Sinundan ni Mia nang tingin ang papalayung sasakyan ni Adrian. Nang hindi na niya ito matanaw ay isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago siya pumasok. Matamlay niyang binuksan ang pinto nang kanyang apartment. Papasok na sana siya saka dumating si mrs guada "mia!" sigaw ni mrs guada sa kanyang likod "ay kabayo" muntik na siyang mapatalun dahil sa gulat at napa tutup siya sa kanyang dibdib dahil sa subrang pag ka bigla, bigla lang kasi itong sumigaw sa likod niya "mrs guada naman, bakit ka nang gugulat diyan" reklamo niya dito "kanina kapa kita tinatawag pero hindi mo ako pinansin salita ako nang salita dito hindi ka man lang sumagot" sabi nitong naka pamaywang sa kanyang harapan "sino ba yun ha? mia pumasok kaba sa.." hindi na nito na ituloy ang sasabihin nito dahil tinalikuran na niya ito at agad siyang pumasok. Nang ma buksan na niya ang pinto at agad siyang umupo sa kanyang kama at ito naman ay umupo sa isang upuan. Pinag masdan lang siya nito at binabasa ang bawat kilos niya at hindi na ito nag salita pa.
"Mrs guada!" tawag niya dito at pilit siyang ngumiti "taadaa!" pinakita niya ang pera na hawak niya, nang makita nito ang pera ay bigla lang itong kumonut ang noo "mrs guada may pambayad na ako sa inyu" pilit niyang pinasigla ang kanyang boses dahil nasasaktan pa din ang kanyang puso. Napasinghap si mia nang bigla itong lumapit sa kanya at niyakap siya nito at umiiyak na "mia, patawarin mo ako kong siningil pa kita" anitong pinunasan nito ang mga luha "ma intindihan naman kita kong wala kapa ring ibabayad sa akin pero bakit pumasok ka sa ganyang klasing trabaho anak" sabi nitong sumisingok.
Na bigla si mia sa sinasabi nito at medyo na tawa siya sa maduming iniisip sa kanya "hahaha tahan na mrs guada, hindi ko alam ganyan kapala ka dumi kong mag isip" natatawa siya habang ina alo niya ito dahil umiiyak parin habang yakap siya "sinu ba yong mayamang lalaki na nag hatid sa iyo kanina?" tanung nito at saka ito kumalas sa pagyakap sa kanya at bumalik sa pag upo "fiance ko po" walang ka gatol gatol niyang sabi, "aray mrs guada naman" napa hagod siya sa kanyang balikat dahil sa pag hampas nito sa kanya "gaga ka talagang bata ka, anung fiance ha bakit naging fiance mo yun sa loob lang nang isang araw?" napa iling-iling nalang ito at parang hindi na niniwala sa kanya. Sinu ba ang maniniwala sa isang araw mo lang na kilala tapos fiance mo na agad "opo, bakit hindi ba pwede? sa ganda kong ito tsk, tsk, tsk" sagot niyang naka pilantik pa ang kanyang kamay pero binatukan lang siya nito "aray! mrs guada nakarami kana ha!" naka nguso niyang sabi at napa hagod nalang siya sa kanyang batok "Mia, gumising ka!, bakit ba anu bang nangyari at bigla nalang naging fiance mo yun? anu mia na isuko mo naba ang bataan mo kaya ka pakasalan? ganyan kaba mia kalahati lang nang oras mo siyang na kilala pero na isuko muna?" sunod-sunod nitong tanung sa kanya "hep-hep," tinaas niya ang isa niyang kamay para patigilin ito sa kakatanung sa kanya "teka lang po, pwede ba isa-isa lang sa tanung mo mrs guada dahil medyo marami na ehh" sabi niya dito "ok ang tanung ko bakit ka niya pakakasalan may nangyari naba sa inyu? bakit?" tanung nito na napakamot pa sa ulo "sana" sagot niya sa mahinang boses pero ang talas ata nang pandinig nitong si mrs guada at narinig pa siya "anu? baliw ka talagang bata ka at gusto mo pang may mangyari sa inyu?" naka angat nanaman ang isang kamay nito para batukan ulit siya, pero buti nalang na pigilin niya. "hindi kaba nag sasawa sa kakabatok sa akin? ang sakit na nang batok ko ha!" reklamo niya dito.
Napa buntong hininga nalang ito at humingi nang tawad "sorry mia, pero ikaw kasi eh hindi ka matinung kausap" reklamo din nito sa kanya, pero muling bumalik nanaman ito sa kanilang topic "sorry mia, curious lang kasi ako kong bakit na sabi mo na fiance mo yung mayamang lalaki na naghatid sayo kanina at parang ang gwapo ha" at nangingislap pa ang mga matang tumitig sa kanya at nag hintay sa sagot niya "gwapo nga pero hindi naman akin" matamlay niyang turan dito, napa kunot ito nang noo at na guguluhan sa kanyang sinabi "ok ipaliwanag ko sa iyo lahat mrs guada kong bakit at huwag kanang mag salita diyan" sinimulan na niyang ipaliwanag dito sa matanda ang lahat-lahat kong bakit naging fiance niya si adrian martinez "anu? nang dahil sa kahilingan nang lolo niya kaya magsama kayo nang isang taon, magpanggap kayo sa harap nito na parang tunay na mag asawa? sunod-sunod ang iling nito "mia ang hirap niyang pinasok mo paano kong ma buko kayo nang lolo niya, anung mangyayari sayo niyan?" hindi na siya nakasagot sa tanung nito dahil na iisip rin niya kong ma buko sila nang lolo nito na niloko lang siya anung mangyayari sa akin. Bakit ba hindi ko na isip yun bago ko tinanggap ang alok niya. Napa katanga ko talaga nag padala ako sa aking emosyun kanina hindi ko lang mn na isip na baka ma buko kaming dalawa.
Kanina pa naka alis si mrs guada pagkatapos nilang mag usap at nag bayad na din siya dito, ayaw pa sanang tanggapin ang pera baka daw mag bago pa ang isip ko pero sa tuwing ma iisip ko kong gaano ka saya si adrian kanina na tinanggap ko ang alok niya ay parang na kokonsinsya naman ako kong aatras pa ako sa aming usapan at kailngan din niya nang pera para maka tustus sa pangangailangan nang aking pamilya. Huminga siya nang malalim dahil hindi siya maka tulog dahil sa mga pangyayari isang araw lang pero ang dami na nangyayari "haist, yung utak ko talaga ayaw pang makisama sa mata ko" at nag pabaliktad baliktad na siya sa higaan pero kailangan niyang matulog dahil susunduin siya bukas ni adrian para ibibili siya nang kanyang kasuotan.