"Anong name niya?" tanong ko kay Chin, tinutukoy ang maliit na aso. Ganoon 'yong mga nakikita ko sa internet na aso, eh. 'Yong kulay puti na sobrang liit na parang teacup ang size at pabilog ang gupit ng balahibo sa ulo. "Mochi po," nakangiting sagot ni Chin sa akin. Lumapit siya sa sofa kung saan ako nakaupo. "Do you want to carry him, Ate?" "Him? So, lalaki?" sabi ko sabay kuha sa aso mula sa kamay niya. Binuhat ko ito at hinawakan ang puting-puti nitong balahibo. Sobrang gaan naman niya! May buto pa ba 'to? Parang kaunting hawak ko lang sa kaniya ay mapipisa siya. Dinilaan nito ang braso ko kaya natawa ako. Ang hilig naman nitong mandila! "Grabe. Sobrang cute niya!" tuwang-tuwa na sabi ko habang buhat ito. "That's Kuya Nathan's gift to me for my 9th birthday," nakangiting sab

