“Ma, papasok na po ako.” Sinalubong ko si Mama pagkababa ko ng kwarto, dala-dala ang bag at handa nang pumasok.
“Oh, ang aga mo yatang papasok,” nagtatakang sabi niya at tiningnan ako. “Hindi ka ba nakatulog? Late ka nang umuwi kagabi tapos ang aga mong gumising.”
“Nakatulog naman po ako,” pagsisinungaling ko.
Hindi naman talaga ako nakatulog or let’s say—hindi talaga ako natulog. Bukod sa hindi ako pinatulog ng research at school works, magdamag lang akong nakatitig sa laptop o ‘di kaya sa ceiling.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nag-email talaga sa akin ang isang film production company, ang FilmCinerama, isa sa mga film company na pinapangarap ng ibang writers. Mataas kasi ang tingin sa kompanyang ito dahil magaganda at may kalidad talaga ang mga pino-produce nilang films and movies.
Tahimik lang ang management nila at mapapansing may pagkapribado. Sobrang bihira silang mag-release ng statements o announcement man lang. In short, medyo tago sila, pero kahit ganoon, umiingay pa rin ang pangalan nila sa social media at internet.
Well, issues.
May ilang naniniwala sa mga kumakalat na issues tungkol sa kanila at may ilang hindi. May mga pilit nagtatanggol dito pero meron ding patuloy na nagbibigay ng mga opinyon at haka-haka.
While me? I chose to stay silent. Hindi na ako nakikialam pa. Bukod sa wala namang may kailangan ng opinyon ko, wala ring humihingi. At saka bakit pa ako makikisawsaw, eh, wala naman akong kinalaman sa kompanya nila.
Ganoon dapat ang ginagawa ng karamihan. Kung hindi naman hinihingi ang opinyon, sana’y manahimik na lang.
Ang totoo ay minsan na rin akong na-curious sa estado ng FilmCinerama. Admit it or not, may pagka-weird talaga ang kompanyang ‘yon!
And did I mention na sa FilmCi nagtatrabaho si Demi? Last year pa siyang nagtatrabaho roon, months before lumabas ang isang issue. Hindi pa kami masiyadong close noong mga panahong ‘yon. Nagkakilala kami noong pumasok ako sa Art of Romance Publishing. Close friend kasi siya ni Sir Arbie at parati siyang bumibisita o dumadaan sa opisina. Ang akala ko nga noong una, empleyado siya sa kompanya.
I once tried to ask her about ‘that’ issue out of curiosity but she just sarcastically asked me, “Do you really believe in rumors?”
Napakaprangka niya! Well, Demi is Demi. Masiyadong secretive, straight-forward at tipo ng tao na sasabihin ang gusto niyang sabihin, ikatutuwa mo man o hindi. Ilag nga ang ilang tao sa kaniya.
Ang tinutukoy niya rin noong nakaraang araw na nagkausap kami sa coffee shop na nakaaway niya raw ay ‘yong mismong manager nila sa kompanya.
Hindi na rin talaga sinagot ni Demi ang tanong ko. Hindi ko na rin ipinilit dahil hindi naman ako agit na alamin kung ano man iyon. Out of curiosity lang talaga!
Mabuti nga at tahimik na ang issue tungkol sa kanila sa ngayon. Issue nga naman, maglalaho kapag sa iba na natutok ang atensiyon ng mga tao.
Gumising talaga ako nang maaga, kahit parang binugbog ang katawan at utak ko sa pagod dahil sa three hours sleep, para dumaan sa office. Nag-text na rin ako kay Demi na dumaan siya sa office nang maaga. Kakausapin ko siya tungkol sa email.
Siguro naman ay may alam siya tungkol doon, hindi ba?
Ala-singko akong umalis ng bahay at wala pang 30 minutes, nakarating na ako sa office. Wala pa namang traffic dahil masiyado pang maaga. Naabutan ko lang doon si Fae na nag-aayos ng table niya, mukhang kararating lang at si Sam na halos kasabay ko lang sa lobby. Natanawan ko rin si Sir Arbie sa office niya na busy habang kaharap ang tumpok ng mga papel.
“Ang super aga mo namang dumaan, girl,” sabi ni Fae habang naglalakad kami papuntang pantry. Niyaya niya akong magkape na hindi ko naman tinanggihan. Nakalimutan kong mag-almusal kanina dahil sa pagmamadaling pumunta rito.
“Oo. Kailangan ko kasing makausap si Demi,” sagot ko at napahikab. Nilingon tuloy ako ni Fae at nag-usisa na naman.
“Hulaan ko. Four hours lang tulog mo,” sabi niya at tinuro pa ako.
“Minus one,” nakangiwing sagot ko. Gulat naman siyang tumingin sa ‘kin.
“Grabe ka! Pinakamababa na nga ‘yang four hours na tulog tapos sa ‘yo, three hours?” pang-iintriga niya. Hindi ko naman siya pinansin at lumapit sa coffee maker para kumuha ng kape. “Baka magkasakit ka niyan.”
“Hindi ‘yan. Ayos lang naman ako.”
Bahagya na lang siyang ngumiti sa ‘kin at marahang tumango-tango. Kumuha na rin siya ng sariling kape at dalawang piraso ng cheesecake sa hilera ng mga biscuits. Tinanong ko siya kung kaninong stock ‘yon at sinabi niyang hindi niya rin alam. In the end, kumuha pa rin kami at dinalawa niya ang kaniya.
Well, Fae is Fae.
Matapos ang ilang minutong paghihintay at pakikipagkwentuhan kay Fae, dumating na rin si Demi. Medyo nahuli siya dahil may banggaan daw sa bandang crossing. Malayo kasi rito ang apartment na tinitirhan niya. Bumalik na rin naman si Fae sa station niya.
Niyaya ko rin si Demi na magkape pero tumanggi na siya dahil nag-almusal na rin daw siya. Bigla tuloy akong na-guilty na nag-text pa ako sa kaniya para dumaan dito samantalang busy siya.
“So, what’s the tea, Sage?” tanong niya habang parehas kaming nakaupo sa may lobby.
“May itatanong lang ako sa ‘yo tungkol sa FilmCi,” sagot ko na bahagyang ikinatigil niya.
Tumango lang siya habang nakatingin sa akin. “Anong tungkol sa FilmCi?”
“Kagabi kasi, may natanggap akong email mula sa FilmCi.” Ipinakita ko ‘yon sa kaniya at kung kanila ba talaga ang email address. “Film project offer para sa That One Summer.”
Natigilan si Demi sa sinabi ko. Gulat at nagtataka niya akong tiningnan. Mayamaya pa ay kinuha niya sa ‘kin ang hawak kong cellphone.
“Uy, Demi? Ayos ka lang ba?” hindi maiwasang pagtatanong ko. Diretso lang kasi siyang nakatingin sa screen ng cellphone ko.
“What the heck is going on?” she asked in a small voice, almost whispering. “Bakit hindi ko alam na may plano silang ganito? Walang sinabi sa ‘kin si Manager Han.”
Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya. How come she didn’t know about this? Doon siya nagtatrabaho.
“Pero paanong hindi mo malalaman? Hindi ba dapat napag-uusapan n’yo man lang ‘yon?” curious na tanong ko.
“Exactly!” sagot niya, tumaas ang boses. “Kaya nga bakit hindi sila nagsabi man lang. I wasn’t informed.”
Napatango na lang ako kahit na punong-puno ng pagtataka. “Nagulat nga rin ako kagabi. Of course, kung bibigyan man ako ng offer ng FilmCi, malamang malalaman ko na ‘yon sa ‘yo bago pa nila maiparating sa akin.”
“Gosh,” she mumbled. Bigla niya ring kinuha ang cellphone at nagpipindot doon. Maybe she’s texting someone in FilmCi.
After minutes of Demi, frustrated while typing, bigla siyang nagpaalam at tatawag na lang daw siya sa ‘kin mamaya. Tumango na lang ako sa kaniya at saglit na nanatili sa lobby. Hindi na rin ako nagtagal dahil may pasok pa ako.
MATAPOS ang klase namin sa ComLit ay nagpunta ako sa isang tindahan sa loob ng campus para bumili ng makakain. Pakiramdam ko ay nagutom ako dahil sa biglaang recit namin kanina.
“Isa nga po nitong cheesecake and apple juice.” Tinuro ko ang bibilhin ko sa babaeng tindera. Hindi niya agad ako napansin dahil busy ito sa pag-ce-cellphone.
Napangiwi na lang ako nang dinaanan niya ako ng tingin at binalik ang mata sa hawak na cellphone. Inabot niya rin ang cheesecake nang hindi ito tinitingnan.
“Kwarenta lahat,” tanging sabi niya.
“Mahal naman,” pabulong na reklamo ko.
Setting aside my rants, dumukot ako ng singkwenta sa bulsa at inabot ‘yon sa kaniya. Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.
“Wait. Oh, my gosh.”
“Ha?” was all my reply. Tumitig siya sa ‘kin at saka napatakip sa bibig.
I can say na mas bata lang siya sa ‘kin nang one or two years.
“Parang may kamukha ka,” sabi niya. Napalingon tuloy sa amin ang ibang mga tao sa paligid, mukhang narinig siya. “Kamukha mo iyong writer ng sikat na novel. ‘Yong tragic ending! A-Ano nga ba ‘yon? Ah, ‘yong That One Summer!”
Matapos niyang sabihin ‘yon ay tuluyan na naming naagaw ang atensiyon ng iba.
“Teka. From College of Arts & Letters din si Sage, eh. She’s taking up Comparative Literature. I’ve read it before sa isa sa mga articles sa internet,” biglang singit ng isa pang babae na may kasamang mga kaibigan.
Bigla tuloy akong napalingon sa suot kong ID lace na nakalagay ang Arts & Letters. “Ah, oo, a-ako nga,” alanganing sabi ko. “H-Hello.”
In almost two years of being a writer, I experienced something worse than this, ‘yong tipong kahit hindi naman ako sobrang sikat, bigla na lang may susulpot out of nowhere at sasabihing reader ko sila at kung pwedeng mag-picture.
It actually makes me happy every time they recognize me. Nakakatuwa sa tuwing sinasabi nila na nagustuhan nila ang mga sulat ko.
Pero may mga pagkakataon pa rin talaga na hindi ako sanay.
Katulad nito.