Two

1966 Words
“Hunter Santilian, the man who can’t be moved.” Ani Courtney habang titig na titig sa mga mata niya. Ngumisi siya. Tama ito, hindi siya makaalis kung saan siya iniwan ni Jimena. Habang ito masaya siya naman ay nagdurusa. But who cares, it was his punishment. “Hindi matatapos ang mundo dahil lang iniwan ka niya, Hunter. You know what I mean, right?” Nangunot ang noo niya. Is she a stalker? Sabagay, lumaganap noon ang balita tungkol sa kanila ni Jimena. Kung paano niya pineke ang kasal nila. Isa iyons adahilan kung bakit nagalit sa kanya ang kanyang ama. His father wants to disown him because of that incident, tapos ito na naman ang panibagong issue. Ang viral video kung saan sinampal siya ni Courtney at pinagbintangan na nabuntis niya ito. Galit na galit ang tatay niya at pinagbantaan siyang kung hindi niya aayusin ang buhay niya ay mawawalan siya ng mana. He is thirty years old but he didn’t know what he wants in life. Noong una alam niyang gusto niyang magkampamilya at itama ang lahat sa kanila ni Jimena. Pero ngayon? Gusto na lang niyang maglaho na parang bula. He wants to dissapear, that’s why he always tried to commit suicide, too bad all his attempts failed. He didn’t know why. Siguro ay ayaw ng Diyos sa katulad niyang makasalanan. Baka ams gusto nitong mabuhay siya upang mas pagbayaran ang ginawa niya kay Jimena. “Jimena shatteres me into pieces.” Aniya. Lumapit si Courtney sa kanya, halos ilang dangkal na lang ang layo nila sa isa’t isa. “Ang sabi ko hindi kita type, but here I am... waiting for you to look back on me,” Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. “What do you mean?” aniya. Sa halip na sumagot ay hinalikan siya ni Courtney. What’s with this girl? Gumanti naman siya ng halik. He agressively kiss her. Hinapit niya ang batok nito upang mas lumalim ang halik, ngunit itinulak siya nito. “I-I’m sorry...” anito na tila ba nahimasmasan sa nangyari. Mahinang sinampal nito ang noo saka siya tinalikuran. “I’m sorry, Hunter. I’m really sorry. Nadala lang ako.” Kinagat pa nito ang labi. Natawa naman siya. “I knew it. You have a crush on me.”   Sa tuwing maalala ni Courtney ang nangyari sa kanila ni Hunter noong isang gabi ay hindi niya mapigilan na hindi mamula. She was able to kiss Hunter---her first love. Hindi totoo ang sinabi niyang hindi niya ito type. Kaya nga ito ang pinuntirya nila noon sa mall dahil gusto niyang magpapansin kay Hunter. Kay Hunter lang naman ang balak nila pero may ibang nag-video sa kanila at nag-viral pa ang video. Sobra-sobrang atensyon ang nakuha niya. “Tulala ka na naman?” ani Maxene. Isa sa mga kaibigan niya. Inilapag nito ang isang basong orange juice at pizza. Kumuha naman siya ng isa. “Inaalala ko lang ang nangyari noong isang gabi.” Aniya saka kinagat ang pizza. Kumuha rin ng isa si Maxene. “Gustong-gusto? Baka naman hindi ka niyan makatulog!” inirapan siya ng kaibigan. College pa lang sila nang una niyang magustuhan si Hunter. He was so famous. At walang hindi nakakakilala sa kanya. Varsity player ito ng school nila at halos lahat ata ng cheer leaders doon ay nabingwit na ni Hunter. But when he met Jaime Benitez, itinigil nito lahat ng kalokohan nito. Hanggang maka-graduate ang mga ito ay sila pa rin. Hanggang isang araw nakita na lang niya itong iba na ang kasama. She knew the difference between Jaime and her twin sister Jimena. Mas maganda ang katawan ni Jimena kaysa sa kapatid. Also Jimena was the fierce one, and Jaime has this angelic vibe. Nalaman niyang pineke ni Hunter ang kasal nila ni Jimena, and now he’s head over heels to Jimena. Hindi na niya malaman kung gaano na siya katagal hibang kay Hunter. But who counts, walang bilang ang lahat ng iyon lalo na ngayon na napapansin na siya ng taong mahal niya. Tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya iyon ay unregistered ang number. Hindi niya ugaling sumagot ng unknown number kaya naman hinayaan na lang niya. Ngunit muling tumunog at sa parehong number pa rin. “Sagutin mo na, please, naririndi ako. Nanonood ako ng kdrama. Panggulo!” reklamo ni Maxene. Tumayo naman siya saka kinuha ang cellphone at sinagot. “Hello?” aniya. “Hey, kiss stealer.” Nanlaki ang mata niya saka muling tiningnan ang number. Si Hunter? “Hunter?” Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya. “You knew my voice. I’m amazed.” Nakagat niya ang labi. “Where did you get my number?” “That’s not important. But, are you available today?” her heart flustered. Is he asking her to a date? “O-Oo. Bakit?” “Good. Puwede mo ba akong samahan?” Nangunot naman ang noo niya. Mahinang tinampal niya ang mukha. Baka kasi nanaginip siya. “Is it fine that people would see us? You know... about the video?” “Who cares... alam natin na hindi `yon totoo.” “Saan tayo pupunta?” She can’t help but asked. Isa pa para alam niya kung anong damit ang isusuot. “I will introduce you to my Dad. Wear something good. I’ll fetch you six pm sharp.” Matapos magsalita ay pinatay na nito ang tawag. Parang nag-echo sa tainga niya ang sainabi nito. Ipapakilala siya sa tatay nito? Ganoon agad kabilis? Dali-dali siyang tumakbo patungong kwarto niya at agad naligo. Halos lahat ata ng magagadang damit niya ay isinukat na niya. Hindi puwedeng mukha siyang pulubi dahil ngayong gabi ay makikilala niya ang ama ni Hunter. Kailangan ay magustuhan siya nito. Sa huli ay nagkasya na siya sa kanyang floral off shoulder dress at white flats. Kinulot niya ang dulo ng kanyang buhok saka naglagay ng light make up. Nag-spray siya ng paborito niyang pabango. Saktong alas sais ay ready na siya. Nang lumabas sa kwarto ay nagulat si Maxene sa hitsura niya. “Emma? Camilla? Alin ka sa dalawa? O, baka naman si Alyana ka?” pang-aasar pa nito. “Ipapakilala ako ni Hunter sa Daddy niya.” Masayang sabi niya. Natawa naman ng malakas si Maxene. “Are you out of your mind? Nag-kiss lang kayo and now you’re delusional. Hell, Arki, that’s not healthy.” Iiling-iling na sabi ni Maxene. Magsasalita pa sana siya ngunit nakarinig na siya ng busina galing sa labas. Hinawi ni Maxene ang kurtina at nakita niya ang puting Aston Martin sa labas kung saan nakasakay si Hunter. Nalaglag ang pizza na hawak ni Maxene saka hindi makapaniwalng kinusot ang mata niya. “Heol, dream come true!” Tumawa siya saka mabilis na lumabas sa bahay nila. Nakita nioya si Hunter na nakasandal sa pintuan ng kanyang sasakyan. Seryoso itong nakatingin sa kanya. “Hi!” “Hop in,” anito saka binuksan ang pintuan. Tahimik silang dalawa sa buong byahe. Siya naman ay kinakabahan. Sino bang hindi kakabahan kung makikilala mo ang tatay ng isang Hunter Santilian? Tumigil sila sa Aroma Mocha. Sabay silang pumasok sa loob. Walang tao doon bukod sa matandang nasa hindi kalayuan. Naaksuot ito ng gray suit, he has this fiery black eyes and the fact that he’s intimidating. “Dad,” Walang emosyong tiningnan nito si Hunter. Umupo silang dalawa sa harapan nito. May pagkain na rin sa lamesa. “So this was the girl in the video.” Napalunok siya sa kaba. Even his voice is so nakakatakot! Parang ang sarap na lang kainin ng lupa. Hinawakan ni Hunter ang kamay niya kaya naman sinulyapan niya ito. “Dad, it wasn’t her... I mean, hindi siya ang nag-upload at nagpakalat ng video.” His dad gritted his teeth. “Ang laking apekto ng ginawa mo sa kompanya namin, hija. Alam mo ba `yon? They think that my son is not capable of handling our business because he was just a dickhead and immature in the age of thirty.” Lumunok siyang muli. Ang sakit naman magsalita ni father. “I’m sorry po.” Iyon lang ang tanging lumabas sa kanyang bibig. “Sorry cannot fix things, hija. I demand an public apology.” He sounds so bossy. “Gagawin ko po. Pasensya na po kayo sa gulong ginawa ko.” Huminga ng malalim ang matanda saka uminom. Nagkatinginan sila ni Hunter, he looked like apologetic. “Let’s eat.” He commanded. Kahit nanginginig ang kamay niya ay kinuha niya ang tindor. Tahimik silang kumain nang sabay-sabay. Si Hunter naman ay pinaglalaruan lang ang pagkain niya. “I don’t want people wasting their food.” Anang ama niya. She’s pretty sure nthat he’s pertaining to his son. Nang matapos kumain ang tatay ni Hunter ay nagpaalam na itong aalis na. Naiwan silang dalawa. Doon nagsalita ang binata. “I’m sorry. Gusto ko lang linisin ang pangalan ko.” She smiled. “I know... I’m sorry, Hunter,” Ngumiti naman ito saka ginulo ang buhok niya. “You look good today.” Muling nag-init ang mukha niya. Bahagya namang natawa si Hunter. “You’re always blushing.” Gano`n talaga kapag nauutot ako,” inisnaban niya ito. Hunter chuckled. Matapos kumain ay dinala siyang muli ni Hunter sa downtown. This time ay may dala na silang ilang bote ng beer. Muli silang naupo sa bumper ng kotse nito. Binuksan niya ang beer na hawak niya saka ininom iyon. Napakaganda ng langit dahil maraming bituin. Bukod pa ro’n ay maganda rin ang kabuuan ng city. “It’s good that I have a drinking buddy now.” Anito habang iniinom ang beer. Sinulyapan niya si Hunter saka nginitian. “I’m just one call away... anyway, saan mo nakuha ang number ko?” Hunter chuckled. “I have ways, Ms. Tuazon.” Mas lalong nangunot ang noo niya. Hindi niya binanggit dito ang epilyedo niya. “How did you know my surname?” “I said I have ways.” Inirapan niya itong muli. “Puwede mo ba akong samahan?” Hinarap niya si Hunter saka sumimsim sa kanyang beer. “Saan?” “Kay Jimena.” Napamaang siya sa sinabi nito. “W-Why?” “Gusto ko lang siyang makita. I want this pain to end... but I don’t know how. Puwede bang ipamukha mo sa `kin na dapat ko nang tigilan ang kahibangan kong `to? Tang ina kasi, mahal na mahal ko talaga.” Hinawakan niya ang balikat nito. “Hunter, one day you’ll find a girl... who’s willing to do everything just to make you happy. One day, you will know the reason why you didn’t end up together co’s Hunter there’s someone who’s destined to you... and probably that’s not Jimena. You just have to open your eyes and heart.” “I know... I know... but how? Tuwing gigising ako sa umaga pakiramdam ko kalabisan nang mabuhay ako sa ginawa ko sa kanya.” Hinawakan niya ang braso ni Hunter dahilan upang mapatigil ito sa pagsasalita. She saw tears in his eyes. Suddenly she felt a pang in her heart... mahal talaga nito si Jimena. “Don’t waste new tears from the people on the past, Hunter. Stand still and just like the sun you will shine again.” “Make me forget, Courtney.” Pagkasabi’y hinalikan siya ng binata sa labi. DAMN!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD