CHAPTER 1
NAGISING ako sa paulit-ulit na katok na naririnig ko sa pinto ng kwarto ko. Si Kuya Lucas na naman. Wala akong nagawa kundi ang bumangon.
"Bakit, Kuya?" ang tanong ko habang nagpupunas ng buong mukha.
"Fix yourself. You forgot the event," he answered. Ay, oo nga pala. May lakad pala kami ngayon. Bihis na bihis na siya samantalang ako naman ay kakagising ko lang.
Nakalimutan ko kahapon ang sinabi niya na meron pala kaming pupuntahan ngayon. I shut the door and hurriedly snatched up my towel to take a shower. Hindi ko na namalayan na hatinggabi na pala ako nakatulog kagabi kaya tinanghali ako nagising.
“Bilisan mo na d’yan!” ang narinig kong boses mula sa may pintuan.
Nagbibihis pa nga lang ako, eh. "Sandali lang!" ang sigaw ko para marinig ako nito habang patuloy ako sa pagbibihis.
Sinuot ko ‘yung damit na nabili ko noong isang araw. Marami akong mga pinamili dahil next week na ang opening ng school year namin.
Magkasama dapat kami ni Sophia noong isang araw nguni't hindi siya available dahil meron daw appointment ang parents niya kaya ako na lang mag-isa ang pumunta.
Sa wakas at nakalabas na rin ako ng kwarto.
"Oh, akala ko hindi ka na lalabas ng kwarto? Late ka na namang natulog kagabi, ano? I was about to call you. Halika na rito. Kumain ka na, Kenny Master," ang bungad ni mommy sa akin habang pababa ako ng sala. Bahagya siyang natawa sa sinabi niya.
Sa muling pagkakataon ay natigilan na naman ako at nawalan ng kibo. Hindi kasi ako sanay na tinatawag ako ni mommy na Kenny Master dahil editing software ‘yun. Hindi gano’n ang pangalan ko.
"Hindi nga kasi ganiyan ang pangalan ko ‘no! Ang pangalan ko ay Kendra, okay?" ang padabog na sinabi ko pero natawa lang siya at hinalikan ako sa pisngi.
Bumuntong hininga na lang ako at saka umupo sa harap ng dining table.
Tahimik. . .
Nagsimula na akong kumain, at pati na rin si kuya. Nakahanda na rin ang mga kailangan naming dalhin para sa tournament nila. Lahat-lahat, as in. Lahat na kailangan naming dalhin katulad ng lunch box, mineral water, towel, at iba pa.
Palabas na sana kami ng bahay nang bigla na lang may tumamang isang maliit na bag sa mukha ko. Sapatos ang laman nito at walang ibang gumawa nito kundi si Kuya Lucas.
Malamang wala ito sa mood dahil halatang pagod siya. Pagsamahin ba naman ang pagpa-practice habang nagti-taping para sa isang TV series?
Hindi ko alam kung paano niya mina-manage ang time niya to make it possible. Pareho niya kasing gusto 'yun kaya wala na akong magagawa.
"Bastos mo naman! Gusto mo na i-public ko ‘yun para mawalan ka ng fans?" ang angal ko.
He just secretly smiled at saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad para kunin ang kaniyang kotse. Gayunpaman ay mabilis lang kaming nakaabot sa lugar kung saan gaganapin ang tournament dahil hindi naman gaanong ka-traffic habang nasa daanan kami, sakto lang.
Sa isang malaking arena ang location. Isa kasi ito sa mga prestigious events na hinihintay ng maraming tao at live ito sa TV worldwide. Palagi ring nagkakaubusan ng ticket ang mga tao para makapanood mismo sa loob. Mabuti na lang dahil meron akong VIP ticket.
"Hoy, Kendra! Bakit ganiyan ba naman ang ayos mo ngayon? Hindi ka man lang ba nagsuklay? Pati ba naman 'yan kailangan pang makalimutan?"
Muntik na akong mapatalon sa bigla dahil sa taas ng boses ni Sophia. Hindi ko alam na magkasabay pala kaming dumating sa parking space.
"Sorry, nagmamadali kasi sina kuya kanina, eh," ang sagot ko. "Wait, akala ko ba hindi ka makakapunta rito ngayon dahil merong appointment ang mommy mo? Hindi ba dapat nasa bahay ka lang ngayon?" ang tanong ko naman.
Gano'n kasi ang patakaran na alam ko. Once na merong appointment ang parents niya ay bawal siyang lumabas ng bahay upang pumunta sa kahit saan. Strikto ang parents niya kaya gano'n.
"Hindi natuloy 'yun dahil nag-refuse ng meeting ang bagong investor namin kaya wala silang nagawa kundi ang i-cancel na lang at bumalik."
Tumango lang ako at hindi na umusisa pa.
Ngumiti siya. “Tara na? Pasok na tayo sa loob,” ang sabi niya sabay dukot ng kamay ko.
Sabay kaming pumasok sa loob samantalang sina Kuya Lucas naman ay sa backstage dumaan.
"Are you planning to avail ang plano na sinabi ko sa 'yo before? Sayang kasi 'yun, eh. Makakatulong pa 'yon for college natin," ang tanong ni Sophia habang patuloy kaming dalawa sa paglalakad. Bagama't hindi pa nag-uumpisa ang event ay napakaingay na sa loob ng dome kaya medyo wala na akong marinig masyado.
"Ano ba’ng plano mo? Hindi ko alam kung paano i-avail ang sinasabi mo sa APIU. Wala naman akong alam na guidelines diyan sa Alfonso, eh," ang sagot ko.
Mayamaya pa ay mas lalo pang lumala ang ingay sa loob ng arena. Puro hiyawan ang naririnig namin at taasan ng banner para ipakita ang suporta nila sa each team. Merong pangalan sa mga banner na nakataas na hindi ko kilala kung sino at meron din akong nakikita na pangalan ni Kuya Lucas habang itinataas nila ang banner.
“Let us all greet the varsity athletes and the delegation from Alfonso Prime International University!"
Ilang sandali pa ay lumabas na ang mga players ng nasabing delegation. Sunod-sunod na lumabas ang limang lalaki na nakasuot ng grey na jersey. Halos wala na 'kong marinig at mukhang mabibingi na ako sa lakas ng mga hiyawan ng mga supporters nila.
Halata naman kasing gwapo silang lahat at hindi magpapahuli kina Kuya Lucas kung umangas. Sobrang lakas pa ng dating at ang akala mo ay isang foreigner na galing sa northeast asia.
“Let’s all give them around of applause, please!” ang patuloy pa ng announcer.
“Go, S4! Go, APIU!” Napuno ng sigawan ang buong arena.
Ilang sandali ang lumipas ay muling nagsalita ang announcer. Unti-unting humina ang ingay sa loob para pakinggan ang nagsasalita.
“Let us also extend our warm welcome to the players of Craige Global University!”
Tumayo kaming lahat at saka sumigaw nang sumigaw habang unti-unti nang lumabas sina Kuya Lucas mula sa backstage patungo sa gitna ng court.
Siyempre hindi dapat kami magpapatalo pagdating sa ingay. At isa pa ay naging advantage din 'yung pagiging sikat na artista ni Kuya kaya mas lalo pa kaming nabaliw sa kaka-cheer.
Ibang-iba ang charisma nila habang todo naman papogi si Kuya nang patago kaya mas lalong nabaliw ang iba. Alam na alam talaga niya kung paano um-acting nang hindi sila aware kaya ganoon na lang ang cheer para sa kaniya.
“Let’s also give them a round of applause!”
At 'yon na nga, nagsimula na ang laro at medyo mabigat ang laban. Mukhang pareho silang hindi nagpapatalo kaya hirap na hirap ang mga ito na i-shoot ang unang bola.
Sa huli ay APIU ang unang nakapasok ng bola. Sa kanila ang first ball at ang #36 na jersey ang nakapasok nito. He was so aggressive to shoot for that one at alam kong sobrang nagpapasikat siya.
Natapos ang unang round ng laro ay nakalamang sila ng limang points sa team nina Kuya Lucas. Medyo wala focus ang team nila kaya palagi silang naaagawan ng bola.
"Kita mo 'yan? His name is Philip. Member siya ng grupo ng S4. Galing niya 'no?"
Tumango naman ako. "S4?" ang tanong ko. Natawa ako. Ano’ng klaseng pangalan ‘yan?
Magaling nga silang lahat pero hindi naman ako interesado.
"Yeah, member siya ng S4. That 4 players who are playing except for that guy with number 6. They are considered as a group dahil ang mga parents nila magkaka-business partners. Meron din silang sarili nilang building sa APIU campus na under construction pa lang. Hindi ko lang alam kung tapos na ‘yun," ang sagot niya.
"Malamang napaka-special pala talaga nila," ang natatawang sagot ko.
"May special treatment talaga sa kanila dahil anak ng may-ari ng school ang isa sa mga member diyan. Look at that guy with number 17? Gwapo niya 'no? His name is Ian. He is Mark Ian Alfonso," nakita ko kaagad ang ngiti ni Sophia habang sinasabi niya ‘yun.
Nang matapos ang unang round ng game ay nagkaroon muna ng ilang minutong break para sa commercial. Nakalimutan ko na dala ko pala ang gamit ni Kuya kaya mabilis akong tumayo para lumapit sa kaniya at ibigay ang isang mineral water at towel.
Mabuti na lang dahil medyo malapit ako nakaupo sa kinaroroonan nila. Napansin ko lang na parang merong mga intriga akong naririnig mula sa likod ko. I turned around and I saw a lot of them looking at me so badly. Nagtataka ako sa mga titig ng ibang tao sa akin nguni’t nagpatuloy lamang ako.
"Hala, bakit nandiyan ‘yang babaeng ‘yan? Hindi naman kagandahan at mas maganda pa ang baklang transgender sa kaniya! Hey, babae. Sino ka ba, ha?!" ang narinig kong boses ng babaeng galit na nagsasalita sa likod namin. Pero hindi ako lumingon sa kanila. Patuloy lamang ako sa gingawa ko. Tumahimik lang ako.
"Excuse me, Miss? Are you trying to put things out here? Ano’ng klaseng tanong ‘yan? Are you even related to Lucas? Well, she is his sister. Tumahimik ka nga r’yan, mga boba!" ang gigil at mataray na sagot sa kanila ni Sophia dahilan para matahimik ang mga ito.
"Well, that’s a relief. We all know naman na mataas ang standard ni Lucas pagdating sa mga babae 'no! As if naman kung papatol siya sa isang babaeng nerd. Kadiri kaya!" ang narinig kong bulong ng isa.
Hindi ko na sila pinansin dahil hindi naman maganda na pag-aaksayahan ko pa sila ng oras. Ilang sandali na lang ay magsisimula na rin ang next quarter kaya bumalik na ako sa kinalalagyan ko kanina.
Lumipas ang ilang sandali ay nagsimula na nga ang 2nd quarter. Mas lalo naging mahirap ang ganapan dahil bumawi ang team nila Kuya Lucas.
Unti-unti na silang nakakabawi mula sa kabilang team. Mas lalo pa nilang pinag-igihan. Habang hawak-hawak ni Kuya ang bola ay nagpakitang gilas ito para mai-shoot ang bola at hindi nga siya sumablay.
"Woaahh! Take a look at Lucas Brylle Montefalco, who contributed three points to his squad! What a fantastic performance Lucas has given us!" ang sabi ng sportscaster.
Natapos ang 2nd quarter ng laro na mas lamang na dalawang puntos sina Kuya. Kahit papaano ay nabuhayan sila at mas lalo pa nilang pinag-igihan sa 3rd quarter.
Hindi lang isa kundi tatlong beses na nakapag-shoot ulit si Kuya ng bola. Nguni't kahit papaano ay lumalaban din ang kabilang team dahil kay number 36. Magaling kasi siya at nagpapakitang gilas.
Ilang beses na niyang naaagaw ang bola sa ibang players. Hanggang sa natapos na nga ang 3rd quarter at tie ang score nilang lahat.
Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng pagkailang. Pakiramdam ko kasi ay merong umaagaw ng tingin sa akin. Pakiramdam ko ay nakatingin sa akin 'yung isang player sa kabilang team.
Hindi ko alam kung sa akin nga ba tumatama ang paningin niya pero bakit parang pakiramdam ko ako? Mali lang siguro ang iniisip ko. Sa iba nga siya nakatingin at hindi sa akin. Mali lang ang nakita ko.
Natapos ang third quarter na mas lamang ang APIU ng isang puntos. Nagka-injury kasi ang isang player ng CGU kaya need pa ng bagong backup player. Isang quarter na lang ang kailangan at final na rin. Pero parang hindi pa nakakabawi ang team nina Kuya Lucas.
"We are now moving to the 4th quarter. Ang pinakahihintay nating round sa lahat! Dito na natin malalaman sa round na ‘to kung sino ba ang mananalo for this year's basketball league. Let's see na lang dahil alam ko na lahat tayo ay kinakabahan," the sportscaster's voice.
Nang marinig ang hudyat na mag-uumpisa na ang last quarter ay agad na naagaw ulit ng player ng kabilang ang bola sa CGU players. The guy attempted to shoot the ball but he got fail.
Hanggang ang unang naka-shoot nito ay ang player mula sa team nina Kuya Lucas. Pero hindi naman nagpatalo ang kabilang team dahil sunod-sunod na shoot ang nagawa nila dahilan upang naging mas tumaas ang kanilang puntos.
Maingay pa rin ang mga tao sa paligid at mas lalo pang naging intense ang labanan. Sa tuwing may nakaka-shoot ng bola ay mas nadadagdagan pa ang ingay na nagpalakas naman ng energy sa loob ng arena.
Hanggang sa natapos nga ang laro for 4th quarter at natalo nga ang team nina Kuya Lucas. Mas lamang kasi ng 10 points ang kabilang team kaya sila ang hinirang na nanalo.
Gayunpaman, hinirang naman bilang 'Most Valuable Player' si Kim Philip Monton. He has number 36 behind his jersey.