EPISODE 19

2933 Words

NATAPOS ang hapunang kahit na isang salita ay wala akong ibinigay at hinayaan na lamang ang mga itong mag-usap tungkol sa sitwasyon nina Luke at Princess. At napagkasunduang idaos ang engagement ng dalawa sa susunod na buwan. Wala naman akong nakitang pagtutol kina Luke at Princess, bagkus may kislap pa akong nakita sa mga mata ng aking kapatid habang ang makikita naman sa mga mata ni Luke ay waring pagkalito. Tumayo ako at nagpaalam na rin sa mga ito, saka dumiretso sa garden at doon nagpalipas ng oras. Muli na namang bumalik sa aking alaala ang lahat, mula ng pagkabata pa namin ni Myra, mula noong una ko itong napansin at ang unang beses na tumibok ang puso ko sa murang edad. Hanggang sa lumipas ang maraming taon na hindi nagbago ang t***k ng aking puso para kay Myra, ngunit ang lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD