Chapter 8

1445 Words
You shouldn't expect too much -Leighton Zeyannah "Accept mo na ako" sinusundot sundot nya pa ang tagiliran ko "Bakit ba ang kulit mo?" pilit kong iniiwasan yung daliri nya na sumusundot sa tagiliran ko "Ano bang gusto mong gawin ko?" kalalaking tao ang kulit kulit "Wala at mas lalong wala akong balak na I accept ka kaya tigilan mo na ako" kanina nya pa ako ginugulo simula pag pasok ko hanggang ngayon na break time namin sinusundan nya ako kung saan ako pupunta para lang i pa accept yung friend request nya. Parang bata diba? "Grabe ka saakin" hindi ko akalain na may tatalo pa pala sa pagiging makulit ni Hanz. "Bakit ba big deal sayo ang hindi ko pag accept ng friend request mo?" Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kakulitan ng taong to ng dahil lang sa Friend request na yan. "Accept mo nalag kasi ako" kaibigan ba talaga ni kuya to? "Hindi pa ba kayo tapos diyan?" inilapag nila Ashley ang pinabili kong meryenda, pano ba naman kasi nasa pila na kami kanina ng biglang sumulpot nanaman si Franz at nangulit nang nangulit at sa sobrang kulit nya sinuway pa kami ng teacher kanina na kasabay pala naming bumibili at sa sobrang hiya nag pabili nalang ako kila Ashley at hinintay ko nalang sila sa may pwesto naming kaso hindi nya ako tinantanan at sinundan pa ako rito. "Hindi nya kasi I accept ang friend request ko" aba't nag sumbong pa napatawa naman sila Ahsley at Audrey. "Seriously Franz yan ang dahilan kung bakit mo sya kinukulit?" Natatawang tanong ni Audrey. Mag sisimula nanaman many asar so Audrey. Nakita kong namula yung tenga ni Franz oh my pahiya ka ngayon hahaha "U-Una na muna ako" sabi nya at tumayo na kaya nag tawanan kaming tatlo sa itsura nya except syempre kay Leighton na seryoso nanaman. "Among nangyari sa tahimik na supladong Franz na kilala natin? Nag transform ng dahil sa Friend request?" Natatawang sabi ni Audrey "Maka tawa ka naman akala mo Hindi nag drama kahapon dahil hindi din in accept and Friend request" natawa naman ako sa sinabi ni Ashley. What's wrong with this people ba at big deal sa kanila ang Friend request na Yan? "May gusto ba sayo yun?" Natawa naman ako sa biglang tanong ni leighton seriously? Linggo palang kami mag ka kilala may gusto agad? Nag pa paaccept lang may gusto agad? Hindi ba pwedeng gusto nya lang makipag kaibigan. "Naku wala kaibigan sya ni kuya kaya na ngungulit" nakita ko si Franz na umupo sa gilid malayo saamin at mag isang kumakain nakakainis bakit parang naaawa ako sa kanya? Nakita kong hawak nya ang cellphone nya kaya naman dahil na g-guilty na ako nilabas ko na din ang cellphone ko at naisipan na i accept sya ng matahimik na sya at ng patahimikin nadin ako ng konsensya ko. Kumain nalang ako habang nakikinig sa kwentuhan nila ng biglang may humila sa upuan sa tabi ko. "Pwede maki share" naka ngiting tanong ni franz at hindi pa man kami pumapayag ay umupo na sya. "Naku pwedeng pwede" kahit di ka pumayag ashley wala ka ng magagawa kasi naka upo na sya. "Bat ka bumalik?" Tanong ko "Kaibigan na kasi kita" sabi nya habang ngumunguya pa ng pagkain nya. "At kailan pa kita naging kaibigan?" Kung ano ano sinasabi nito. Oo andun na yung madalas namin siyang kasama pero nasa gilid lang sya madalas tahimik at kung mag sasalita naman dahil sa makikipag barahan kay Audrey. "Ngayon ngayon lang nung I accept mo na yung Friend request ko"natampal ko nalang ang noo ko, wala suko na ako dito ang kulit. "Alam mo Franz akala ko suplado ka. Syempre diba lagi mo akong binabara?" sabi ni Audrey "Makulit ka din pala" natawang sabi nya. "Naku mabait ako ano ba gusto nyo my treat dahil Friend na kami ni yannah" tuwang tuwa naman yung dalawa tsk Unfriend ko to eh. "Naku kung ganyan ka naman pala aba mag ka kasundo na tayo" sabi ni Audrey. Akala ko biro lang ni Franz yon pero ayun andun na sila at bumibili, naiwan naman kami ni leighton "Anong ginawa mo don?" Tanong ni leighton habang nakatingin kila franz. Nag kibit balikat naman ako "Diko alam trip non" ganyan din kaya sya kay kuya? Aish diko ma imagine. "Nga pala hindi ka galit sakanya?" "Bakit naman ako magagalit sakanya?" Balik na tanong ko sakanya. "Diba hindi sya sumipot sa usapan nyo kahapon?" Oo nga pala hindi ko nasabi sakanya yung dahilan ni Franz, pareho pa naman kaming nag hintay sa wala kahapon. "Nag explain naman na sya, may importante daw syang pinuntahan at nangyare na eh walang magagawa pag nagalit ako" ayoko ng may ka galit "Ganon ba, sana nag sabi sya kahit papano" "Hay nako hayaan na natin yun at least naka hanap ako ng service ko" natawa naman sya sa sinabi ko. "Ginawa mo pa akong service" tinawanan ko nalang din sya. "Mukhang nag kakatuwaan tayo ah" ayan na pala sila. "Anong pinag uusapan nyo?" Si Audrey ang nag tanong. "Pinag uusapan namin kung bakit may mga taong hindi tumutupad sa usapan" nagulat naman ako sa sagot ni leighton "Ay nakakainis yung mga taong ganyan" naku naman audrey "Sinabi mo pa " pag sang ayon ni ashley "Bakit nga ba may mga taong ang hilig mangako pero hindi naman kayang tuparin" sabay subo ni Audrey ng pagkain "You shouldn't expect too much" seryosong sabi ni Leighton, tungkol sa hindi pag sipot paba to ni Franz oh may pinag huhugutan syang iba? Pagkatapos nyang sabihin yun ay nag ibang topic na sila Audrey. Mukhang nahalata nya na biglang naging awkward yung pinag uusapan namin. Napalingon ako kay Franz na nasa tabi ko at na kayuko mukhang natamaan sya sa mga sinabi nila kanina tsk tsk. Napalingon sya sakin at mukhang nagulat pa ata nang makita nya akong nakatingin sakanya kaya nginitian ko nalang sya para hindi na sya ma guilt sa nangyare kahapon at ngumiti din naman sya. Hindi nag tagal at nag ring na ang bell kaya sabay sabay na kaming pumasok Habang nag lalakad pansin ko ang pag tahimik ni franz na nasa likuran namin ngayon dahil ba don sa kanina? Mukha syang may malalim na iniisip. Medyo binagalan ko ang pag lalakad para masabayan ko syang mag lakad at ng kasabay ko na sya ay nilingon nya naman ako. "May problema ka ba?" Tanong ko sakanya "Yannah about dun sa kahapon sorry talaga" ramdam ko naman na sincere sya naku sabi ko na eh dinamdam nya ang mga sinabi nila Leighton kanina. "Ano ba okay na yun and wag mong pansinin mga sinabi nila kanina may enough reason ka naman diba?" Nilingon ko sya at tipid syang ngumiti. "Hindi ko kasi pwedeng palagpasin yung pagkakataon na yun kahapon dahil yun yung sagot sa mga katanungan ko na gumugulo saakin" nagulat naman ako sa sinabi nya at hindi ko alam pero ramdam ko ang lungkot nya habang nag sasalita kahit na naka ngiti sya "Alam mo bang parang suntok sa bwan para saakin ang mabigyan ng pag kakataon na malaman lahat kahit na ang dami kong kasalanan? Kaya nung sinabi sakin na sasabihin na nila lahat hindi na ako nag dalawang isip" hindi ko akalain na sasabihin ni Franz sakin ang ganitong bagay. Well oo may kasalanan sya pero hindi nya kailangan I explain sakin ng ganto. Personal problem na nya to eh. Huminto sya maglakad kaya napahinto din ako hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng classroom namin "pero sa lahat ng nalaman ko kahapon hindi ko alam kung matutuwa pa ako sa mga narinig ko, ang hirap tanggapin at wala man lang ako nagawa at kamalay malay sa mga nangyayari nung panahon na yon" tinignan ko sya at shet may nangingilid na luha sa mata nya "Kapalit ng mga nalaman ko ang pag layo ko sakanya Pero walang makakapigil sakin na lapitan yung taong yun at gagawin ko lahat para mabigyan ulit ng Second chance" tinignan nya ako at ngumiti sya, yung ngiting totoo at mukhang pursigido. Buong klase hindi na ako nakapag concentrate dahil sa mga sinabi ni Franz, hindi ko masyadong gets dahil wala naman syang binigay na clue pero ramdam ko yung sakit, saya at sincere nya habang nag kukwento sya kaya for me kung sino man ang tinutukoy nya gusto ko sabihin na He deserve a second chance kaso hindi ko naman kilala at wala akong alam. Kung sakali kayang may taong may malaking kasalanan saakin should I gave a second chance once na humingi ito ng tawad? Madali sabihin pero mahirap pala mag desisyon. Kasalan mo'to Franz eh! Hayst.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD