Nagising akung wala ng laman ang crib ng mga anak ko sa tabi ko kaya kaagad akung bumangon para hanapin sila. Pero bigla nalang bumukas ang pinto ng cr at iniluwa si Franz na bagong ligo. Nakatapis lang siya ng puting towel kaya kitang-kita ang nahuhumiyaw niyang bato-batong katawan, may tumutolo pang butil ng tubig mula sa mukha at buhok. Amoy na amoy ko rin ang ginamit niyang sabon at shampoo. "Good morning Honey." Bati niya sa akin. "Nasaan na ang mga bata? Bakit wala na sila sa crib?" Singhal kung tanong para itago ang pagnanasa sa kanya. Sino ba naman kasing matinong babae ang hindi makapagiisip ng kahalayaan kung ganito kaagad ang bubungad sa iyo paggising mo. Hinapit niya ako sa bewang at iginiya sa may bintana. Hinawi rin niya ang kurtinang tumatabing dito kaya tanaw ko muna sa

