Napapitlag ako ng may nagsalita sa harapan ko at kaagad nag-angat ng aking mukha. Isang babaeng nakamaong na short ang nasa harapan ko. Puting long sleeves na nakatupi hanggang siko ang pang-itaas niya, nakabukas din ang tatlong butones sa taas kaya kita ang cleavage niya. Naka red three inches peep-toes shoes din siya at may mga kolorete sa mukha na tila mo a-attend ng kung anung okasyon. "Andyan ba si Franz?" Ulit niyang tanong. Kaya tinaas ko siya ng kilay. "Wala siya dito nagpunta yata sa manggahan." Tugon ko at muling niyuko ang aking mga anak sa crib para ayusin ang diaper nila. Ramdam ko ang pag-upo niya sa couch malapit sa amin ng mga anak ko, pero hindi ko na siya nilingon at binaliwala. Iba ang pakiramdam ko sa babaing bagong dating sa paaran palang ng pagtatanong niya may kak

