Chapter 29: Sa Ugoy ng Dilim

1157 Words

Mabagal ang musika na aking piapakinggan. Sumasabay ang piano at baho sa mabagal na tugtuging jazz. Ang loob ng bar na iyon ay nawawalan ng kulay sa gabi. Tila pula at dilaw lamang ang makikita. Hindi ito dahil sa nakikita ng aking mga mata. Iyon ay isang pakiramdam, para bang ako ay nasa isang lumang pelikula habang nasa harapan ng entalbladong iyon at umiinom ng brandy. Ang ilaw ay tila ba unti-unting naiiwan lamang sa akin. Nagdidilim ang paligid, ang tanging maliwanag lamang ay ang aking puwesto at ang entablado. Ang tunog sa paligid ay tila nagiging alingawngaw lamang. Maya-maya pa ay lumabas na ang aking pinakahihintay. Ang babae na kanilang mang-aawit. Nakasuot siya ng pulang dress at makikita ang napakagandang hubog ng kanyang katawan. Ang kulot niyang buhok ay nagniningning dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD