Paggising ko kanina, ang una talagang pumasok sa isip ko is ‘yong mga ratratan ni kuya dahil napansin kong nasa clinic na naman ako. Pero himala at sinusubuan lang ako ngayon tapos tahimik pa. What’s happening, people of the earth?!
Kapag ganitong tahimik si kuya, ibig sabihin niyan, sumaktong hindi na naman siya pinapansin ni Deborah or may sinabi si Deborah. Gusto ko tumawa pero baka pagalitan pa ako. Tinititigan ko na lang siya habang sinusubuan niya ako, mukha kasi siyang tanga.
“Akala mo makakatakas ka sa’kin ngayon, Alanna Kier?” babala ni kuya pero sumaktong bumukas ‘yong pintuan at ‘tsaka naman nagpakita si Deborah kasama ‘yong engot.
Kapag talaga nakikita ko mukha ni Havoc, hindi ko talaga alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman, eh! Baka dahil siguro sa mukha siyang alien na mabango kaya nakakaramdam ako ng weird feelings.
“Tol, ako na lang muna riyan. Pinapatawag ka ni Ms.Changko, nasaan na raw ‘yong pinapagawa niya?”
Tumango na lang si kuya bago ako marahas muna na tiningnan ‘tsaka siya lumabas ng clinic.
“Sabi no’ng nurse, magpahinga ka lang daw muna kasi inaatake ka na naman daw ng dysmenorrhea mo. Nakita ko sa records ng clinic, palagi ka nandito every month… Kung hindi dahil sa masakit puson mo eh nandito ka para rin humingi ng gamot sa sakit sa puson,” he obviously stated.
“Oh, talaga? Tapos?”
“Feel ko hindi ‘yon alam ng kuya mo. Gusto mo isumbong kita?” he said while grinning.
Walang hiya itong punyetang ‘to, hindi naman kami close para gawin niya ‘yon ‘no! Sino ba siya? Gold ba siya? Nanggigigil ako, pigilan niyo ako at baka masuntok ko ‘to.
“Alam mo? Mukha ka na ngang demonyo tapos ipapakita mo pa sa akin ‘yang ugali mong mabaho?” I replied ng may halong pang-iinis kasi hindi puwedeng ako lang maiinis dito.
“So what, Alanna? So what?”
Inayos ko ang buhok ko ‘tsaka ko siya tinitigan sa mata kasi sabi ni Deborah, hindi niya raw ako kayang titigan ng matagal dahil sa color hazel kong mata. Edi susubukan ko kay Havoc, baka tumigil ito sa kakakuda kasi nakakainis na siya.
“You look weird,” He beamed.
Inirapan ko na lang siya at hinayaan siyang bantayan ako, before pa matapos ang klase ay pinayagan na ako no’ng nurse na maunang umuwi. Inalalayan lang ako ni Havoc at kasama ko rin siya pauwi.
Hindi ko nga alam kung bakit ko ito kasama ngayon at kung bakit niya ako binantayan kanina na may klase pa, hindi puwedeng excuse siya kasi hindi naman kami mag classmate at hindi kami related sa isa’t-isa. Hindi rin puwedeng sabihin niya sa mga prof na may favor sa kan’ya si kuya.
Iwinaksi ko na lang ang mga bagay na dapat hindi ko isipin dahil sa naalala kong umabsent ng apala ako kaninang lunch period, my quiz pa naman kay Sir Felipe, patay na naman ako sa panot na ‘yon! Charot!
“Dito na lang ako, Yvon,” I said ‘tsaka ko siya nginitian.
Umirap lang siya at tumando ‘tsaka siya pumunta sa katapat no’ng bahay naming kaya grabe ang pagnganga ko.
What the fvck? Totoo ba talaga ‘tong nakikita ko? Like, for real?!
“Pumasok ka na, Alanna! Ang pangit mo kapag nagugulat!” sigaw niya ‘tsaka siya tumuloy sa bahay nila.
Walang kwentang tao talaga ‘to. Pumasok na lang ako ng bahay dahil nagugutom na ako, nanghihinayang ako para sa araw ko ngayon pero medyo happy ako kasi excuse ako, ehe!
Hindi naman kasi ako perpektong estudyante ‘no! Kahit sobrang strict ko sa deadline ng mga PETA, medyo gusto ko pa rin magpaka bad girl, uwu! I chuckled with my own thoughts. Pagpasok ko sa bahay ay wala pa rin ang mga magulang ko ngunit hindi na ako nagtataka dahil palagi naman silang late kung umuwi, medyo napaparanoid lang ako minsan pero kapag tumatawag naman ako sa kanila ay kung hindi nila agad nasasagot ay nagtetext naman sila para ipaalala na safe sila.
Kahit medyo maaga pa ay nagsaing na ako para sa dinner namin mamaya dahil papagalitan ako ni mama kung uuwi silang walang makakain sa hapag. Naisip kong baka gusto ni Yvon nang makakain, nasa tradition na kasi ng aming pamilya na kapag may bagong kapitbahay ay bigyan sila ng kahit ano’ng makakain.
Gustohin ko mang itext si kuya para tano’ngin siya kung ano ang paboritong pagkain ni Yvon ay pinabayaan ko na lang dahil baka kung ano pa ang isipin ni kuya, parang tanga pa naman ‘yon.
May sariling condo si kuya simula noong nagkasagutan sila ni papa, ipinalayas siya rito sa bahay pero hindi pa rin siya pinabayaan ni mama kung kaya’t binilhan niya na lang ito ng sariling condo. Medyo nainggit lang ako ng slight kay kuya dahil nagagawa niya ang lahat ng gusto niya sa condo niya ngunit kapag naalala ko ‘yong mga damit kong ipinagbibili ni kuya ay tinatawanan ko na lang ang sarili ko.
Sa huli ay ininit ko na lang ‘yong ginawa kong spaghetti noong isang araw. Hindi pa naman panis ‘yong sauce kasi naka ref pero ‘yong pasta medyo may amoy na kung kaya’t nagluto na lang ako ng panibagong pasta. Tiningnan ko ang orasan at alas singko pa lang naman kaya maabot ko pa itong spaghetti para sa dinner niya or nila ng pamilya—Hala! Nakakahiya kung pati pamilya niya nandiyan! Baka kung ano isipin kasi baka hindi sila sanay sa tradition namin!
Kakaisip ko ay hindi ko namalayang nakauwi na pala sila mama.
“Ano ulit ‘yang niluluto mo, anak ko?” Papa asked.
Nginitian ko naman siya at hinalikan sa pisngi bago ko sinagot ang tanong niya.
“Pasta po para sa spaghetti ko papa! May plano kasi akong bigyan ng spaghetti ‘yong bagong salta riyan sa harapan po ng bahay natin!”
“Sila Havoc ba ang ibig mong sabihin, Kier?” sabat ni mama.
Tumando lamang ako at siya rin naman ay tumando ‘tsaka niya kinuha ang coat ni papa na nakakalat na naman sa upuan. Kung nandito lang si kuya ay makikipag-away na naman iyon kay papa dahil sa pagiging makalat ni papa.
Hindi naman gaano kalala ang nagiging sagutan nila noon pero ang problema kasi ay palagi silang nagkakasagutan kung kaya’t nakapag desisyon na lang si kuya na totohanin ‘yong sigaw sa kaniya ni papa na lumayas kahit na alam naming lahat na dala lang iyon ng pagsasagutan nilang dalawa.
Pareho kaming makalat ni papa pero medyo hindi naman malala ‘yong akin kung kaya’t hindi ako napapansin ni kuya pero si mama ay katiting buhok ko lang na nalaglag sa sofa ay pinapagalitan agad ako. Si mama at kuya kasi ang OC dito sa bahay.
“Pupunta sila Havoc dito mamaya, anak ko… kaya pasuyo na lang din na dagdagan ang niluluto mo dahil pati ang kuya mo at ang mga magulang ni Havoc ay dito kakain ng dinner.” Sabi ni papa ‘tsaka niya ako nginitian at umakyat na ng kwarto.
Medyo nag loading ako noong kinausap ako ni papa pero nang narealize ko ang magaganap mamayang dinner ay dali-dali na akong nag ready pa ng pangdaragdag ko sa sauce at pasta.
Hindi naman ako masyadong inform na family friend pala itong si kuya mo Yvon.
Habang nagluluto ako ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko dahil hindi ko alam kung paano nagging family friend sila Yvon. Medyo naiinis din ako sa utak ko, ‘no? Kasi kanina pa siya puro Yvon, wala naman akong dapat na isipin tungkol sa kanya kasi gold ba siya?
Ano kaya ang dahilan at bakit makikikain sa amin sila Yvon? Strict ba ang mga magulang niya? May kapatid ba siya? Pinitik ko ang ulo ko dahil sa kakaisip ng kung ano-ano.
Matapos kong magluto ay umakyat na ako para palitan ng bago ang damit ko dahil amoy kusina na ako, naligo rin ako ulit dahil ayoko maging mabaho sa pang-amoy nila! Pero bakit ba ako masyadong naghahanda? Dapat chill lang, as if naman ngayon lang may makikipag dinner sa amin.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako pero saktong pagbaba ko ay saktong pumasok na ng bahay ‘yong pamilya siguro ni Yvon dahil mula rito sa pinaka huling hagdan ay nakikita ko ang ulo niyang Malaki, pota siya.
Tinawag naman ako ni mama kung kaya’t lumapit ako doon at ginawa ang itinuro nila sa aking ritwal kapag may mga kaibigan silang pumupunta rito sa bahay.
“Ang laki-laki na nitong si Alyannah ah!” sabi no’ng babae ngunit ano raw? Sino si Alyannah?
Tumawa naman ng mahinhin si mama at itinama ang mali no’ng mama ni Yvon. Magkamukha sila Yvon at ang papa niya, iyon ang pangalawa kong napansin dahil ang una kong napansin ay ang malaking ulo ni Yvon kaninang nasa pintuan pa sila.
Iginayat na sila ni mama sa hapagkainan at katabi ko ngayon ‘yong kumag. Mahina niya tinapakan ang paa ko kung kaya’t marahas akong tumingin sa kaniya.
“Ano?!”
“Ang pangit mo kapag naka pang bahay,” ‘tsaka siya ngumiti ng nakakaloko.
Tinapakan ko ng malakas ang paa niya ngunit hindi ko iyon ipinahalata at ibinaling lang ang atensyon sa pinag—uusapan nila.
Rinig na rinig ko ang mahihinang mura ni Yvon dahil sa sakit ngunit pinabayaan ko lang siya. Karma is a betch, betch!
Pagkatapos no’ng nangyari ay hindi na ako ginambala nitong kumag at ibinaling na lang ang atensyon kay kuya. Ayan ang mabuti, bigyan niyo dapat ako ng peace of mind—ngunit nagulat ako nang bigla akong kinurot ni mama na nasa isang gilid ko.
“Nakita ko ‘yon, Alanna Kier, umayos ka.” babala niya bago ako kumain ng mapayapa.