"'Wag mo nga akong guluhin. Wala akong tulog. Baka masapak kita," pambabanta ni Demi kay Shawn habang naiirita niya itong inirapan. Sumandal siya sa railings na gawa sa kahoy at hinarap ang dagat. Sumandal din si Shawn sa railings pero patalikod dito kaya magkaiba ang direksiyon nilang dalawa. Parang natutuwa pa nitong tiningnan si Demi at patuloy na inasar. Ako naman ay nandito rin sa may railings 'di kalayuan sa pwesto nila at pinapanood silang dalawa. Napahigop ako sa hawak na buko juice at mahinang natawa nang itulak ni Demi si Shawn palayo. Ewan ko ba pero naaaliw ako sa kanilang dalawa. Hmm. Tingin ko, may something din sa mga 'to, eh. Well, bukod kina Fae at Sam. O baka masiyado lang akong ma-issue? "Ganiyang mga tinginan ng isang writer, may mga naiisip na bagong plot at scene

