Four

2955 Words
“So what’s going on between the two of you? I mean you guys, always hang out? Ibig sabihin ba naka-move on ka na kay Ji?” usisa ni Chance. Nangunot ang noo niya sa tanong kaibigan. Napakaaga nitong nambulabog sa condo niya para lang manghingi ng pagkain. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi ito matutong magluto. “That’s none of your business.” Umarte itong parang nasaktan. Binuksan ni Chance ang isa sa mga cup board doon saka kumuha ng cup noodles. “Gusto ko lang naman siguraduhin kung puwede na ba kitang iwan kay Courtney.” Anito bago nilagyan ng mainit na tubig ang cup noodles. Mas lalong nagusot ang mukha niya sa sinabi nito. “Aalis ka ba?” Ngumiti muna ito saka tumango. “I’ll be back to States. Kailangan ni Mommy ng katulong sa wine business namin doon.” “I thought you don’t want to handle that. What happened now?” curious niyang tanong. Parang kailan lang ay tumatanggi ito sa offer na iyon ng ina. “Naisip kong tama sila. Matanda na sila Mom at Dad, I need to take over. Isa pa, wala rin naman akong pinagkakaabalahan dito. Saka nakikita kong nagiging maayos ka na. You usually hang out with that girl na hindi mo naman ginagawa noon.” Wika ni Chance. Binuksan nito ang takip ng cup noodles saka hinipan bago isubo. “Kaya sana ayusin mo na rin ang buhay mo. Hindi na tayo pabata. We need to settle down. Tayo lang ang makakaayos sa sarili nating mga kalat at para magawa `yon we need to man up. We need to be the better version of ourselves.” “You’ve become matured.” Aniya saka ito tinapik. Matapos kumain ni Chance ay mabilis na rin itong umalis sa bahay nila. Samantalang si Hunter ay agad na rin nag-ayos dahil kailangan pa niyang magpunta sa Gawad Kalinga. Ang kompanya nila ay palaging nagdodonate sa ampunan. Tradisyon na ata nila iyon. Quarterly nila iyong ginagawa. Bago siya umalis sa bahay ay naisip muna ni Hunter na dumaan sa bahay ni Courtney. Parang gusto niya itong isama, bukod pa ro’n ay gusto niya rin itong makausap. Eksaktong alas otso nang makarating siya sa apartment nito. Sakto naman na nasa labas si Maxene. “Naku, wala si Arki,” anito. Kumunot ang noo niya. “Saan nagpunta?” “Kasama si Phoenix, e. Sisimba raw sila.” Mas lalong nagusot ang mukha niya. “Sinong Phoenix?” “Ex niya.” Tipid na sagot ni Maxene. “First jowa `yon ni Arki, kakauwi lang galing States. Nag-MBA kasi sa Harvard. Sayang nga, e, naghiwalay sila. Pero tingin ko naman mahal pa siya ni Phoenix.” Nag-igting ang panga niya. This girl is so talkative. Hindi naman niya tinatanong ang mga bagay na iyon. “Wait, gusto mo ba siyang makita? May picture ako ni Phoenix,” nakangiting wika nito saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Hindi na niya ito pinansin. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon. Kaya naman pala hindi man lang siya naisipang i-text man lang nito dahil busy ito sa iba. Bahagya siyang natawa. E, ano naman kung abala ito sa iba? Wala naman siyang pakialam doon. Mas binilisan na lang niya ang pagmamaneho upang mabilis na makarating sa Batangas.   “Peace be with you,” nginitian ni Courtney si Phoenix. Araw ng Linggo ngayon at nagulat siya ng biglang bumulaga si Phoenix sa labas ng bahay nila. Hindi niya alam na nakabalik na pala ito galing States. Hinawakan ni Phoenix ang kamay niya saka siya hinalikan sa pisngi. Napangiwi naman siya. Jet Phoenix Sandoval was her first boyfriend. Nagtagal ang relasyon nila ng dalawang taon. Minahal naman niya ang binata ngunit hindi katulad ng pagmamahal na nararamdaman niya kay Hunter. Para sa kanya magkaibigan na lang sila pero mukhang hindi iyon naiintindihan ni Phoenix. Nang matapos ang misa ay inaya siya nitong kumain. Nagtungo sila sa Paprika. “Nagtatrabaho ka pa ba sa Eclipse?” anito habang tumitingin ng pagkain sa Menu. “Yep, tuwing weekends ako kumakanta ro`n.” “Nice. So I can visit you just like the old times?” nakangiting tanong ni Phoenix. “Ya, sure,” Naalala tuloy niya si Hunter kailan siya nito bibisitahin sa pinagtatarabahuhan niya? Kunsabagay hindi naman nito alam na kumakanta siya doon. At mukhang hindi naman ito interesado dahil tuwing magkasama sila ay hindi naman ito nagtatanong tungkol sa kanya. Pasimple niyang tiningnan ang cell phone niya para makita kung nag-text ba sa kanya si Hunter. Ngunit bigo siya dahil hindi man lang ito nag-text. Mukhang nainsulto nga ata ito sa sinabi niya noong nakaraang gabi. “Hey, Arki, are you still with me?” ani Phoenix. “Ha? Anong sabi mo nga?” Ngumiti ito. “You’re spacing out. Why? Gusto mo na bang umalis?” nakagat niya ang labi. Kilala talaga siya ni Phoenix kapag alam nitong hindi siya interesado. “Gusto mo bang ihatid na kita?” “Okay lang ba?” nahihiyang tanong niya. Ibinaba ni Phoenix ang kubyertos saka nag-iwan ng pera sa table. “Sure.” Hanggang makalabas silang dalawa ay hindi siya nagsasalita. Alam niya ang gustong mangyari ni Phoenix, gusto nitong bumalik sa kanya pero para sa kanya isa na lang itong magandang memorya ng nakaraan. Nakaraan na hindi na niya gustong balikan. Nang tumigil sila sa labas ng apartment ay nakita niya ang pamilyar na kotse na nakaparada doon. Pagkababa niya ay nakita niya si Hunter na nasa harapan ng gate ng bahay. “Hunter? Anong ginagawa mo dito?” Madilim ang mukha nito. Lalo na nang makita nito si Phoenix. Mukha namang naguguluhan si Phoenix lalo na ng hapitin siya ni Hunter sa baywang. “I was waiting for you.” Matigas na sabi ni Hunter. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang. “Excuse me, who are you?” may halong pagtatakang tanong ni Phoenix. “I’m his boy friend.” Napamaang siya sa sinabi ni Hunter. Ganoon rin ang naging reaksyon ni Phoenix. “Ha? Kayo na?” si Maxene naman ay dali-daling tumakbo palapit sa kanila. “Kailan... kailan pa?” punong-puno ng pagtatakang tanong nito. “Ah... Ano...” nakagat niya ang labi dahil sa pressure na nararamdaman. “Ngayon lang.” Sansala ni Hunter. Mas lalong lumaglag ang panga niya. “Pack your things. May pupuntahan tayo.” Binalingan siya nito. Pianningkitan niya ito ng mata. Mahinang itinulak naman siya ni Hunter papasok sa kanilang apartment. “What was that?” singhal niya nang makapasok sila sa kanyang kwarto. Agad siyang umupo sa dulo ng kama saka mataman na tiningnan si Hunter. Pinasadahan ng tingin ni Hunter ang silid niya. Naglakad-lakad pa ito at pinagmamasdan ang ilan sa mga naka-display na pictures niya. “I already told you that you’re my girl.” Umirap siya sa sinabi nito. Tumayo si Courtney saka ito hinarap. “Stop playing my feelings, Hunter.” Naningkit ang mata nito sa sinabi niya. “Feelings? Bakit? You have feelings for me?” Hinilot niya ang sentido saka huminga ng malalim. “What if I do?” seryosong tanong niya. “Courtney, I’m not the man for you. Don’t fall inlove with me.” Huli na, Hunter. Nahulog na ako, hulog na hulog pa nga, e. Piping usal niya sa isip. Ngumiti siya rito kahit na nararamdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mata. “Then stop doing this. Stop sending mixed signals. Stop saying that I am your girl co’s we both know that I’m not!” Hinawakan nito ang kamay niya  at dinala sa dibdib nito. She can feel his heartbeat. “Would you love someone as f****d up as me?” “What’s not to love about you, Hunter? Deep down in your heart I know you’re a good person.” Humigpit ang hawak nito sa kamay niya saka siya hinila at mabilis na inangkin ang kanyang labi. They were kissing passionately. Pakiramdam niya ay kinuryente ang kanyang katawan. Hindi niya rin mapigilan ang makaramdam ng init sa katawan. Nang bumaba ang kamay nito sa kanyang dibdib ay mabilis itong tumigil at kumalas sa paghalik sa kanya. “Pack your things.” Utos nito. “Saan tayo pupunta?” “Isla del Fuego.” Nanlaki ang mata niya. Isla del Fuego? That was one of the expensive resorts in Asia! Sikat iyon sa ganda ng location at wala pang guest doon ang hindi naging satisfied sa services na inoofer nila. “We’ll be having a vacation.” Anito saka siya nginitian at lumabas na sa kwarto niya. Damn it! For the frist time in her twenty seven years of existence this was the first time wanted someone so bad. She wants Hunter so bad that she actually wants him to bed her. Dang! Her innocent mind was invading her dirty thoughts about Hunter. Nang matapos mag-imapke ay naabutan niya si Hunter na nasa sofa at nanonood ng TV. Nang makita siya nito ay agad na itong tumayo upang agawin ang dala niyang maliit na dufel bag. Si Maxene naman ay nasa isang tabi at kumakain na naman ng pizza. Ngumuso ito sa kanila. “Sana all may jowa.” Natawa naman siya sa tinuran ng kaibigan. Kung alam lang nito. “Huwag kang masyadong kumain ng pizza, okay? That’s too much carbs.” Paalala niya sa kaibigan. “Whatever. Enjoy your trip.” Sabi nito saka siya inisnaban. “Ihanap n`yo ako ng boy friend doon. Okay lang kahit bindi kagwapuhan basta loyal at mapera.” Binato niya ito ng throw pillow na nasa sofa saka sila nagtawanan. Inihatid sila ni Maxene sa labas ng apartment. Hindi na niya nakita si Phoenix, marahil ay umalis na ito kanina. “Ingat kayo, ha?” tumango naman siya sa kaibigan. Nagmaneho papuntang Santilian Eneterprises si Hunter. Helicopter kasi ang gagamitin namin para makarating sa Isla del Fuego. Halos isang oras din ang byahe mula apartment hanggang sa kompanya nila Hunter. As usual ang heavy traffic na naman ang nagpatagal sa kanila. Nang makarating sila ay agad silang sinalubong ng lalaking naka-uniporme na may logo ng kanilang kompanya. Dinala sila nito sa Helipad at doon bumungad sa kanya ang helicopter nito na may nakatatak na De Veyra Aviation. Nangunot naman ang noo niya. “De Veyra?” aniya. Tumingin sa kanya si Hunter saka ngumiti. “I got it from a friend.” Napanganga naman siya sa sinabi nito. Ganoon ba talaga ang mayayaman? Parang namimigay lang ng candy. “Sir, you’re safe to fly today. The air is in your favor. I also checked theengines of  eurocopter and it’s perfectly fine.” Pagkasabi’y may inabot ito kay Hunter. Binalingan naman siya nito saka inalalayan para makasakay. Mas lalo siyang nagulat nang makitang si Hunter ang magpapatakbo ng helicopter. “Hey, alam mo ba itong ginagawa mo?” bulalas niya. “Of course. It was just a piece of cake.” Pagmamayabang nito. “We are about to fly. Fasten your seatbelt, Ms. Tuazon co’s you’re about to reach the sky with me.” Kinindatan siya nito. Naramdaman niyang umandar na ang helicopter hanggang sa unti-unti na itong lumulipad pataas. Napapikit siya sa kabang nararamdaman but she knew she was safe. She’s with Hunter anyway. “How did you know we are on the right way?” “It has an electronic compass.” Napangiti siya. It was her first time riding a helicopter. At hindi lang `yon si hunter pa ang piloto noon. “Are you happy?” he asked. She nod wide eyed. “That’s good. I’ll make you more happy when we got to the Island.” He said a matter of factly. Isang oras mahigit ang itinagal nila sa ere ngunit pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamabilis na isang oras ng buhay niya. Ayaw niya pa sanang bumaba ngunit naroon na sila sa isla. Masyado siyang nalunod sa pagkamangha kay Hunter. Sinalubong sila ng tatlong empleyado ng isla. Iginiya sila hanggang sa lobby ng hotel. “Case del mio amore.” Basa niya sa pangalan ng hotel. “Italiano kaya ang may-ari nito?” Nilingon siya ni Hunter saka hinawakan sa kamay. “Pierre Arguelles. He’s the owner of this hotel.” Hindi siya nagsalita. Napapaligiran ng mga puno ang hotel na ito. Elegante ang disenyo nito at mahahalata mong pinag-aksayahan talaga ito ng pera dahil hindi biro ang muwebles na ginamit nila dito. “Welcome to Casa del Mio Amore. How may I help you?” isang babaeng may kulay blonde na buhok ang sumalubong sa kanila sa lobby. Ngumiti naman si Hunter, kitang-kita niya ang bahagyang pamumula ng receptionist kaya naman pinaglandas niya ang kanyang kamay patungo sa braso nito. Tumingin sa kanya ang babae kaya naman tinaasan niya ito ng kilay. Alanganing ngumiti naman ito. “I have a reservation here.” Wika ni Hunter. “Under the name of, Sir?” “Hunter Santilian.” “Give me a minute, Sir. I’ll check the list. Please have a seat.” Tumango naman si Hunter. Iginala ni Courtney ang paningin sa hotel. May mangilan-ngilan na tao ang naroon. May piano doon at may isang lalaking umupo. Mukhang tutugtog ito. Kumunot ang noo niya dahil parang nakikilala niya ito. Naglakad siya upang mas mapalapit dito. At hindi nga siya nagkamali. It was Zero De Leones. Hinigit ni Hunter ang braso niya kaya naman napatigil siya. Bumaling ang atensyon niya sa binata na ngayon ay kunot na kunot ang noo. “Where are you going?” Muli niyang sinulyapan si Zero na tumutugtog ng Fur Elise. “I just saw someone familiar.” “Let’s go. I have our key.” Pinagsaklop nito ang kanilang kamay saka lumabas sa lobby. Sinalubong sila ng lalaking naka-uniporme at sa gilid niya ay may golf cart. Inabot nito ang susi kay Hunter saka siya inalalayan na sumakay. Habang nagmamaneho si Hunter ay hindi niya maiwasan na hindi mamamgha sa kabuuan ng isla. Maraming puno ang nakapaligid doon, may isang mahabang daan patungo sa dagat at mukhang doon ang kanilang direksyon. Mas lalo siyang namangha dahil nakita niya ang maraming floating cabins sa dagat. “This place is awesome,” aniya. “Very awesome.” Nakangitig sagot naman nito. Tumigil sila sa isang floating cabin. Napakalinaw ng tubig dito, pakiramdam niya tuloy ay nasa Maldives siya. Mas lalo siyang namangha sa nakitang mini pool na gawa sa glass steel kung saan kitang-kita ang tubig. Poised serenely over majestic turquoise waters, a palm fringed villa with sea suspended hammocks, padded day beds, and dining above a window of bright lagoon. Built from sustainable materials, these unvarnished beachfront and overwater villas offer a chic picture of paradise. It was connected by beautifully weathered wooden jetties, and secluded by bamboo enclosures, the retreats are airy with high ceilings, and open air bathing alongside a private water garden. An all glass bathtub is suspended above the sparkling Indian Ocean, allowing you to soak up more of paradise. Up on a treetop deck, panoramic views of seascape and an unobstructed sunset are a feast for the eyes, and the soul. With transparent sides and cut away floors, the villas are designed to immerse in the sensational views. The hut like appearance lets us drift away into a fantasy of simple island living, but there is no denying the superb finish of this amazing resort; bespoke furniture, sleek fittings, and luxurious bedding offer indulgence on the highest scale. Pumasok sila ni hunter sa loob at doon ibinaba nito ang gamit. “Hindi ba delikado dito? I mean hindi ba tayo aanurin ng tubig?” puno ng pag-aalalang tanong niya. Hunter chuckled. Umupo ito sa dulo ng kama saka siya mataman na tiningnan. “Safe ito. I’ve been here may times at wala namang nangyaring masama. So stop being paranoid.” Nakahinga naman siya ng maluwag. Ngunit isang bagay ang naisip niya. “Saan ako tutulog? Are we sharing in this cabin?” Doon niya nakita ang paglawak ng ngiti ni Hunter. “Of course.” “W-What?” “You heard me, Courtney.” Tumayo ito saka siya mabilis na nilapitan. “Anong una mong gustong gawin?” Napalunok siya sa inasta nito. Naroon na naman ang pamilyar na init na kanyang nararamdaman. Hindi niya talaga maintindihan ang kanyang nadarama. Is she lusting for him? Good God, this is so insane! Nakarinig siya ng malakas na tawa kaya naman nabalik ang isip niya sa reyalidad. “You’re cute when you blush,” komento nito. Nakagat naman niya ang kanyang labi. “Stop that,” utos ni Hunter. Kumunot ang noo niya. Stop what? “Stop biting your lips, Courtney. Or else I might kiss you,” Napalunok siya sa sinabi nito. Iyon naman talaga ang gusto niya, iyon ang isinisigaw ng kanyang isip. “Then kiss me,” aniya. Pagkasabi’y mabilis na humakbang si Hunter patungo sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang labi. Para siyang kiuryente sa sensasyong nadarama. She’s really inlove to Hunter, kahit alam niyang ginagamit lang siya ng binata para makalimutan ang unang babaeng minahal ay wala siyang pakialam. Kung kailangan niyang maging panakip butas malimutan lang nito si Jimena ay gagawin niya. She would do anything for Hunter, kahit hindi siya sigurado sa mangyayari ay susugal siya. Para sa pagmamahal. She would gladly do anything. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD