Chapter 31: Litrato ng Nakaraan

2826 Words

Pauwi na si Daniel at mang Jojo. Gamit ang tricycle ay binyahe nila ang highway pabalik ng Sitio Danao. Nasa harapan ni Daniel ang kanilang mga pinamili. Maya’t-maya ang tingin niya kay mang Jojo. Nang makatyempo ay inilabas niya ang mga nakatiklop na papel sa kanyang tagiliran at isiniksik iyon sa likod ng upuan. Ang pinamili niyang alcohol at tali ay isiniksik niya rin doon. Nagsimula naman silang pumasok sa mapunong parte, ang matuwid na kalsada ay naging lubak na muli at makikita ang arko ng Sitio Danao. Nang sila ay huminto sa tapat ng puting bahay ay agad na binitbit ni Daniel ang kanilang mga pinamili. Tumingala siya, tila iba na ang kanyang pakiramdam. Napakagaan ngunit ang kanyang isipan ay napupuno pa rin ng agam-agam. Alam niya sa pagkakataong iyon na malapit niya nang makamit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD