusuri ang bawat sagot ko. "Hmm... ang weird lang. Kasi..."
Napatigil siya saglit. Pinakiramdaman niya ang reaksyon ko bago dahan-dahang ngumiti.
"...may narinig akong ibang kwento."
Putangina! Anong kwento?!
Napalunok ako. "Anong kwento?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala naman." Tumingin ulit siya sa bukol ko saka sa katawan ko. "Mukhang ikaw naman ang may kwento, eh."
Tangina, gago. Alam ko na!
Sinusubukan niya akong i-pressure.
Gusto niyang malaman kung magbibitaw ako ng clue. Kung aamin ako. Kung kakagatin ko ang pain niya.
Pero mas matindi 'yung sunod niyang ginawa.
Dumaan siya sa harap ko. Pero bago siya umalis, sinadyang dumikit ang kamay niya sa bukol ko.
Mabilis. Isang segundo lang. Pero sapat na para patigasin ang buong katawan ko sa tensyon.
"Oops." Lumingon siya, ngumisi. "Ang laki, boss."
Putangina.
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko.
Pero bago pa ako makasagot, tumawa lang siya at tuluyang naglakad palayo.
"Enjoy your dinner!"
At doon ko lang na-realize...Putangina, nilalaro niya ako.
Pagkabalik ko ng hotel, sinisipat sipat ko ang paligid kung nandoon siya. Wala ang gago. Saan kaya siya nagpunta? Naghanap ba ito ng makakantot o nagpakantot na ang hayop!?
Dali-dali akong pumunta sa elevator. Bago pa man ako makapindot ng up button ay may nagsalita sa likuran ko. Familiar na boses!
"Bossing! Sarap?"
Si Kuya Arnold na nakingiti na naman. May laman ang kanyang ngiti pero ngayon may halong pagnanasa.
"Nakakagulat ka naman kuya" Sabi ko na naka kunot ang noo.
"Ang laki ah, sarap no?" ani Kuya Arnold sabay bumaba ang tingin niya.
Ha?! Putangina ano na namang gusto niyang pag usapan?
"HA?! Ano Kuya?" Sa totoo lang di ko talaga alam ang gusto niyang sabihin.
"Sabi ko ang laki ng tiyan mo, napasarap siguro nang kain!" Dahan dahan at madiin niyang sagot.
"Ah oo kuya, sabi mo kasi muka akong pagod, kaya dinamihan ko na ang pagkain para magmuka akong malakas" Sagot ko.
"Buti naman," sabi niya, saka dahan-dahang lumapit. "Pero kung ako sa'yo, dapat talaga magpalakas ka. Mukhang sinagad ka nang todo eh."
Uminit ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong isasagot, pero natigilan ako nang mas lalo siyang lumapit, halos idikit na ang labi sa tenga ko.
"Kung gusto mo, ako naman next time," bulong niya, mabagal at puno ng malisya.
Gusto kong umatras, pero hindi ko magawa. Napalunok ako. "Kuya... ano ka ba?"
Ngumisi siya at tinapik ang balikat ko. "Relax ka lang. Biro lang. Pero kung gusto mong seryosohin, nandito lang ako." Sabay alis at bumalik sa may entrance.
Tangina. Alam niya nga. At hindi lang basta alam—mukhang may balak siya sa akin.
Habang papalayo siya, narinig ko pang humagikgik siya, saka sumigaw. "O siya, goodnight! Ingat bossing kalmahan mo lang, magtira ka ha!"
Nabahala ako sa ganoong hirit ni Kuya Arnold. Kinakabahan ako baka ipagkalat niya ang nangyari sa amin ni Tisoy kung may alam siya talaga, or worst? Baka may video din siya!
Nanlamig at namasa ang mga palad ko. Di ko na lang pinansin si Kuya Arnold sa mga pinagsasabi niya. Hindi naman ako taga dito, so kung may video man siya at ikalat niya, si Tisoy ang mapupuruhan at hindi ako.
Bukod pa sa kakaibang titig at ngiti, may mga hirit din siyang double meaning. Sa una di ko pinansin pero nung iba na ang laman ng mga sinasabi niya ay dun na ako napaisip. Nakakakaba pero sa isang banda, naeenjoy ko ang atensiyong ibinibigay niya.
Sa gabing iyon si Kuya Arnold ulit ang nag duty. Siya pala nagcover kay Tisoy dahil umabsent ito.
May balak ba talaga sa akin si Kuya Arnold? Yung mga hirit niyang may laman! Tawag ba iyon ng laman? Napaisip ako nakakabahala pero mukang inienjoy ko. May thrill, parang gusto kong maglaro ng apoy. Putangina!