Part VIII

1786 Words

Naging abala na ang mansion pagsapit ng gabi. Medyo nadagdagan na ng ingay lalo't kasama ni Cathy ang kaniyang makulit at madaldal na anak na nasa walong taong gulang. Lalo naman itong nagpasigla sa kanilang pag-uusap ang bata. Kahit balisa man na makita ni Fermie si Gabbie ay kailangang magsilbi siya sa pamilya at sa mga bisita nito. May pagkakataong ninanakawan niya ng tingin si Gabbie at nakaramdam siya ng paghanga lalo na kapag ngumingiti ang binata, nasisilayan niya ang lalim ng mga biloy nito sa pisngi. Pero hindi siya nagpapahalata dahil baka kung ano ang isipin ng binata sa kaniya. Naalala niya si Badong. “Ganoon rin ba ginagawa ni Badong sa akin kapag ninanakawan niya ako ng sulyap ayon ky Kia? May paghanga raw sa akin ang kaklase naming iyon, subalit wala talaga akong nararamda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD