“Malapit na tayong mag-anchorage mamaya, Buddy. May ipinabili ang little sister ko at mga pamangkin. At alam mo na…gaya ng dati, lalabas na naman tayo sa hawla para makahanap ng mansanas ni Eva!” pahalakhak na sabi ni Zeus, isa sa mga kasamahan ni Gabbie sa bagong barkong sinampahan at nakasama na niya ito noon sa M/V Rosana. “Excited na akong makalapag ng Brazil, tiyak marami na namang Brazilian ang malalawayan natin, Buddy.” Pagkatapos ng tatlong buwan ay muling bumalik ng barko si Gabbie. Kahit ayaw pa sana niyang magbalik-trabaho ay napipilitan na rin. Pagbalik niya ng Maynila mula sa bakasyon sa mansion ng mga Madrigal ay ginugol niya ang kaniyang panahon sa training at pagre-review. Hindi naman siya makapag-concentrate nang maigi dahil laging tumatawag si Mae sa kaniya para makipagk

