MAY PAG-IBIG PA BA?-2

471 Words
Matuling lumipas ang mga taon at patulay parin siyang umaasang babalik uli ang lalaking nagpadama sa kanya ng malasakit at ang taong bukod-tanging nag-alala sa kanya kahit hindi pa nila kilala ang isa't-isa. Nakatatak na ito sa kanyang puso at isipan at hindi kailanman nawaglit sa kanyang sistema hanggang siya ay ganap ng maging dalaga. Kung noon ay mainit ang dugo ng mga tauhan ng bahay-ampunan sa kanya, mas nadagdagan pa sa ngayon ng mga kasing-edad niya na mga babaeng ulila dahil naiinggit ang mga ito sa namumukadkad niyang ganda na talaga namang takaw-pansin sa mga kalalakihan na nakatira din sa bahay-ampunan. "Hoy Vicka! Bakit andito ka na naman sa hardin ha? Di ba ang assignment mo ay doon lang sa kusina?" Sita ni Linda na siyang palaging naghahanap ng paraan upang mapagalitan siya. Mas matanda lang ito ng ilang taon sa kanya pero ang ugali ay daig pa ang batang musmos dahil sa napaka childish nito. Kasama nito ang ilan din sa mga kasamahan nila na palagi din namang kumakampi sa masamang ugali nito. "Natapos ko na ang lahat ng gawain ko doon. Inaayos ko lang itong mga bulaklak dahil mukhang nalalanta na." Mahinahon niyang sagot dito. "Ang sabhin mo lumalandi ka na naman! Alam kong inaantay mo lamang magsilabasan yung mga boys at ng mapansin ka na naman!" Giit nito sa maling bintang sa kanya. Magkahiwalay ang dorm ng mga babae at lalaki sa malaking tahanan na iyon at bihira lang din na magkita-kita sila dahil iniingatan ng mga namamalakad sa ampunan na may mamumuong relasyon sa mga kabataan lalo pa at uhaw ang mga ito sa pagmamahal. Mahigpit na ipinag-uutos doon na bawal silang maging malapit sa isa't-isa sa panahong sila ay magdadalaga at magbibinata na upang maiwasan ang tukso na magdadala sa kanila sa kapamahakan. Ngunit ilan sa mga kababaihan at kalalakihan doon ay palihim pa din na nagtatagpo kahit gaano kahigpit ang kautusang iyon. Isa si Linda na may lihim na pagtingin sa lalaking nagngangalang Jomar at minsan ay nakita na niya ang mga itong patagong nagkikita sa may hardin tuwing sasapit ang gabi. Hindi naman niya sinasadya iyon ng utusan siya ng mayordomang maglabas ng itatapong basura sa may gate at eksaktong naunang lumabas naman ang lalaki mula sa kinatatagpuang lugar sa may hardin nila ni Linda. Tila natulala ang lalaki pagkakita sa kanya na akala niya ay natakot dahil sa naabutan niyang may kinakatagpo ito sa hardin. Ngunit ng magsalita ito ay ang tanging sinabi nito na hindi nito akalaing may Diyosa daw na nakatira sa bahay na iyon at siyang pagsulpot naman ni Linda na galit na galit ang mukhang nakatingin sa kanya dahil sa narinig mula sa lalaki. Mula noon ay kung ano-anong paninira ang inimbento nito upang mas lalong maging masama ang tingin ng mga kapwa niya ulila doon sa ampunan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD