Chapter 68

1971 Words

Tila wala na akong ibang marinig nang sabihin niya iyon. Paulit-ulit iyon sa utak ko, ayaw huminto, ayaw magpatinag. Wala akong ibang maisip kundi ang umalis at tumakbo palayo roon, walang pakialam sa mga taong nabunggo ko. Patuloy lang ang paghakbang ng mga paa ko, hindi alam kung saan ba dapat na magpunta. Huminto ako sa isang sulok ng hallway bago nabitawan ang hawak na bag. Naninikip ang dibdib ko at nanghihina ang mga tuhod. Tila may nakabarang kung ano sa lalamunan ko... hanggang sa tuluyang bumagsak ang mga luha na hindi na mapigilan. Napatakip ako sa sariling bibig at tuluyan nang napahagulgol. Napaupo ako sa lapag na parang isang kandilang nauupos. Hindi ko matanggap ang mga nalaman ko. Hindi ko iyon maiproseso sa sarili, paulit-ulit na iniisip na siguro ay panaginip lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD