THIRD PERSON'S POV Nagising si Kelly sa isang madilim na kwarto. Pinilit nyang tumayo sa lapag nang di nya alintana ang hapdi sa kanyang ulo at nanlalabong mga mata. Nahihilo parin sya. Ni hindi nya alam kung nasan ba sya, kung anong oras na at ano ba ang nangyari sa kanya--- sa kanila at bigla nyang naisip na kasama nya pala si Paulo kanina lang. "PAULO!!!!" sigaw nya. Sumigaw lang sya ng sumigaw nagbabakasakali na may makarinig sa kanya mula sa labas. Naupo sya sa lapag at tila isang batang musmos na niyakap ang sarili. "ano na ang mangyayari sakin? Ligtas kaya si Paulo??" sabi nya sa kanyang sarili at muling umiyak pero walang ingay. ***blllllaaaaaaaaaaaggggggggg*** Napapitlag sya sa kinauupuan at napaatras ng maaninag nya na may pumasok sa kwartong kinaroroonan nya. "si-sino kayo

