Makalipas ang tatlong araw ay naiuwi na sa apartment sina Fermie at ang bagong silang na si Baby Gabriel. Hindi muna umuwi sa probinsiya ang mga magulang nina Kia at si Tiya Lupe. Tumawag na rin sila kay Marie para ipaabot kay Tiyo Bor na sa susunod na araw pa sila uuwi. “Bakit po, Nay? May sakit ba si Ate Fermie?” pag-alalang tanong ni Marie sa ina nang makausap niya ito sa cellphone. “A-ah…w-wala, na-miss ko lang ang ate mo. Sa susunod na araw, uuwi naman kami. Mag-iingat kayo riyan ha at huwag mong pababayaan ang mga kapatid mo,” tugon naman ni Tiya Lupe. Hindi rin niya maaaring sabihin kay Marie ang totoong kalagayan ng pamangkin sa tawag lamang. Darating din ang araw na malalaman din nila ang totoo. “Sige po, Nay. Ipaabot na rin ang aming yakap kay Ate Fermie.” Humingi naman n

