CHAPTER 3
Masayang masaya si Kelly dahil ngayon lang sya nakapunta sa Greece. Pero nag aalala sya dahil 2 linggo silang ‘di makakapasok sa school.
“hoy Kelly! Para kang engot jan!” bulyaw ni Paulo
“anong engot? Mukha ka namang unggoy! Bleehhhh!!!”
:P
“oo engot!!! Tumatawa ka ng mag isa jan!”
“nakakatawa ka kasi dito oh?”
Sabay pinakita ni Kelly ang picture nila ni Paulo
“anong nakakatawa dito?”
“hay... basta!”
“kitams?! Engot nga!”
“ewan ko sayo!”
“hoy isip bata!” sigaw na naman ni Paulo kay Kelly
“ano na naman yun? Unggoy na gurang... hahahahaha!”
“bumalik na tayo sa Hotel... inaantok na ko”
“hmmpft!! Oo na! K.J ka!”
*
“mauna ka ng maligo Kelly!”
“si-sige!”
Halos kalahating oras naligo si Kelly... at si Paulo naman ay kanina pa naaasar dahil sa ‘di pa lumalabas ng banyo ang asawa.
*toktok*
*toktok*
“hoy Kelly?! Bilisan mo nga jan! Antok na antok na ko”
“oo na! Lalabas na nga po!!”
Dali daling lumabas si Kelly sa banyo.
“ang bagal mo!”
“paxencia... babae po kasi ako!”
“ewan... parang sinasadya mo yata? Patay ka sakin mamaya!”
“ho-hoy! Anong binabalak mo?”
“basta!”
Sabay pasok ni Paulo sa banyo.
Mahigit 20 mins. Lang naligo si Paulo. Nakita naman nyang nanunuod ng t.v. si Kelly... naisip nyang asarin ito.
“Kelly....”
At halos sumayaw sayaw ito sa harapan ng asawa.
“ano ba Paulo? Nanunuod ako ng t.v.”
Pero parang walang naririnig si Paulo at tuloy parin sa pagsasayaw sa harapan ng asawa.
“Kelly...”
At unti unting lumalapit si Paulo sa kanyang asawa.
“... mag asawa tayo kaya naman... gawin na natin dito.”
“eeiiww!! Nakakadiri ka Paulo!”
“nakakadiri? Hahaha! Kung halikan kaya kita?”
At hahalikan na nga ni Paulo si Kelly nang...
“ARAY!!!!” sigaw ni Paulo habang hawak ang kanyang kamay
“dapat lang yan sayo!! p*****t!!!!!”
“bakit mo ko kinagat?! Niloloko lang naman kita?”
“ewan ko sayo!”
Natapos na rin ang 2 linggo nilang paglalagi sa Greece. Pauwi na sila ngayon sa bahay nila Kelly.
“mommy!” salubong ni Kelly sa mga magulang.
“tara sa loob Kelly, maginaw na dito.”
Tinawag naman ng kanyang daddy si Paulo.
“Paulo! Wala ka namang ginawa kay Kelly ‘no?”
“wala po dad! Satisfied?”
“buti naman!”
“hay naku... para akong nag alaga ng bata!”
“magbabago rin yang si Kelly.”
“ano pa nga ba?”
Biglang lumabas si Kelly at tinawag ang mag ama
“dad, Paulo... tara na po sa loob, kakain na po”
“Paulo, kamusta? Naging pasaway ba ‘tong kapatid ko?” tanong ni Chris
“sobra Chris!”
“yabang mo naman kala mo ikaw hindi!” protesta ni Kelly
“buti ‘di ka kinagat nyan?”
Nagkatinginan ang sina Paulo at Kelly.
“nangangagat si Kelly? Parang aso lang ah!hahahaha”
“oo naman naging biktima ako nyan! Kinagat ako nyan sa kamay...”
“bakit ka naman kinagat?”
“biniro ko kasing lalagyan ko ng uang yung blouse nya... bigla ba naman akong kinagat... tsk3 kaya naku Paulo... ingat ka jan!”
“mom! Si kuya oh?!”
“Chris! Tama na yan kumain kana”
Natapos nang kumain ang lahat at nagpaalam na si Kelly at Paulo na matutulog na sila.
Pero ‘di na nakatakas si Paulo sa dad nya, at nayaya syang maginuman.
“da-dad! Tulog na po ka-kami ni Kelly!”
Lasing na lasing si Paulo.
Pero ganun pa man, binuhat nya si Kelly at nagpaalam sa mga matatanda.
“co-‘cmon hon-honey!”
“mag ingat ka nga baka mahulog ako!”
“ho-honey! We’re ho-home!”
Sabay bagsak nilang dalawa sa kama.
“ano ka ba? Ang bigat mo!!! Amoy alak ka pa!”
Biglang tinulak ni Kelly ang asawa.
“wag kang maingay ho-honey!”
“ewan ko sayo! Teka.... masisira ang damit ko... tabi ka nga jan!!!”
Chris POV
Oh? Bigla akong nagkaPOV dito?
Ako nga pala si Christian Mark Araneta... pero Chris ang tawag nila sakin... little sister ko nga pala si Kelly. 19 year old na ko, bestfriend ko si Paulo na asawa na ngayon ni Kelly... masaya ako kasi brother in law ko na sya... bagay talaga sila ni Kelly--- parehong abnoy!!! Hahahaha
Papunta na sana ako sa room ko para matulog nang mapadaan ako sa kwarto ni Kelly... naalala ko na dito pala sila matutulog mag asawa.
‘di ko naman sinasadyang marinig ang sinasabi ni Kelly kay Paulo... pero dahil isa akong etchuserong frog nakinig ako--- pero take note! DI AKO BAKLA
“ewan ko sayo! Teka.... masisira ang damit ko... tabi ka nga jan!!!” sabi ni Kelly
‘di ko naman sila nakikita pero parang alam ko na kung ano yun... hehehehe
_____________________________________________________________
Author’s note:
Etchuserong kuya si chris!!!