EPISODE 5

3033 Words
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa magta-tatlong linggo na rin kami rito sa Batangas, at dalawang araw na lang pabalik na rin kami uli ng Manila. Napa buntonghininga na lang ako at nakaramdam ng bahagyang kalungkutan, dahil sobra ko na namang mami-miss ang aking mga tito at tita, lalo na ang aking lola. Hindi rin kami madalas makapasyal dito dahil sa may trabaho rin si Papa, habang si Mama naman ay naging abala na rin sa maliiy nitong negosyo. Ang karenderya na dinadayo rin ng mga kustomer dahil sa sarap din ng mga luto ni Mama. "Anak, tinatanung ni Jeffrey kung sasama ka raw bang mag night swimming sa kanila mamaya sa kabilang bayan at tawagan mo raw pala siya, anak kung sasama ka para madaanan ka raw nila," sambit ni Mama. "Sige po, Ma, tawagan ko na lang po mamaya si Jeffrey, total pauwi na rin naman po tayo kaya susulitin ko na lang din po ang bakasyon," nakangiti kong sagot kay Mama. Yumakap naman ito sa akin, "Tama iyan anak, sulitin mo hanggat bata ka pa at wala pang pamilya, dahil pag dumating ka na sa puntong iyon, ay wala nang ibang mahalaga para sa isang magulang kundi ang alagaan at asikasohin ang 'yong asawa at mga anak. Gan'on ang isang babae, anak. Oras na magkapamilya na'y wala nang ibang mahalag kundi ang kanyang mag-aama," puno ng pang-unawa at pagpapahalagang sambit ni Mama. Ngumiti naman ako at gumanti ng yakap. KINAGABIHAN, dinaanan ako ng aking mga pinsan, para sa planong night swimming ng mga ito. Sumama naman ako para mas ma-enjoy ko rin ang bakasyon ko rito sa Batangas, dahil pauwi na rin kami ng Manila bukas. Kailangan na rin daw pumasok ni Papa sa trabaho. Nakaupo kaming magpipinsan sa isang cottage na may video-ke, at nagkakasiyahan ang lahat, kantahan, inuman at sayawan, ramdam ko ang kaligayan. Iying kaligayahang feeling mo nakawala ka sa 'yong hawla, na hindi ko naramdam sa loob ng tatlong taon. Kung sa bagay noon pa man hindi ko pa talaga nararanasan ang ganito, dahil masyado lang umikot ang aking mundo para kay Victor, sa buong mga taong nag-aaral ako ay kay Victor lamang nakasubaysabay ang aking atensyon, eskuwelahan, at bahay lang talaga ang nagiging ikot ng aking mundo noon, pero ngayon'y ramdam ko sa sarili ko iyong alam mong wala kang ibang iniisip sa mga oras na 'to kundi ang magsaya. LUMIPAS ang mga araw, buwan at mga taon, ang dami nang mga nangyari, lalo na sa aking bestfriend na si Marie, sobrang laki ng awa ang aking naramdaman para sa aking kaibigan. Hindi rin biro ang mga dinanas nito dahil sa sobrang pagmamahal kay Kuya Daved, halos ako ang nasa tabi nito sa mga lumipas na taon, iniuwi ko rin ito sa Batangas nang mga panahong halos hindi na nito magawa pang bumangon dahil sa sobrang sakit at pagkalugmok na dinanas nito dahil sa unang pag-ibig. Ngunit makalipas ang dalawang taon, muli rin namang ibinigay ng Panginoon kay Marie ang totoong kaligayan na nararapat para dito, naging maayos na rin ang naging pagsasama nila ni Kuya Daved, at ngayon nga ay sa Hong Kong na naninirahan ang mga 'to kasama ang tatlong malulusog na mga anak. It has now been five years since they left the Philippines. At sa limang taong iyon puro videocall lang din pag nagkaka-usap kami. Ang dami na nang mga nangyari, isa na ro'n ang lalo kong pagkahulog sa pagmamahal ko para kay Victor, hindi ko na rin alam kung paano ko pa ba magagawang kalimutan o itapon na lang ang aking nararamdaman para sa lalakeng iyon, dahil alam kong wala na rin akong pag-asa na mapansin pa nito o lalong makapasok sa buhay nito. Alam kong may Girlfriend na 'to at hindi rin lingid sa aking kaalaman ang pagmamahal ni Victor para sa babae. Noong nalaman ko sa TV two years ago ang tungkol doon, na officially in a relationship na si Victor kay Cheska ay sobra akong nasaktan halos bumagsak na rin ang ang aking pag-asa, at iniyakan ko rin ng sobra ang balitang iyon. At saka din lang nalaman nina Papa at Mama kung ano ang aking nararamdaman para kay Victor, nagulat sila no'ng una lalo na nang sinabi kong highschool pa lang nang una akong makaramdam ng kung anong damdamin para kay Victor, at hanggang sa tumagal ay nalaman ko na rin kung ano ang ibig sabihin ng damdaming iyon. Pagmamahal. Oo, mahal ko na si Victor, at lalo lamang lumalalim ang aking pagmamahal para kay Victor. Lalo na ngayon, na sa tuwing makikita ko ang dalawa na laman ng mga showbiz news at mga social media ay hindi ko maiwasang mapaiyak, sobra akong nasasaktan, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin para lamang mapansin ako nito at mahalin din gaya ng pagmamahal nito para kay Cheska. "Anak, ready ka na ba?" napalingon ako nang bumukas ang pinto ng aking silid at bumungad si Mama. Papunta kami ngayon sa mansyon ng mga Montemayor, dahil birthday ni Leizle, at may ginawa silang party para sa bunsong anak nina Ninang Shiela, inimbetahan kaming mag-anak nina Tita Shiela. Sayang nga lang at hindi nakauwi sina Marie, dahil buntis na naman pala ang aking kaibigan, hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng inggit para sa maayos na kalagayan ng buhay pag-ibig at pamilya nito, mag-aapat na rim ang anak nila ni Kuya Daved, samantalang ako hindi ko na alam ang gagawin para lamang makalimot kay Victor, dahil alam kong wala na rin patutunguhan ang aking nararamdaman para sa lalakeng iyon. "Opo, Ma, I'm ready!" Masigla kong tugon, saka ako tumuyo at lumakad patungo sa pintuan. "Wow!!" reaction ni Mama. "Ang ganda naman talaga ng anak ko." nakangiting pagbibigay nito ng papuri sa akin habang nakatingin sa aking kabuoan. "Thank you, Mama. As always naman po, Mama, eh, and because I was born this way." puno ng confident kong sambit, saka ako humalakhak na ikinahalakhak din ni Mama. Nakasuot ako ng nude color evening dress na hapit sa aking katawan kaya lalong lumitaw ang magandang kurba ng aking katawan. Abot sa aking talampakan ang haba nito na may slit sa right side hanggang aking hita, at may maliit na strap at malalim sa bahaging dibdib, at ganun din sa aking likod, wala akong suot na bra dahil may padding naman ang aking dress sa parting dibdib. Hindi rin naman panget tingnan, dahil kahit paano ay biniyayaan din naman ako ng magandang hubog sa aking hinaharap, nagsuot din ako ng 4inch high heels sandals, pagkatapos ay inabot ko na ang aking pouch bag LV na cellphone at wallet ko lamang din ang laman, hindi rin naman ako mahilig magdala ng make-up kit dahil hindi rin ako mahilig mag make-up. At naglagay lang ako ngayon ng simpleng make-up na babagay lang din sa aking suot. "Hi, Ate Myra, hi po Tita, Tito!" masiglang bati sa amin ni Leizle. "I am glad you all came, and thank you for the gift, Ate Myra. Nasa living room po sila Mom, and by the way, ate. If you are free later, puwede ba kita ipakilala sa mga friends ko?" may halong pakiusap ni Leizle. Ngumiti naman ako, "Yeah sure, Princess, but first, kailangan ko munang puntahan sina ninang, alam mo naman iyon, baka magtampo." pagsang-ayon ko, saka ko ito kinindatan, dahilan upang lalo lamang itong matuwa, na animo'y isang batang kinilig dahil sa napagbigyan ng ate ang kagustuhan nito. Napailing na lang ako at dumiretso na rin sa loob ng mansyon. THIRD PERSON's POINT OF VIEW SAMANTALA, nakaupo sa malawak na sala ng mansyon ang mag-asawang Montemayor habang masayang nagkukwentohan kaharap ang Señora Susan at ang mag-asawang Manang Fe at Mang Kardo. Nandoon din sina Victor kasama ang kasintahan nitong si Cheska. Nagtatawanan ang mga taong nasa loob ng malawak na living room nang mga oras na iyon. Pumasok sa malaking pintuan ang mag-asawang Salcedo. Sina Marvin at Rita. Kaya naman naagaw ang pansin ng mga taong nakaupo sa malawak na sala at sabay-sabay napalingon sa mga bagong bisitang dumating. Maliban kay Victor ay nabura ang mga ngiting naka paskil sa labi nito at napalitan ng pagkamangha sa huling babaeng pumasok na may mga ngiti sa labi. Saglit pang tumigil ang dalagang si Myra at muling lumingon sa likuran nito dahil kinausap pa uli ni Leizle ang dalaga, nang matapos makipag-usap ay lumakad na rin ito papalapit sa mga taong nakaupo sa sala. Napatitig naman ang paningin ni Victor sa dalagang si Myra dahil sa pagkamanghang naramdaman ng binata nang makita nito ang dalaga sa ganoong ayos. Kitang-kita sa mga mata ni Victor ang labis na paghanga at waring hindinlang basta paghanga para sa dalaga. Sa napakasimpleng ayos lang ng dalaga ay lalo lamang itong gumanda lalo na sa paningin ng binata. At nang makita ni Victor ang mga maliliit na dimple ng dalaga sa gilid ng labi ay waring utimong mga mata nito'y nagkikislapan sa sobrang paghanga. VICTOR's POINT OF VIEW Biglang kumabog ang dibdib ko na hindi ko malaman kung ano'ng dahilan o para saan, basta ang alam ko, may ginising si Myra sa aking pagkatao. Napaka‐sexy nito ngayon, at hindi ko rin napigilan ang aking sariling paglakbayin ang aking mga mata sa buong katawan nito, mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay muling bumalik ang aking paningin sa mga dibdib nitong para sa akin ay saktong-sakto lang para sa malalapad kong kamay. Napaka-sexy mo, Sweetheart. Pinabilis mo na naman ang t***k ng aking puso. s**t!! Ano ba 'tong iniisip ko, nasa tabi ko lang si Cheska pero bakit nakakaramdam ako ng pagnanasa para sa ibang babae. Napaayos ako ng upo pagkatapos ay saka tumikhim para pakalmahin ang aking sarili . "Ehem!" tikhim ko at napalingon naman sa akin ang lahat lalo na si Cheska na nakayakap sa aking kanang braso. "Hon!?" tawag sa akin ni Cheska. "Are you okay?" tanong ni Cheska ni Cheska sa akin. Ngumiti naman ako, saka ko ito hinalikan sa noo. "Yeah, I'm okay. I'm sorry." tugon ko na pilit pinagtatakpan ang aking damdaming nagsisimula nang malito at mapuno ng mga katanungang hindi ko na mapigilan. Pagkatapos ay pasimple akong lumingon sa gawi ni Myra na ngayon'y nakaupo na rin sa tabi ni Tita Tita, at gan'on na lang ang biglang pagkabog na naramdam ng aking puso nang magtama ang paningin namin ni Myra. Matiim din itong nakatitig sa akin, at sa bawat pagtitig nito ay kita ko sa mga mata nito ang sakit na gumuguhit doon, nawala ang masayang itsura nito kanina nang pumasok sa mansyon. Napalitan iyon ng mga lungkot at sakit, maya-maya pa ay tumungo nito at nakita kong may isang butil na luhang pumatak sa damit nito mula sa mga mata, nakaramdam ako ng kaunting kurot sa aking puso dahil sa luhang iyon. "Please excuse me; I need to use the restroom," Narinig kong mahinang sambit ni Myra, at dali-daling umalis sa aming harapan. Napasunod na lang ako ng tingin sa papalayong Myra at nakita ko pa ang pagyugyug ng mga balikat nito, palatandaang umiiyak ito sandaling iyon. Hindi ako mapakali sa aking kinaauupuan, gusto kong sundan si Myra upang yakapin at punasan ang mga luhang pumapatak sa mga mata nito, pagkatapos ay halikan, ngunit hindi ko magawa at hindi ko puwedeng gawin. Napa buntonghininga na lang ako ng malalim, dahilan upang muli kong maagaw ang pansin ng aking mga kaharap. Napatingin naman ako kay Cheska na ngayon'y nakakunot na ang mga kilay, at wari bang may gustong itanung at nagtataka, pagkatapos ay nakita kong gumawi rin ang tingin nito kung saan pumunta si Myra. "Is there something wrong, son? I noticed you seemed restless a while ago," nagtatakang tanong ni Mom. Hanggang sa tumingin na rin sa akin ang lahat. "Don't worry about me, Mom; I am fine." sagot ko, saka ako ngumiti. Ngunit sa naging kilos ko'y mukhang hindi na naging maganda ang gabi ni Cheska. Napalingon ako rito nang tumayo ito at nagpaalam na sa aking pamilya. "I am sorry, Tito, Tita, but I have to leave," seryosong sambit ni Cheska habang nakatingin sa aking mga magulang. Napakunot ang aking mga kilay sa biglaan nitong pagpapaalam sa akinf mga magulang, kaya't agad na rin akong napatayo, saka ko ito hinawakan sa baywang. "Huh!?" reaction ni Mom. "Are you all right, hija?" hindi na rin napigilang tanung ni Mom, at alam kong nagtataka na rin ang mga ito. "Yes, tita, I am fine. But I have to leave. But don't worry, tita, tito, because I am having a great time tonight." tugon ni Cheska, saka ito ngumiti ng tipid. Napa buntonghininga na lang ako, "Hon, is there something wrong?" bulong ko rito, sapat lang na kaming dalawa lang ang nakakarinig. Hindi naman ito umimik at ngumiti lang uli ng tipid saka lumapit sa aking pamilya at humalik pagkatapos ay tumalikod na rin, dali-dali ko naman itong sinundan palabas. Inabutan ko na itong papasok na sana kotse, ngunit agad ring napatigil nang mabilis kong inabot ang kamay at pinigilan. "Is there something wrong, Hon? Did I say or do something badly that I was unaware of?" nagtatakang tanong ko kay Cheska. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-aalala para dito. Mahal ko rin naman si Cheska at alam ko sa sarili ko iyon, kaya nga naghintay rin ako ng mahabang panahon, upang mapasagot ito. Kaya ngayo'y hindi mapalagay ang aking loob pag nakikita kong nagkakaganito ito, na para bang may gumugulo sa isip o may nagawa akong hindi nito nagustuhan, dahilan para makaramdam ako ng takot na maaaring bigla na lang ako nitong iwan. "Nothing. I just want to go home," mahina at seryosong sagot nito, saka tumingin sa aking likuran, kaya naman sinundan ko ang tingin nito. Nakita kong palabas ng mansyon si Myra kasama si Leizle at papunta sa mga bisita nito sa may pool area, bigla akong nakaramdam ng kaba dahil maaaring napansin nito ang bawat pagtitig ko kay Myra kaya ngayon'y nagkakagan'to si Cheska. Humarap ako kay Cheska, at hinawakan ko ang mukha nito saka ko 'to ginawaran ng maiinit na halik sa labi, pagkatapos ay iginalaw ko ang aking dila sa loob ng bibig nito. Naramdaman ko naman ang pagtugon nito at ikinawit ang mga kamay sa aking batok, ilang minuto rin kami ni Cheska sa gan'ong tagpo saka ko 'to binitawan at hinawakan sa tigkabilang pisngi. "Hon, hindi mo kailangang magselos sa kahit na pang kaninong babae, alam mo namang mahal kita, 'di ba? Ikaw lang ang babae na mahahalin ko," malambing kong sambit kay Cheska. Ngumiti naman ito sa akin at yumakap. "I love you too, hon. Napansin ko kasi kanina 'yong mga titig mo sa kanya kaya hindi ko na napigilang makaramdam ng selos, kasi baka mamaya may gusto ka pala sa babaeng iyon na bisita nina tita," nakasimangot nitong sambit na may kasamang paglalambing. Napangiti naman ako sa tuwa dahil sa ipinapakita nitong pagseselos, "Okay, let's go? I think we should spend the night alone," saka ko ito kinindatan. "Your place or mine?" tanong kong may kasamang pilyong ngiti. Napakagat naman ito sa ibabang labi kasabay ng marahang pagkurot sa aking tagiliran na ikinahalakhak ko naman. "My place. Kasi I'm sure, papagurin mo na naman ako ngayong gabi, eh." malambing nitong tugon, ngunit hindi ko naman napigilang muling mapahalakhak. Ipinagbukas ko na ito ng pinto ng kotse saka ko inalalayang pumasok sa loob, nang makapasok na 'to ay saka ako umikot sa driver set. Ilang beses na ring may nangyayari sa amin ni Cheska. Mahal ko ito kahit alam kong hindi rin ako ang naging una sa buhay nito o hindi ang naging unang karanasan, basta ang mahalaga sa akin ay nasa akin na ang babaeng matagal na panahon ko ring hinintay na makuha. Madalas rin na sa condo ni Cheska namin ginagawa ang aming sexy time pag nakakaramdam kami ng init ng aming mga katawan. At bihira lang sa aking condo, gaya na lang ngayon. Kanina pa ako nakakaramdam ng init at kung puwede lang dito pa lang sa sasakyan ay gawin na namin, kaso mas gusto ni Cheska ay sa kama namin ginagawa ang mainit naming tagpo. THIRD PERSON's POINT OF VIEW Sa kabilang banda ay para namang sinasakal ang puso ni Myra sa tagpong nakikita nito. Nakita ni Myra mula pa kanina nang magkakaharap sila sa living room ng mansyon, kita nito sa sulok ng mata nito ang paglalambingan nina Victor at Cheska. Hanggang sa hindi na nga napigilan ng dalaga na tuluyang lingonin ang magkasintahan, na lubos namang pinagsisihan ni Myra, dahil nasaksihan ng dalaga ang ginawang paghalik ni Victor kay Cheska, kaya't nakaramdam si Myra ng selos at matinding inggit para kay Cheska. Mababakas sa mukha ni Myra ang puno ng pag-aasam para sa kilalagyan ni Cheska sa buhay ni Victor. Pag-aasam na marahil ay ito na lang sana ang nasa posisyon ni Cheska. Hanggang sa hindi na nga nakayanan pa ni Myra ang kirot na nararamdaman sa puso niyo, kaya't nagdesisyong umalis sa harapan ng mga taong naroon at ikubli ang sakit na nararamdaman at ang mga luhang nagbabadyang umalpas. Mabilis na tinahak ni Myra ang direskyon papuntang restroom, ngunit bago pa man makarating ang dalaga sa patutunguhang lugar ay hindi na napigilan pa ng dalaga ang sarili at nag-alpasan na ang masaganang mga luha na kanina pa rin nito pinipigilang umalpas. Ilang minuto ring nanatili sa loob ng banyo si Myra upang pagbigyan ang sariling mailabas ang bigat at sakit na nararamdaman ng kalooban. Hindi naman na nagtagal ay nagpasya na ring bumalik si Myra sa mga taong iniwan sa malawak na sala. Inayos ang sarili at pinilit magpakatatag. Napakunot naman ang noo ng mga magulang nitong sina Marvin at Rita habang nakatitig sa dalagang si Myra na papalapit sa direksyon ng mga ito. Marahil na rin siguro ay nahalata ng mga 'to ang naging pag-iyak ng dalaga, kaya't hindi rin napagilang magkaroon ng kalituhan sa mga magulang ni Myra. Napatingin si Myra sa kabilang bahagi ng sala kung saan huli niyang nakita na nakaupo ang magkasintahang Victor at Cheska sa bahaging iyon. Hindi na nakita ni Myra ang dalawa, kung kaya't muli naman itong nakaramdam ng kahungkagan sa damdamin sa isiping maaaring magkasama na ang magkasintahan habang pinapaligaya ang isa't-isa sa ibabaw ng malambot na kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD