Chapter 3

2086 Words
Hindi ko alam na ang sinabi kong idlip ay nauwi sa malalim na pagkakatulog. Nagising na lamang ako sa ingay nang may grupo ng estudyante ang pumasok sa coffee shop. Narinig ko pa ang pagsaway ng babaeng nasa counter sa mga ito. “‘Yan kasi, ang iingay n’yo,” rinig kong sabi ng isa. Napakurap-kurap ako at papungas-pungas na bumangon mula sa pagkakatulog sa mesa. Pinunasan ko ang gilid ng bibig bago napaangat ng tingin sa buong paligid. Unti-unti kong na-realize na nandito pa rin ako sa coffee shop. Napahawak na lamang ako sa batok na nangangalay at pinulot ang ballpen ko na nahulog sa lapag. Nang muling mag-angat ng tingin ay hindi sinasadyang napadako ang paningin ko sa grupo ng mga estudyante na pumasok sa loob ng shop. Pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko sa pagkabigla nang makita ang isang lalaki roon na nakatingin sa direksyon ko. Agad akong napayuko at nag-iwas ng tingin, umarte na parang hindi ko iyon nakita. Binuksan ko ang laptop na nasa harap ko at ginawa ‘yong pantakip. “Aish, ano ba ‘yan, alas-kwatro na,” mahinang bulong ko sa sarili nang makita ang oras. Isa-isa ko nang dinampot ang mga gamit ko na nakapatong sa mesa at pinasok ‘yon sa bag ko. Kukunin ko na sana ang mga libro at ang laptop ko nang biglang may umupo sa upuang nasa harap ko, kaya naman napatigil ako sa ginagawa. There, I saw Darren, isang kakilala mula sa department ng Engineering. “Uy, Ascella, nandito ka pala,” bungad niya at nginitian ako. “Bakit natutulog ka rito?” Hindi ko alam ang isasagot ko kaya naman bahagya ko siyang inismiran. “Bakit? Bawal ba?” Natawa siya. “Hindi naman. Ngayon na lang kita ulit nakita, ah.” “Baka kasi magkaiba tayo ng department,” bulong ko. “Huh?” nagtatakang usal niya. “Wala. Ang sabi ko, anong ginagawa mo rito?” “Magkakape,” tanging sagot niya at tiningnan pa ang mga kaibigan niyang kasama niyang pumasok dito kanina na ngayon ay tumitingin sa pwesto namin. Napabuntong-hininga naman ako sa loob-loob ko. “Ang ibig kong sabihin, anong ginagawa mo rito at lumapit ka? May kailangan ka sa ‘kin, ‘no?” Tiningnan niya ako bago mahinang tumawa. “Grabe. May kailangan agad? Akala ko ba magkaibigan na tayo?” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Kailan pa tayo naging magkaibigan?” banat ko. Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko bago unti-unting ngumiti nang malawak. He look amused. “Ngayon lang.” Napailing-iling na lang ako. Minsan ay na-we-weirduhan na ako sa lalaking ‘to. Hindi naman siguro siya masiyadong feeling close riyan, ‘no? Hello? Eh, nanghingi lang naman ako ng yellow pad sa kaniya noong enrollment last Summer! Hindi ibig sabihin n’on friends na agad kami, ha. Eh, sa wala naman akong choice dahil siya ang nakita kong may hawak na yellow pad. Mayamaya pa ay sinundan ko siya ng tingin nang bahagya siyang yumuko at may pinulot na papel mula sa sahig. Tiningnan niya ‘yon. “Ano ‘to? Listahan ng utang?” usal niya habang nakatingin sa papel. “Sa ‘yo ba ‘to?” Hindi na ako sumagot at agad na lang ‘yong kinuha mula sa kaniya. Oh, scratch paper na ginamit ko para sa outline kanina. “Gumagawa ka ng story?” biglang tanong niya. Agad naman akong natigilan. “Hindi,” sagot ko at umiling-iling. “Assignment namin ‘to.” “Talaga? Pinapagawa kayo ng novel?” nagtatakang tanong niya. Ano ba ‘yan, ang dami naman nitong tanong! Tumango na lang ako bago muling bumalik na sa pagliligpit. Pinulot ko ang mga gamit ko sa mesa pati na rin ang laptop ko. Sinukbit ko ang bag sa isang balikat bago siya tiningnan. “Mauuna na ako,” paalam ko. Tumayo rin siya mula sa kinauupuan bago tumango at ngumiti sa akin. “Sige, mag-ingat ka.” Tumango ako at maliit na ngumiti sa kaniya bago tumalikod bitbit ang ilang libro ko nang muling dumako ang paningin ko sa mga kaibigan niya na muling sumulyap sa amin habang nasa kabilang table ang mga ito. Napayuko na lang ako bago dire-diretsong naglakad palabas ng coffee shop. Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis ay narinig kong tinawag siya ng mga ito habang nagkakantyawan. Napailing na lang ako at napabuntong-hininga sa loob-loob ko. Kilala si Darren sa campus at marami itong kaibigan, kaya naman kahit palagi itong lumalapit sa akin at medyo sanay na ako, hindi ko maiwasang magtaka. Ano kayang kailangan niya sa akin? Dumaan ako sa isang bakery para bumili ng makakain dahil nagugutom ako at puro kape lang ang ininom ko kanina. Nagmadali na rin akong pumunta sa AR. Nag-text kasi sa akin kanina si Fae at pinapadaan ako sa opisina. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan ko rin namang magpunta roon at may kukunin akong gamit. Hindi naman ganoon kalayo ang campus sa opisina, sakto lang para lakarin nang ilang minuto. Hindi ganoon kalaki ang kompanya ng Art of Romance at hindi rin kasing sikat na gaya ng ibang mga publishing houses pero kilala rin naman ito. Alas-siyete ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali ang pasok ko sa university. Pagdating naman ng ala-una ng tanghali, papasok na ako sa office hanggang alas-sais. Sobrang nakakapagod ang daily routine ko na bahay-school-trabaho. May mga oras na gusto ko na lang mag-quit dahil sa pagod. Halos lahat yata ng part time jobs ay napasukan ko na noon bago pa ako nakilala bilang writer at nakapagtrabaho sa isang publishing house. Coffee shop bartender, fast-food crew, janitress, waitress, nag-tutor din ako at kung ano-ano pang raket. Kinailangan ko kasing kumita nang doble, kaya naman todo trabaho ako habang nag-aaral. Ako ang katulong ni Mama sa pagtustos sa pag-aaral ng mga kapatid ko at sa pang-araw-araw namin. Sa kinikita ko kami umaasa. Sobrang hirap at nakakapagod pero wala naman akong magagawa. May nakapagsabi sa akin noon, “Bakit ikaw ang nagtatrabaho para sa pamilya mo? Bata ka pa. Sa edad mong ‘yan, dapat nagsasaya ka pa sa buhay.” Magsaya? Kung pwede lang, malamang nakahilata lang ako ngayon sa bahay at nagpapakasaya sa buhay... kaso hindi, eh, dahil ako ang inaasahan ng pamilya ko. Wala naman kaming tatay na dapat gumagawa ng mga responsibilidad na ginagawa ko. He left. He made the choice that led us here. Nagkaganito ang lahat nang dahil sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa office dahil sa lalim ng iniisip ko habang naglalakad. Agad akong sinalubong ni Fae pagkarating ko sa floor namin. “Uy, Sage! Buti naman pumunta ka!” masayang sabi niya at lumapit sa akin. “Oo naman, baka mamaya ay umiyak ka kapag hindi kita sinipot,” biro ko nang umupo kami sa isang couch. “Bakit mo nga pala ako pinapapunta rito?” “Ah, may ibibigay ako sa ‘yo,” malawak ang ngiti na sagot niya. Pinanood ko siyang kunin ang isang paper bag sa desk niya bago muling lumapit sa akin. “Ano naman ‘to?” takang tanong ko nang inabot niya ‘yon sa akin. “Pastries galing kay Mama! Sabi niya, bigyan daw kita.” Nanlaki ang mga mata ko nang buksan ko ang paper bag. Ang dami nga nitong lamang pastries! “Ang dami nito! Thank you, ah! Pero nagbibiro lang naman ako no’ng sinabi ko na bigyan mo ‘ko ng pasalubong,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. Natawa ako. Nagbakasyon kasi siya last week at nagpunta sila ng pamilya niya sa probinsiya nila. Biniro ko siya na dalhan ako ng pasalubong tutal friends naman na kami. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya! Hindi kaya isipin ng mama niya na medyo makapal ang mukha ko? “Ayos lang ‘yon, ‘no! At saka ang dami kaya naming ganiyan,” sagot niya at umupo sa tabi ko. Binuksan ko ang isang polvoron at tinikman. Napatango-tango ako at nag-thumbs sa kaniya. Paborito ko talaga ang pastries! “Ang sarap! Pasabi sa mama mo, thank you, ah!” Mas lumawak ang ngiti niya bago tumango-tango. “Oo nga pala,” biglang sabi niya na humina ang boses. Lumingon-lingon pa siya sa paligid gaya naman nagtaka ako. “Ang totoo, hindi lang talaga ‘yan ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito, eh. May sasabihin din ako sa ‘yo.” “Ano naman ‘yon?” “U-Uhm, pwede ko naman ‘tong sabihin sa ‘yo bukas pero hindi na talaga ako makatiis, eh.” Parang nahihiya pa siyang ngumiti. “May narinig kasi ako kina Miss Darcy.” Agad akong napalingon sa kaniya nang marinig iyon. Bahagya ko siyang pinanlakihan ng mga mata. “Ano na naman ‘yan, ha?” “Ewan ko lang, ah. Hindi ko sure pero kasi...” pabiting sabi niya. “Ano?” Medyo lumapit pa siya sa akin at halos bumulong na lang dahil sa hina ng boses. “May bago raw tayong magiging illustrator dito. Kamag-anak yata ni Sir, pinsan o kapatid. Basta lalaki tapos meron daw itong kailangan sa isang wri—” “Uy, Sol! Nandito ka pala!” Hindi na natapos ang sasabihin ni Fae nang sumingit si Samuel. Napalingon pa sa amin ang iba naming mga kasamahan dahil sa lakas ng boses ni Sam nang lumapit sa amin. Agad akong napaismid. Automatic na ang pag-irap ko nang mapalingon sa lalaki, ang illustrator namin. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga ‘Sol’ ang pangalan ko?” tanong ko sa kaniya. Hindi niya naman ‘yon pinansin at lumapit pa sa akin para makiusyoso kung ano ang laman ng paper bag na binigay sa akin ni Fae. Agad siya nitong kinantyawan. “Ang epal mo talaga! Nag-uusap kami ni Sage—at saka huwag mo ngang kunin ‘yan! Para sa kaniya ‘yan!” At nagsimula na silang magbangayan na parang mga aso’t pusa. Pinanood ko na lang sila habang busy ako sa pagkain. Mayamaya pa ay parehas silang naupo sa magkabilang gilid ko nang mapagod na sa pag-aaway. “Ano nga ulit ‘yong sasabihin mo, Fae?” tanong ko nang matahimik na kami. Napaisip naman ito bago napakamot sa ulo. “Nakalimutan ko na tuloy!” Napailing na lang ako. Mayamaya pa ay tumayo siya nang tawagin siya ni Miss Darcy. Inis siyang lumingon kay Sam na inambaan niya pero dumila lang ito para mas asarin siya. Naiwan na lang tuloy kaming dalawa ni Sam. “Ano bang pinag-uusapan n’yo, Sol?” biglang tanong niya habang nakatanaw kay Fae. “Hindi niya natuloy dahil bigla kang sumingit,” sagot ko at nginiwian siya. “At pwede bang itigil mo na ang katatawag sa akin ng ‘Sol’?” Sa bawat sandali na nag-uusap kami ay palagi niyang tinatawag sa ‘kin ang pangalang ‘yon. It makes me really uncomfortable. Bakit ba tinatawag niya ako sa pangalan ng character ko? Tumawa lang siya. “Bakit na naman?! Soleilsagittarius naman ang pen name mo! Nando’n pa rin ‘yong Sol!” “Kasi nga po ‘Sage’ ang pangalan ko, hindi Sol!” I hissed. “Sol is my character. Hindi ako ‘yon.” Imbes na magseryoso ay nakuha pa nitong tumawa. Napailing-iling ako. Adik yata ang isang ‘to. Ang layo kaya namin ni Soleil sa isa’t isa. Or not. Nevermind. “I believe Sol’s character is inspired by you.” Natigilan ako sa paraan ng pagkakasabi niya n’on, para bang siguradong-sigurado siya. I hate it when people always compel that I am Soleil, that I am my own character. I hate it because I keep thinking about everything I wrote in the book. I hate to think that I was once… Soleil. Akala ko ay titigilan na ako nito nang hindi ako sumagot, pero muli siyang nagsalita. “Eh, kung ikaw si Soleil, sino naman si Zion? Tingin ko kasi real-life experience ‘yong That One Summer.” That made me stop for a moment, not sure if I should answer his question… or not... again. Napalunok ako at humigpit ang pagkakahawak sa paper bag. “Bahala ka nga, Samuel. Aalis na ako. Pasabi na lang kay Fae.” “Uy!” Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon. Diretso na akong naglakad paalis. Napatigil ako sa paglalakad pagdating sa lobby. Natatanaw ko ang lakas ng ulan sa labas. Ang malas naman. Wala pa naman akong dalang payong. Ang init kanina tapos biglang uulan! Napapabuntong-hininga akong tumayo sa gilid ng building. I love rain so much, ang peaceful kasi, pero hindi naman sa ganitong pagkakataon. Marami pa akong kailangang gawin sa bahay kaya kailangan ko na ring makauwi agad. Mahigit sampung minuto akong nag-ala temporary member ng kulto pero hindi pa rin naman tumitila ang ulan. Lumala pa nga yata, eh. May pakidlat at kulog effect na kasi. No choice, kailangan kong makaalis. Medyo malayo pa naman ang bus stop dito. Pinangtakip ko sa ulo ang sariling bag. Waterproof naman yata ‘to at hindi agad-agad mababasa, pero hindi pa ako nakakalayo, nabasa na agad ang buhok ko. Ano ba ‘yan, ang sama naman yata ng panahon ngayon! Tumigil ako sa isang convenient store na nasa harap ng iba’t-ibang boutique. Medyo maraming tao kaya may napapatingin sa ‘kin. Pity you, Sage. Mukha kang basang sisiw. Nang maalisan ng basa ang bag, muli akong naglakad sa ulanan na halos tumakbo na dahil sa pagmamadali pero dahil sa mga patak ng ulan na tumatama sa talukap ng mga mata ko ay hindi ko makita nang maayos ang dinaraanan ko. Napamura ako nang bigla akong may mabunggo. Nabitawan ko ang hawak na bag at bumagsak ‘yon. Sabay kaming nawalan ng balanse ng kung sino mang nabunggo ko at bumagsak sa harapan ng isang kotse na bukas pa ang ilaw, mukhang tumirik sa gitna ng ulan. Napaawang ang labi ko. Pakiramdam ko ay tumigil ang ulan kasabay ng pagtigil ng puso ko. I looked at the guy with widened eyes. He winced. Halos nadadaganan ko kasi siya. It was not his breath that I could almost feel or his face that was inches away from mine but his hands that was holding my waist tightly that made me feel unexplainable. Ramdam ko pa rin ang mga patak ng ulan na tumatama sa likod ko pero mas ramdam ko ang mga tingin niya. At siguro nga, iyon ang unang beses na sa maraming taon na lumipas, muli kong naramdaman ang pakiramdam na iyon... And as I look at the guy, memories from long time ago, started to flash in my mind like a video-tape… Like a love I seemed to lost. “Sol! Tara na!” “Ano ka ba?! Ang lakas pa rin ng ulan, oh! Pwede bang magpatila na lang muna tayo bago umuwi?!” Imbes na sagutin ay tinawanan lang ako ni Zion. Pinanood ko itong sumuong sa gitna ng malakas na ulan. Napailing na lang ako habang yakap ang bag ko at nakatayo sa gilid ng waiting shed. Inangat niya ang dalawang kamay at tumingala sa kalangitan habang dinadama ang bawat patak ng ulan. Ipinikit niya pa ang mga mata. Tinawanan ko siya habang pinapanood ang ginagawa niya. Unti-unti nang nabasa ang buhok niya at ang suot na uniform pero tila wala itong pakialam. Nang muling magmulat ng mata ay tiningnan niya ako bago ngumiti. “Bakit hihintayin pa nating tumila kung pwede namang magpaulan na lang tayo,” sabi niya bago lumapit sa akin. Umiling-iling ako. “Hindi pwede. Baka magkasakit tayo—hoy! Z-Zion! Ano ka ba?!” Napatili ako nang hatakin ako nito paalis sa sinisilungan ko. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at dinala ako sa gitna ng ulan. Agad naman akong nabasa dahil sa malakas na buhos nito. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ba ako dahil sa paghatak niya sa akin. Ngayon ay parehas na kaming basang-basa sa ulan. “Yari ka talaga sa ‘kin kapag nabasa ang reviewer ko rito!” banta ko sa kaniya pero imbes na matakot ay winisik niya pa sa akin ang tubig-ulan. “Isusumbong kita sa mama mo!” Tumawa siya. “Basa na ang buhok mo! Mukha ka nang bruha!” “Ah, gano’n?” Nginiwian ko siya bago tinampisaw ang tubig sa daan at pinatama sa kaniya kaya agad siyang umilag. Para kaming mga ewan na nagbabasaan sa gitna ng ulan. Makulimlim ang kalangitan dahil bukod sa malakas ang ulan ay hapon na rin. Wala nang mga estudyante sa waiting shed dahil nagsialisan na at wala rin masiyadong dumadaang mga sasakyan sa street na ‘to. “Ang sabi mo mukha na akong bruha!” sabi ko na patuloy siyang binabasa. “Okay lang ‘yan! Maganda ka pa rin naman!” tumatawang sabi niya habang iniilagan ang bawat talsik ng tubig. Napatigil ako nang muli siyang magsalita. “Magandang itapon!” Dahil doon ay agad kong sinipa ang binti niya na agad niya namang ikinaatras. Pagkatapos ay tumakbo siya palayo habang tinatawanan ako. “Lagot ka sa ‘kin kapag naabutan kita!” banta ko at hinabol siya. We played in the middle of the rain like kids, not minding anyone around us, just having fun and enjoying every drop of the rain, and the cold breeze of the wind. Sa gitna ng paghahabulan namin ay lumiko siya kung saan may naka-park na mga kotse at doon nagpaikot-ikot habang pilit ko siyang hinahabol. “At nagtago pa talaga,” bulong ko habang nasa isang side ng kotse nang biglang may humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likod at ginulat ako. Malakas siyang tumawa dahil sa naging reaksyon ko bago umatras. “Ikaw!” sigaw ko at naglakad palapit sa kaniya pero dahil madulas ang kalsada ay na-out of balance ako. Mabilis siyang lumapit sa ‘kin para saluhin ako. Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napakapit sa kaniya. Parehas kaming natigilan nang magtama ang mga mata namin. Unti-unting nawala ang pagtawa niya at napatitig sa akin habang mahigpit niyang hawak ang likod ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpatak ng tubig-ulan mula sa basa niyang buhok patungo sa kaniyang pisngi… bago ako napaiwas ng tingin. Hindi ko alam na totoo palang posibleng huminto ang oras. At siguro nga… noong mga sandaling ‘yon nagsimula ang lahat. Agad akong bumitaw sa kaniya bago humakbang paatras. Napako ang paningin ko sa lapag at hindi magawang lingunin siya. “S-Sol, okay ka lang ba?” rinig kong tanong niya, ngunit imbes na sumagot ay agad akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi na ako lumingon pa. Napahawak ako sa tapat ng dibdib at kasabay niyon ay ang muling malakas na buhos ng ulan. I was just a teenager that time. Iyon ang unang beses na na-realize ko ang feelings ko para kay Zion. Teenage life is not about falling in love they said, and my mom once told me that maybe it sounds stupid, but the love you give in your teenage years… might also be the purest love you can give in your lifetime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD