MITCH POV "Wow! Nagpa order ka pala ng pagkain? Wala na ba tayong makakain?" "Meron naman, kaya lang kasi tinamad lang din akong magluto kaya nag order na lang ako. Babawi na lang ako bukas pramis," nakangiting sagot ko. Hindi naman siya mukhang dismayado sa nangyari pero alam ko, wala lang din siyang masyadong hilig sa mga pagkaing ganito. Inakbayan naman niya ako bigla and he smiled at me. "By the way, di ba ang sabi mo naman sa akin ay mayroon kang good news? So what is that? I want to hear what you are going to say." Ngumiti din ako sa kanya, "But before ko sanang sabihin sayo ang good news ko, I would really like to know kung ano ba ang napag usapan ninyong dalawa ni Bea kanina? Ewan ko ba sa kanya, kahit hindi naman siya magpaalam sa akin ay ayos lang naman." "Of course nireres

