THE PANDEMIC LOVE (CHAPTER 3)

1290 Words
Nang maka baba na ako ay pumunta ako sa kusina para sabihan si manang na dun nalang kami kakain sa kwarto ni mommy. “Manang dun nalang po kami kakain ni mommy sa kwarto nya, paki dala nalang po ng pag kain.” sabi ko kay manang tsaka ako pumunta sa counter ng kitchen. Nag hintay ako ng ilang minuto, dahil nag luluto pa si manang ng kakainin namin. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na din si manang sa pag handa ng kakainin namin. Tinulungan ko ito sa kanyang dalang pag kain saka pumunta sa kwarto ni mommy. Pag bukas ko nang pinto ay naka upo parin si mommy sakanyang swivel chair at may sinusulat, ka kumatok muna ako bago ko ito pasukin ng tuloy tuloy. *TOKTOKTOK* katok ko sa pintuan saka ito pinasok nang tuluyan. “Hi ma tapos na po kaming mag luto, i mean si manang, tinulungan ko lang po siyang i akyat ang pag kain hihi” saka naman itong dali daling tinapos ang kanyang sinusulat at nilagay iyon sa maliit na envelope at nilagay sa kanyang bag. Nang mailagay na ang aming pag kain ay kumain na kami agad ni mommy pag labas ni manang sa silid na iyon. Nag usap kami ni mommy nang kahit ano hanggang sa matapos kaming kumain. Nung tapos na kaming kumain ay sabay kaming bumaba bit bit ang aming pinag kainan saka kami pumunta sa sala at nanuod ng drama. Habang nanunuod ay di namin namalayan ang oras at kalahating gabi na pala kaya kinausap ko si mommy. “Ma di kapa ba matutulog? Baka kasi may trabaho kapa tomorrow kaya na isip kong matulog kana.” ani ko dito, dahil ina antok na ata si mommy kaka nuod nung pinanuod namin. “Ohh sige, matutulog nako, matulog kana din ha?” tanong ni mommy sakin. “Opo matutulog nadin po ako may kukunin lang ako sa kusina hihi:)” sagot ko kay mommy kaya umakyat na ito at natulog. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng makakain dahil di pa ako ina antok. Nung maka kuha na akong chitcherya ay umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. At sa kalagitnaan nang pag kain ko ng chitcherya ay tumunog ang aking messenger. May nag chat na naman, at ang hula ko dito ay si. Jake: «Hi! Good evening, gising kapa ba?» Hindi nga ako nag ka mali sa hula ko at sya talaga ang nag chat, hayst buhay parang life. Nang ma basa ko ito ay ni replyan ko ito nang wala sa interes ko. To Jake: «Gising ako at wala akong pake kung gising kapa.» Message sent! Nang ma send ito ay lumabas ako sa terrace nang aking kwarto at nag pa hangin. Umupo ako sa upuan ng aking terrace at pinag masdan ang mga ilaw sa labas at pinapakinggan ang mga tunog ng mga sasakyan. Kahit kunti ay nawala naman ang pag ka stress ko, pero may biglang pumasok sa isip ko. *FLASHBACK* Nag lalaro ako ngayon sa labas ng aming bahay, at umupo sa ilalim ng puno sabay hugot ng isang kendi nang maxx na orange flavor, pinag masdan ang ibang bata na nag lalaro kasama ang kanilang kompletong pamilya. Kaarawan ko ngayon at mag e eleven na ako, ayaw kong mag celebrate nang aking birthday dahil wala akong gana para sa ganun ngayon. Gusto ko lamang ay mapag isa at mapayapang araw. Nang maubos ko na ang aking kendi ay biglang may tumawag sakin kaya ako ay napa lingon dito. “Anak! Hali ka na dito sa luob nang bahay kakain na tayo.” malumanay na tawag sakin nang mommy ko. Di parin ma wala sa isip ko ang ginawa ni daddy nung araw na mag sa sampu na aking edad. Malungkot man alalahanin pero kahit mag i isang taon na ang nangyari ay hindi ko ito makalimutan. Pumasok na ako sa aming bahay at kumain gaya nang sinabi ng aking mommy. Matapos din naming kumain ng simple para sa aking ka arawan ay pumasok na ako sa aking kwarto. *END OF FLASHBACK* Saka ko napag tanto na ang tanda ko na pala at ilang taon na ang lumipas galing sa nangyari na sa buhay ko ay hindi ko man lang inasahan. *A/N may bagong flashback ulit kasi sa part nato dalawa talaga ang flashback, yun lang po salamat! * *FLASHBACK* Habang nag bibihis ako kasama si mommy at daddy sa aming kwarto para i celebrate ang aking pang sampung ka arawan. Nang ma tapos akong mag bihis ay bumaba kaming tatlo tsaka namin sinalubong ang mga taong nag hihintay sa baba tsaka sinimulan ang seremonya nang aking ka arawan. Nang ma tapos ang seremonya ay kakain na sana kaming lahat ng may pumasok na isang buntis na babae na may kagandahang tinataglay. Saka ito nag salita nung nasa harap na siya ni mommy at daddy. Nag duda kami kung bakit siya naka pasok sapagkat hindi namin ito inimbitahan sa akimg kaarawan, at hindi ko din ito kilala sapagkat ngayon ko lang ito nakita. Dahil halos bisita namin ay mga ka trabaho ni mommy at daddy. “Roberto at Annie pasensya na kung magugulo ko ang inyong masayang hapunan pero may sasabihin lang ako kay Roberto, Roberto ma-aari ba kitang makausap?” ani ng buntis na babae saka naman tumango ang daddy ko at hinawakan ito sa braso saka lumayo. Tinuloy ang pag celebrate ng kaarawan ko at masaya ito. At nang matapos ito ay nag si-alisan na ang aming bisita kaya kami nalang ang natira sa bahay, wala kasi ang kuya at nandun sa condo nya dahil nag aaral. At sabi ni kuya babawi nalang daw siya bukas. Habang pa akyat ako papunta sa kwarto ay may narinig ako sa bandang kwarto nila mommy kaya hindi ko sinadyang marinig na nag aaway sila. “Manloloko ka Roberto! Walang hiya ka! Pano nalang kami ng mga anak mo? Iiwan mo kami? Bakit mo ito nagawa sa amin? Bakit roberto? Kulang pa ba kami para sayo?” rinig kong sigaw ni mommy sa loob ng kwarto nila kaya hindi ko na-malayang tumulo ang luha ko. Nag aaway ang mommy at daddy ko, bakit? Anong nangyare? Napag desisyonan ko'ng umalis nalang dahil alam kong walang respeto ang nakikinig sa away ng matatanda. Umiyak ako sa walang dahilan, natatakot, nangangamba na dahil baka iiwan nga kami ni daddy. Hanggang sa kinatulugan ko na ang pag iyak at nagising kinabukasan. Pag gising ko ay naligo ako kaagad at nag bihis, saka ako lumabas ng kwarto upang kumain at habang akoy pababa palang, naririnig ko na naman si mommy na umiiyak. Kaya nag patuloy nalang ako sa pag baba at kumain nalang ng tahimik. Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay paakyat na sana ako nang makita ko si daddy na pababa at may dalang dalawang maleta, habang si mommy ay naka hawak sa kabila niyang braso na umiiyak at pinipigilan ito sa pag alis. “Roberto please dito ka nalang sa amin, huwag mo kaming iwan ng mga anak mo, mahal na mahal ka ng mga bata, please don't leave us” habang umiiyak si mommy ay wala namang emosyon si daddy. At andito na naman ang mainit na likido na dumadaloy pababa sa aking mga mata, hindi ako umiiyak dahil pa alis na si daddy kundi dahil na-aawa ako kay mommy. “Mommy ano po bang nangyayare? Bakit po aalis si daddy?” sa wakas ay nabigkas ko ito nang hindi nauutal. “My princess, i hope you will forgive me when you can understand the situation. Just always remember that whatever the situation is, daddy will always love you” hinawakan ni daddy ang kanan'g pisnge ko saka ito hinalikan at umalis. *END OF FLASHBACK*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD