Sunod-sunod na tango ang itinugon ng ginang habang ngiting-ngiti. At hindi ko nagugustuhan ang kahulugan ng ngiting iyon. Feeling ko malalagay ako sa alanganin. "Paano naman magiging solusyon ang babaeng iyan?" nagtatakang tanong rin ni Nikki. "Tutal nagsasama naman na kayo sa iisang bubong mas okay siguro na panindigan ninyo na, 'di ba?" "Whaaat? No!" eksaheradong reaksyon ni Nikki. "Mother, hinding-hindi ako magpapakasal kahit kanino. Kahit pa kay Allena. Kinupkop ko siya dahil kaibigan ko siya pero hindi ko siya papakasalan dahil hindi kami talo! You have to understand that I am a girl. I like oppa! Lalaki at hindi babae ang gusto ko." Napapadyak pa ito sa sahig na parang isang batang nagmumukmok. Hinimas naman ni Tita Winnie ang likod ng anak para aluin ito. "Anak, hindi mo naman k

