1st chapter

1248 Words
Ako si Solemn Quiamco, 21 taong gulang. Paborito ng lahat. Paboritong anak ni itay, paboritong apo at pamangkin. Matalino, mabait, masayahin at masunurin. They said I'm pretty—pinakamaganda sa lahi namin. Pero ang kagandahan kung minsan ay hindi biyaya, kundi isang sumpa na magdadala sa iyo sa kapahamakan. Lumuwas ako ng Manila, sumama kay itay para matupad ang pangarap na makapag-aral sa isa sa pinakamagaling at kilalang eskwelahan sa buong bansa. Ang Don Roman International colleges. Ang layunin ko ay makapagtapos sa pag-aaral, makapagtrabaho nang maayos at mabigyan ng magandang kinabukasan ang ina at ang kapatid kong naiwan sa probinsya. Pero gumuho lahat ng pangarap ko nang tangkain akong ipahamak ng aking madrasta at ibenta ako ng sarili kong ama para lang ibayad sa mga utang ng kabit niya. Dahil doon ay kinailangan kong manloko, kinailangan kong magpanggap para makuha ang kalayaan ko... *** "T-tita, a-anong trabaho po ba ang gagawin ko? Paano ako magkakapera dito?" "Huwag nang madaming tanong! Gawin mo na lang ang ipagagawa ko." Pumasok kami ni tita Selestina sa VIP room dito sa isang club na pinagdalhan niya sa akin. Sumalubong sa amin ang kakaibang scent at ang malamlam na liwanag ng ilaw sa loob. Walang ibang tao maliban sa aming dalawa, but it has everything that people need in that kind of place. Mayroong entertainment system, iilang dekorasyon sa mga dingding, may mahahabang sofa na kulay pula, parehabang mesa sa gitna na gawa sa matibay na kahoy at sa ibabaw no'n ay may nakahandang isang bote ng alak at isang empty glass. Kinuha ni tita ang bote ng alak, binuksan at nagsalin sa baso. Nakita ko pang may dinukot siyang kung ano sa bulsa niya. Huminto muna siya at tumingin sa akin saka ngumiti nang matamis—bagay na hindi naman niya ginagawa sa akin. "Ah, Solemn, pakiabot nga ng remote control ng aircon. Ang lamig, eh." Tahimik naman akong sumunod. Pagbalik ko ay nakangiti ulit siya sa akin. Ang gaan ng kaniyang awra. Never siyang ganito. Nakakapagtaka ang ikinikilos niya ngayon dahil biglang ang bait niya sa akin, kahit pa minsan ay naiirita siya sa katatanong ko. "Inumin mo ito. Pampalakas ng loob." Inabot niya sa akin ang baso ng alak. "Tita, hindi ako umi—" "Sus! Huwag ka sabing mag-inarte! Sige na, inumin mo na." Nang hindi ako gumalaw ay ngumiti na naman siya. "Huwag kang mag-alala, secret lang natin ito. Hindi ako magsusumbong sa tatay mo. Para sa kaniya naman itong gagawin mo, hindi ba?" "Hindi ko po maintindihan, tita. Bakit kailangan kong uminom?" "Pampalakas ng loob nga! Ito ang ginagawa ng mga babaeng first timer—ibig kong sabihin sa trabaho." Tumikhim siya bago nagpatuloy at muli na namang ngumiti na sinabayan pa ng pagkislap ng mga mata na para bang ako talaga ang pag-asa niya. "Solemn, kapag may pera na tayo, magkakasundo na ulit ang tatay at lola mo. Hindi ka na makakarinig ng pang-iinsulto ng iyong lola sa tatay mo. Kaya sige, na. Inumin mo na ito." Tinitigan ko siya nang matagal. Ang sabi niya sa akin kanina ay ipapasok niya ako rito bilang waitress sa gabi habang nag-aaral naman ako sa umaga. Sa ganitong paraan daw ay matulungan ko si itay na ngayon ay balot na ng utang nang dahil lang din sa kaniya. "Kaya ko pong magtrabaho, tita nang walang alak sa katawan—" "Lintik naman!" Hinampas niya ang ibabaw ng mesa at nanlisik ang mga mata na tumingin sa akin. Nauubusan na siya ng pasensya. "Gusto mo bang iwan kita rito at ipamigay sa mga bouncer ng club?! Kaya kong gawin iyon, Solemn! Subukan mong ubusin ang pasensya ko!" Napalunok ako. Natakot agad sa banta niya at walang anu-ano'y kinuha ang baso mula sa kamay niya. Kaagad namang lumiwanag ang kaniyang mukha. "Ubusin mo, ha? Sayang ang bayad kung itatapon mo lang." Tuwang-tuwa siya nang sunud-sunod kong nilagok ang laman ng baso, kahit pa pakiramdam ko ay halos masunog na ang lalamunan ko dahil sa matapang na lasa. Napasigaw pa ako matapos na maubos ang lamang alak. Ang pait kasi, ang sakit sa lalamunan higit sa lahat, ang init sa tiyan. "Ah, Solemn, dito ka lang, ha? Kukuha lang ako ng food. Nakakagutom kasi ang alak," bigla na lamang niyang sabi. Nag-aalangan man ay tumango ako. "Balik ka agad, tita." "Oo. Mabilis lang ako. Basta, huwag kang lalabas. Hintayin mo ako rito. Babalikan kita." Tahimik akong naghintay, hindi gumagalaw sa pwesto habang unti-unti nang naiinitan. Kinuha ko ang remote at nilakasan ang aircon ngunit ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Ganito ba ang epekto ng alak? Ang init sa katawan! Makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang singkit at matabang lalaki na nasa 50 ang edad. Kaagad na bumundol ang kaba sa dibdib ko. Ngumisi ito nang nakakakilabot nang makita ako. "S-sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Hindi niya pinansin ang tanong ko. Bumaling siya sa dalawang lalaking naka-uniporme sa likod niya. "Hintayin ninyo ako sa labas." "Yes, boss," tugon naman ng dalawa. Paglabas ng mga ito ay saka naman dahan-dahan na lumapit ang matabang lalaki suot ang nakakakilabot na ngiti. "Hi, I'm Mr. Li," pakilala niya habang hinuhubad ang necktie na suot at isinunod ang kaniyang itim na blazer. Sa kilos pa lang niya ay alam ko na agad ang kaniyang pakay. Mabilis akong tumayo para tumakbo patungong pinto ngunit napigilan niya ako at marahas na initsa sa sofa. "Oww hoh-hoh-hoh-hoh! Hard to get, huh. Huwag kang mag-alala, ganda. Babayaran naman kita ng malaking pera. Ang kailangan mo lang gawin ay paligayahin ako." "Hindi!" Tinadyakan ko siya sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napaluhod siya sa sakit. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at mabilis na lumabas. Sa unahan ng hallway ay may nakita akong bulto ng matangkad na lalaki. Kaagad akong sumigaw ng tulong pero mabilis akong napigilan ng dalawang lalaki. "Huwag! Bitiwan niyo 'ko!" Pinipilit nila akong hatakin pabalik sa loob. Patuloy naman ang panlaban ko. Nagpalimbag-limbag ako para mabitawan nila ngunit masyadong mahigpit ang hawak nila sa mga braso ko. "Pumasok ka na!" asik ng isa at tinulak ako papasok. "Tulong! Tulungan niny—" Mabilis na tinakpan ng lalaki ang aking bibig at sapilitan akong ipinasok sa loob. Nakita ko namang nakabawi na yung matabang lalaki na binayagan ko. Dahan-dahan itong tumayo at humarap sa akin. Nanlilisik ang mga mata nito. Nang dalhin ako ng dalawang lalaki sa harap nito ay sinalubong ako nito ng malakas na suntok sa sikmura. Nanlambot kaagad ang mga tuhod ko at halos mawalan ng malay. Tinulak nila ako pahiga sa sofa. Hindi ko na kayang manlaban dahil nawalan na akong lakas sa suntok na iyon. Nanlalabo na rin ang paningin ko. 'Please, tulong...' tanging nasambit ko sa isipan, umaasa na babalikan ako ni tita at tutulungan. Naramdaman ko ang mga kamay ng matabang lalaki na marahas na ibinukaka ang aking mga hita. "Bwisit kang babae ka! Dahil sa ginawa mo, matitikman mo ang parusa ng isang Li! Hindi kita tatantanan hanggang sa hindi ka makalakad!" Tinikwas niya ang laylayan ng aking suot at mabilis na ibinaba ang aking underwear. Naluha ako sa sobrang takot. Ngunit bago pa man siya may magawang masama sa katawan ko, bigla na lamang bumukas ang pinto ng silid at kasunod no'n ay ang pagbuwal niya mula sa harapan ko. Hindi ko nakita ang buong pangyayari pero narinig ko ang magaspang at matigas na boses ng isang lalaking nakatayo ngayon sa tabi ng nakahandusay na si Mr. Li. "f*****g pedophile."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD