"Hay, napakainit!" bulong ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang palad. Grabe. Bakit ba parang ang OA naman ng init ngayong araw samantalang November na? Climate change nga naman. Nandito ako ngayon sa mga tindahan at stall ng foods sa loob ng campus. Bumili ako ng streetfoods; fishball at kikiam at maiinom na palamig. Katatapos lang din ng klase namin at papunta na ako ngayon sa office. Buti na nga lang at may dala akong payong kundi paniguradong matutusta talaga ako sa init. Lesson learned ko na talaga ang pagdadala ng payong. Na-trauma na yata ako no'ng gabing nagkabungguan kami ni Nathan 'accidentally' na hanggang ngayon ay mukhang wala siyang kaalam-alam. Ayos na rin 'yon dahil ang awkward naman kung alam niya. Speaking of Nathan, sana pala pinatos ko na 'yong offer niya na

