“Okay ka lang?” tanong ni Nathan na lumingon sa akin. “Hey, are you crying?” Napakurap-kurap ako bago siya tiningnan. “Hindi, ah! Nakakatuwa lang kasi ‘tong video greeting ni Miss Lhou para kay Mama!” “Mukha nga. Paulit-ulit mong pinapanood.” “For sure, matutuwa talaga ‘yon si Mama plus pinirmahan din ni Miss Lhou ‘yong journal niya!” sabi ko at in-exit na ang video na kanina ko pa pinapanood bago pinatay ang cellphone. Napalingon ako sa paligid. Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Nathan. Ewan ko nga kung anong paalam niya kina Miss Lhou. Eh, hindi pa naman tapos ang kasiyahan nila roon. Nando’n pa nga sina Kyline, eh! Pagkatapos kong kausapin si Mama, dumating din siya sa balcony. Pakunwari pa, hinanap niya siguro ako! Pasimple rin ‘to si Direk, eh. Bigla na lang siyang na

