"Do you need me to pick you up?" "Hindi na! I'm on my way. Medyo traffic nga lang," sagot ko kay Nathan na nasa kabilang linya. Nandito ako ngayon sa bus at papunta sa Nightloft. Mabilis na lumipas ang one week at December 24 na ngayon. Medyo kinakabahan nga ako at na-te-tense. Of course, it's Miss Lhou! "Sige na, Nate, I'll hang this up. Malapit na akong bumaba, eh," paalam ko at lumingon sa labas ng bintana ng bus. "Oh, okay. Take care. Hintayin kita sa lobby, ah." "Yup, sure." Binaba ko na agad ang tawag at napabuntong-hininga na lamang. Napa-inhale exhale na lang ako dahil sa kaba. Paano ko babatiin si Miss Lhou? Or magpapasalamat ba ako sa kaniya nang bongga dahil sa pag-invite? And sh*t, what if may mga inimbitahan siya na taga-Showbiz like what Nathan said?! Well, that's

