CHAPTER 2.

1144 Words
Nandito ako ngayon sa sariling kwarto ko kakatapos kolang kasing mag linis ng bahay at mag luto para kapag umuwi na si tiya eh wala nasyang masasabi pa. Nakahiga ako ngayon sa papag at handa nang matulog ngunit kanina pa ako nakadilat at diman lang madalaw ng antok paniguradong pauwi na si tiya ng gantong oras kaya kaylangan konang matulog upang hindi ako maabutan nong gising at paniguradong papagalitan nanaman ako non habit nya na ata iyon ang lagi akong singhalan kaya minsan pinipili konalang mag bingi-bingihan. Nang maramdaman kong may pumasok sa bahay ay dali-dali akong pumikit upang akalain nyang natutulog na ako.Nang buksan nya na ang pintuan ng kwarto ko alam kong may masasabi nanaman iyan si tiya kahit ako pa ay tulog. "TSK... BATUGAN TALAGA!!" rinig kong sabi nya sa akin gusto kong mapairap dahil sakanyang sinabi hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin ko sa gantong oras eh wala naman na akong trabaho ng 11 ng gabi kaya ano paba ang dapat gawin ng ganong oras edi matulog tsk palibhasa sanay sa puyat si tiya dahil umaabot sya ng hanggang madaling araw umuuwi lang naman si tiya dito upang kumain lang at babalik nasya sa sugalan. Nang maramdaman kong wala nasya tyaka lamang ako dumilat diparin talaga ako inaantok siguro hihintayin konalang ang aking kaarawan. Nang sumapit na ang 12:00 am tyaka lang ako tumayo at tumunghay sa langit napangite ako ng mapansing full moon ngayon at napaka raming bituin sa kalangitan hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko ang buwan at bituin ay parang gumagaan ang kalooban ko parang na rerefresh ako. "Happy 19th Birthday milan" bati ko sa aking sarile at bumalik na sa aking kwarto upang akoy matulog na. Kinabukasan kahit na late ako natulog eh maaga parin akong nagising dahil 6 palang ng umaga e tapos na ako sa pag luluto ng umagahan ni tiya at handa narin akong umalis upang puntahan si lia sa kanilang bahay. Naka dress ako ngayon upang masabi naman ni lia na birthday ko, lagi kasi ako non nilalait dahil daw hindi ako marunong pumorma sa gantong edad ko e para daw akong pinag iwanan na ng panahon lagi kasi akong naka paldang hanggang ilalim ng tuhod at malaking blouse doon kasi ako nasanay ngunit ngayong araw iba dahil naka dress ako na ang haba e hanggang taas ng tuhod na kulay cream at naka flat shoes na baby blue naman ang kulay bigay ito ni lia nung akoy nag debut para daw may matino akong damit. Nang nasa tapat na ako ng bahay nila lia hindi na ako kumatok at basta nalang pumasok nadatnan ko si tita na nag luluto ng umagahan nila kaya napangiti ako dahil lumalakas nasya hindi tulad nung nakaraan na kahit pag bangon e hindi nya magawa. "magandang umaga po tita" masiglang bati ko sakanya kaya napatingin sya sa akin "oh ija magandang umaga rin at happy birthday sayo pag palain kapa sana ng Diyos" naka ngiting pahayag nya sa akin "tamang tama at kakatapos kolang mag luto ija tara nat gisingin mona ang kaibigan mo" masya nyapang paanyaya sa akin kaya dina ako nag atubili at basta nalang ginising si lia sa kanyang kwarto. "LIAAA!! KAKAIN NA RAW SABI NI TITA TUMAYO KANA!!" pag gising ko sa aking kaibigan at sabay palo ko sakanya tsk sarap ng tulog ng loka loka naka nga-nga pa. "Aghh mil naman ang aga-aga pa oh bigyan mopa ako ng 5mins pls lang mil lubayan mo muna ako" sa inaantok nyang sabi at dahil inis na ako sakanya basta konalang sya hinatak paalis sa kanyang hinihigaan. "DALIA MARIE SANTOS TUMAYO KANA JAN WAG MONG PINAG HIHINTAY ANG PAG KAIN" sigaw ko sakanyang buong pangalang kaya basta basta nalang sya tumayo at pumasok sa cr nila tsk gusto pa yung nagagalit ako e. Nang nasa hapag kainan na kami gusto kong mahiya kay tita dahil may spaghetti pala syang niluto jusko at may cake pasyang pinabili kay lia sa bakery jan sa kanto maliit lang naman yung binili nila ngunit nahihiya parin ako kahit na kada sasapit ang birthday ko lagi akong pinag hahanda nila lia daig panga nila ang kadugo ko dahil pinapakita talaga nilang may pag aaruga silang ibinibigay sa akin. Nang ilagay na ni lia ang cake sa gitna ng mesa tyaka lang nag salita si tita. "oh anak hipan muna ang kandila siguraduhin mong nakapag wish ka" may lambing ang pag kakabigkas nya kaya gusto kong maiyak dahil ramdam kong may tumuturing parin sa akin bilang isang anak. "sige po tita maraming salamat po sa handa at talaga may cake pa" natatawa kong sabi sakanila at tyaka hinipan ang kandila. "yown chibugan na... hmm nay ang sarap talaga ng luto mo kahit kaylan kaya ikaw pinaka paborito kong nanay sa buong mundo e." diko mapigilan ang pag tawa at ganon din si tita dahil sa mga pinag sasabi ng kanyang anak. "naku kang bata ka eh wala kanamang choices eh ako lang naman ang nanay mo at ako lang naman ang makakatiis sa ugali mo ewan konalang jan sa kapatid nong si milan baka napipilitan lang pakisamahan ka." mas natawa ako dahil sa sinabi ni tita kay lia na ngayon ay naka nguso na hays nawawala talga ang bigat ng pakiramdam ko kapag nakakasama ko sila dahil narin siguro nararamdaman kong pamilya ang tingin nila sa akin. " hmp si nanay kala mo naman masama ugali ko kung makapag sumbat eh mana lang naman ako sayo.... by the way HAPPY HAPPY BIRTHDAY BESHY KO gala tayo mamaya ah dahil kaylangan nating igala yang beauty mo at bibili narin tayo ng mga damit dahil nag mumuka kang dalaga kapag ganyan ang suot mo di kana mukang 15 years old na wala pang karanasan sa buhay hehehehe. " gusto koman sampalin ang kaibigan ko pinigilan konalang ang sarile ko dahil alam kong para naman sa sarili ko ang kanyang iniisip kaya inirapan konalang sya. " tsk oo na basta mag tinda muna tayo para may pang gastos tayo at ayokong gastusin ang iniipon ko dahil para iyon sa pag ccollege ko." paalala ko sakanya dahil baka inaakala nyang porke birthday ko e hindi na kami mag titinda "oo na tsk kala monaman gagastusin natin yang pang college mo baka nakakalimutan mong sabay tayong papasok." napailing nalang ako sa sinabi nya tsk parang diko alam na magastos sya kaya nga sa ipon ko sinasama kosya upang kapag dumating na ang panahong papasok na kami sa college eh may pang dadagdag sya dahil paniguradong kulang nanaman ang pera non tsk gasturera. Nang tapos na kaming kumain nag prisenta akong mag huhugas ng pinag kainan ngunit di ako pinayagan ni tita kaya si lia nalang ang kanyang inutusan natatawa panga ako sakanya dahil nakabusangot ang kanyang muka habang itoy nag huhugas si tita naman eh pinagpahinga nanamin ni lia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD