"Good morning...this is Fermie Montalban's room?" aniya ng isang maganda ngunit may edad ng babae. "Y-yes...po, sino po sila?" tanong naman ni Kia. "Well, I'm Professor Valdez, I'm one of Fermie's professors at SSU," pakilala ng ginang. "Ay, tuloy po kayo, Maam, m-may kasama po ba kayo?" "Yes, kasama ko ang iba pang mga professor ni Fermie." Tinawag nito ang ibang kasamahan na nasa labas ng pintuan. Nang pumasok na sila ay mariing pinagmamasdan ng mga ito ang walang malay pa ring si Fermie. Matinding awa ang nararamdaman nila sa kanilang estudyante. Napakaganda pa rin ni Fermie kahit may bandage ang ulo nito. Isang napakaamong mukha, para siyang si Sleeping Beauty in a fantasy fairy version. Kahit hindi kasimputi ng iba pero litaw na litaw ang kagandahan nito sa morena ngunit makinis

