Ng matapos magbihis ay niyaya ako nitong kumain sa kusina nito.
Namangha ako ng malaya kong mapagmasdan and loob ng condo unit nito.
Grabe.. sa disenyo pa lang ay malalaman mo ng mayaman ang lalaking ito.
Sa sala ay makikita ang malaking orasan nito na nasa itaas ng malaking TV nito.
10:15am
Tanghali na pala.
"Come here, let's eat first. Im sure you're already hungry."
Bakit parang may ibang meaning ang sinabi nito kahit seryoso naman ang tinig na ginamit nito?
Nakakahiya nagiging bastos na yata ang utak ko.
Saisagey, sunny side up egg and bacon ang mga nakahain sa lamesa. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko at ng hindi na nakatiis ay tumunog na nga ang mga alaga ko.
He chuckled when he heard my growling stomach kaya naman mabilis na akong umupo upang makakain na.
Wala ng hiya hiya pagdating sa pagkain. Nagsandok ako ng kanin sa plato ko, pinagsandok ko na din sya sa pinggan nya at nilagyan na din ng ulam.
Kahit doon man lamang ay makabawi ako dito.
He smiled at me and say thank you after that.
We ate silently, halos maubos ko na ang mga pagkain dito samantalang para lamang itong tumikim at ni hindi man lang nakalahati ang pagkain nito.
"I don't usually eat rice for breakfast. Coffee and bread lang madalas." He explain when he noticed that im staring at his foods.
Tumango na lamang sya at nagpresinta na maghugas ng pinag kainan nila.
Hinayaan naman sya nito at nagsabing hihintayin na lamang ako sa sala at may pag uusapan daw kami.
Kinakabahan tuloy sya. Baka mamaya pagbayarin sya nito sa pananatili nya dito at pati narin sa mga kinain nya.
Malay ko ba kung kuripot pala yun db? Sari-saring eksena na ang pumasok sa utak ko.
Paano kung hilingin nito na panagutan ko sya?!
Erase! Erase!
Ako ang babae kaya dapat na sa aking manggaling iyon, pero dahil ginusto ko din naman ang nangyari ay hindi ko na hihingin yun.
Atsaka isa pa, mukha naman itong bihasa sa ganoong larangan dahil magaling talaga ito kaya for sure ilang babae na din ang natikman nito.
Omy!
Ang bobo mo marga! What if madami na yang naikamang babae na nanggaling sa bar?
Paano kung nahawa na iyan ng sakit at maaaring napasa sayo dahil hinayaan mong may nangyari sa inyo?!
Nataranta sya sa mga naisip at biglang nilukob ng takot.
"If you're done you can come here in living room"
Muntik ko ng mabitawan ang hawak na pinggan ng marinig ang sigaw nito mula sa sala.
Nagmadali na ako sa pag aayos ng mga pinggan at kubyertos sa lagayan ng mga ito bago ito puntahan sa sala.
"Take a seat"
Lumunok muna sya bago umupo.
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Para bang parehong hindi alam kung papano magbubukas ng topic na hindi maiilang ang bawat isa.
Tumikhim muna ito..
"What happened between us--
"Is a one night stand db?! Don't worry, hindi naman ako maghahabol."
Mabilis kong putol sa sinasabi nito.
Kita ko ang pagsalubong ng mga kilay nito.
"What I'm trying to say is, i did not regret on what happened between us. Im just concerned about you, i know you were under the spell of the alcohol when we do it."
Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. Medyo hindi ko naintindihan ang sinabi nito.
"H-hindi ka nagsisisi?" Nananantyang tanong ko.
Tumango naman ito at hindi na nagpaliwanag pang muli.
"Hindi naman ako ganun kalasing ng mangyari iyon. Siguro nadala na lang din ako sa sitwasyon kaya nagpaubaya na lang din ako." Pag-amin ko din dito.
"How funny right? Naisip ko, sa ginawa kong iyon. Para na din akong nakaganti sa ex boyfriend ko."
Nanumbalik sa alaala ko ang ginawa ni david at ng kaibigan nito. Masyado akong naging kampante na hindi sya magloloko dahil maayos naman ang relasyon namin.
Not until that woman came in the picture.
Ng tignan ko ito sa mga mata ay kita ko ang gulat dito.
"M-may boyfriend ka?"
"Ex . Ex boyfriend. Although hindi maayos ang break up namin but I consider him now as my ex."
"Is he the reason why you're alone drinking at that bar last night?"
I nodded my head as an answer and wipe the lone tear that fell on my left cheeks.
"It's our 4th year anniversary, for the past 3 years sya palagi ang may mga pa surprise kapag anniversary namin, so i thought this time ako naman."
"I bought him gift and even bought a cake with a message on top of it."
"I was so excited because im hoping that this time, this time he will propose to me."
Pagak akong tumawa habang nagtuloy-tuloy na ang luha ko.
"I didn't expect na pagdating ko sa condo nya ako pala ang masusurprise."
"He's having s*x in his room with another girl."
"You know what hurts me more? The girl is no other than his friend."
Lumapit ito sa akin at hinila ako paupo sa tabi nito. He gently wipes the tears on my cheeks.
"You should congratulate me"
"For what?"
Tumawa muna ako sandali ng maalala ang mga ginawa ko. Namumukha na tuloy syang baliw na umiiyak tapos biglang tatawa.
"I slapped his face and also slapped that woman's face 3 times, kung nakita mo lang ang mga mukha nila for sure matatawa ka"
Nagpatuloy naman ako sa pagtawa ng mapansin kong tahimik ito. I can see pity on his eyes.
"Don't look at me with those eyes, i don't need your pity. Hindi mo ako dapat kaawaan kasi nakaganti naman ako"
"I even pulled that woman's hair and throw her out of David's unit. Oh, i almost forgot! Hindi ko naman sinasadyang mahila yung tuwalya sa katawan nya, ang likot nya kasi eh"
I said with full of sarcasm.
"Masaya ka ba?"
Isang tanong na nagpatigil sa akin.
Masaya nga ba ako? Bakit parang hindi? Dapat masaya ako eh!
"Oo naman!" Masigla ko pang sabi dito.
"Masayang masaya ako, siguro pinag pipiyestahan na ngayon yung dalawang iyon sa internet. Ang dami ba naman kumuha ng video nung time na yun."
Tinignan ko ito at parang gusto kong matunaw sa titig nito.
"Sabing wag mo ko tignan ng ganyan eh! Look, im more than okay and I don't need anyone's pity."
"Kung gusto mo, panoorin natin iyon? Pahiram ako ng cellphone mo dali! For sure madami ng nakapanood din nun. Akin na bilis!"
Hindi man lang ito natinag sa mga sinabi ko.
I saw how his jaw clenched and his aura became so dark na para bang galit na galit, pero para kanino iyon? May kaaway ba ito?
He pulled me closer to him and hug me so tight.
"Kung talagang masaya ka, bakit ka umiiyak?"
Kinapa ko ang pisngi at doon ko palang nalaman na basang-basa na pala iyon ng luha.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Gumanti ako ng yakap dito ng sobrang higpit.
Na para bang sa mga bisig nito ay malaya ko iyong gawin, malaya akong maging mahina, malayang umiyak ng umiyak at ilabas ang lahat ng poot at sakit na naipon sa puso ko.
Humagulgol ako ng malakas at mas isiniksik ang sarili dito na maging ang hangin ay mahihiyang dumaan sa pagitan ng aming katawan.
"Hindi ka iiyak kung talagang masaya ka sa ginawa mo, maaaring pilit mong isiniksik sa isip mo na masaya ka kahit hindi iyon ang totoong nararamdaman mo."
Tiningala ko ito, bumaba ang tingin nito sa mukha ko at masuyong ngumiti.
Paano nya nagagawang ngumiti ng ganoon sa isang taong hindi nito lubos na kakilala.
Para bang napakabuti ng puso nito para sa lahat at parang hindi ito marunong magalit.
Ang klase ng ngiti na binibigay nito sa akin ay para bang nagsasabi na magiging maayos din ang lahat at malalagpasan ko ito.
He kissed my head down to my eyes, my nose and my cheeks.
Mas lalo akong napahagulgol sa ginawa nito. Para bang nakahanap ako ng kakampi sa katauhan nito.
"B-bakit ganun? Dapat masaya ako ngayon! Sinaktan ko sila db? Dapat maging masaya na ako."
"P-pero bakit hindi pa rin ako masaya?"
"Sa lahat ng ginawa ko sa kanila, ako pa din ang higit na mas nasasaktan."
I clung my hands on his nape and bury my face on his neck.
"Ang sakit sakit! Ang sakit!"
I punched my chest like the pain will go away if i do this repeatedly.
"Stop that, don't hurt yourself even more. This will not help you, okay?"
Marahan nitong kinuha ang kamay ko sa dibdib ko upang mahinto ako sa pagpalo doon.
"Akala ko pag nasaktan ko sila magiging okay na ako. Alam mo kung ano yung mas masakit?"
I sniff his neck to make me calm just for a bit. I found myself getting addicted to his scent.
"Ni hindi man lang nya ako hinabol sa elevator, hinintay ko sya. Naghintay ako doon"
"Pero paglingon ko, nakita ko kung paano sya masuyong tumingin sa babae nito at binuhat nya pabalik sa loob ng unit nya."
"Ako yung girlfriend nya! He even told me that she's just his fck buddy and im the one who he really loves"
"Pero nakapadali nya akong tinalikuran ng araw na iyon at mas pinili nyang tulungan yung babae na yun kesa sa girlfriend nya na totoong nasasaktan!"
He's caressing my back so gently and mumbling some words to calm me down.
"Shhh, stop crying already.. im here, im here."
Buti pa ito, hindi naman kami magkakilala talaga pero kung umasta ito para bang matagal na nya akong kilala.
I feel really safe and secured in his arms.
"Do you wanna go home?" Masuyo nitong tanong sa akin.
Tumango ako at mas hinigpitan ang yakap ko dito.
He carried me in a bridal way and started walking towards his room. Kinuha nito ang susi ng kotse nya doon pati na din ang bag ko at sapatos.
"M-maglalakad na lang ako, put me down" hindi ko alam kung bakit tunog malambing ang pagkakasabi ko niyon sa kanya.
Para tuloy kaming mag jowa na nag-aaway at ngayon eto sya at sinusuyo ako.
Nais kong kilabutan sa mga naisip ko. Nakuha ko pa talagang lumandi sa mga oras na iyon.
"No, I'll carry you."
Inabot ko na lang dito ang sapatos at bag ko. Niyakap ko ang mga iyon habang nakahilig sa dibdib nito.
"Bakit ang bango bango mo--
Huli na para mabawi ko ang sinabi ko dito. Natampal ko ng bahagya ang bibig ko sa kadaldalan.
I heard his manly laugh before he bow his head and stole a kiss from my lips.
Nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao sa lobby kaya naman sinubsob ko ang mukha sa dibdib nito upang magtago.
"Tell me your address. I guess this time you can tell it to me? I remember last night when i asked you, you fell asleep very fast."
I pouted my lips before telling him my address.
My apartment is 30 minutes drive away from his condo.
Niyaya ko itong bumaba at mag juice muna sa loob bago umalis na mabilis naman nitong tinanggap.
Gusto ko tuloy matawa dito.
"Marga"
Huh?
"Marga, your name suites you well."
The way my name comes out from his lips is so different. Para bang napakasarap pakinggan ng pangalan ko tuwing binabanggit nito iyon.
Nilingon ko ito upang tanungin kung paano nito nalaman ang pangalan ko.
I saw him looking at my company ID that was hang on the wall near my mini kitchen.
Inabot ko dito ang juice na tinimpla ko at inaya itong maupo sa sofa.
"Pagpasensyahan mo na itong maliit kong apartment ah, mag-isa lang kasi ako dito kaya okay na sa akin ang ganitong kaliit na lugar."
"You're alone here? Where's your family?"
"Ah, nasa probinsya sila nanay at tatay. Laking Ilocos ako, doon talaga kami nakatira."
"Nakipagsapalaran lang ako dito sa maynila kayo ako napadpad dito."
Tumango tango naman ito bago sumimsim sa juice na hawak nito.
"Actually this place is a bit huge for one person. But i think its fine, so that you can accommodate your friends here sometimes, right?"
"Oo, kapag nandito ang bestfriend ko ay dito na din iyon nagpapalipas ng gabi. Sila nanay naman ay minsan pa lang nakapasyal dito. Yung bestfriend ko lang talaga ang nakakapunta ng madalas dito pati si Davi--
I stopped and shook my head. I don't wanna think about him anymore.
"Hey, that's okay. Hindi mo naman talaga maiiwasan na maisip sya lalo na at sariwa pa ang mga sugat na iniwan nya sayo."
I gave him a small smile. He's so nice.
"Hmm, can i ask you one thing?"
"Sure!"
"Is it okay if i get your number? I mean, umm.. i just got this feeling that i want to know more about you"
Bahagya naman nanlaki ang mata ko at pagkatapos ay mabilis na nagsalita.
"W-what? Why?"
"Let's just say na, hindi masyadong maganda ang una nating pagkikita sa bar. I got you scared and all. Gusto ko lang sana na kilalanin ka pang mabuti."
Me too.
I also want to more about you, Zachhy. Sa isip ko.
"Sige" ibinigay ko ang number ko dito at nagkwentuhan muna kami saglit bago ito nagpaalam na aalis na.
May pasok pa daw ito sa opisina nito at may mga papeles na kailangang pirmahan.
Alam ko naman na mayaman talaga ito. Kaya hindi na din ako nagulat ng sabihin nito iyon.
"If anything happens, call me right away okay?"
Paalala nitong muli ng maihatid ko sya sa labas.
Nakangiti akong tumango dito at kumaway ng magsimula na itong paandarin ang kotse nito.
Bumusina pa ito ng isang beses bago nagmaneho paalis ng apartment ko.