Pinikit-muklat niya ang kaniyang mga mata. Baka nananaginip na naman siya. Ngunit hindi nawala sa paningin niya na nasa harapan niya mismo ang lalaking hinihintay ng puso niya. Ngumiti si Gabbie nang pagkatamis-tamis at titig na titig sa kaniya. Lumabas ang malalim na biloy nito sa mukha at napakagat-labi si Fermie sa sobrang kilig. "I miss you so much, Ferm," pabulong na sabi ni Gabbie sa kaniya. Napaawang na naman ang bibig ni Fermie at kumurap-kurap dahil baka hindi totoo ang nagaganap subalit nasa harapan na nga talaga niya si Gabbie. Tumugtog na naman ang isang awiting 'Sa Isang Tingin Mo' ...sa isang tingin mo na-iin love ako... "I-I miss you too, Gabbie." Hindi na maitago ni Fermie ang kaniyang damdamin at nasabi na ng kaniyang mga labi ang mga katagang iyon dahil ganiyan nama

