PROLOGUE

1119 Words
Pagdating niya sa Palawan Airport ay nakita niya kaagad na nakatayo ang caretaker ng rest house ng kanilang pamilya na si Mang Anton. Kumaway siya dito at ng makita siya nito ay mabilis siyang nilapitan at maagap na kinuha ang kanyang bagahe. "Doon ko ipinarada sa di-kalayuan dito ang sasakyan niyo Señorito," sabi nitong nauuna ng lumakad sa kanya. "Kumusta na po kayo Mang Anton? Tagal din nating hindi nagkita, ah," tanong niya dito na kinuha na rin dito ang sariling dala, dahil nakikita niyang nahihirapan ito sa bigat ng maleta niya. At matanda na rin ito. Sampung taon pa lamang siya ng mabili ng kanyang ama na si Carlos Contreras ang isang property dito sa Coron Palawan. Ginawa nito iyong isang private resort at tanging sila lang mag pamilya ang mayroong access sa nasabing bahay bakasyunan. He really likes the place, napaka tahimik at malayo sa magulo, at mataong lugar. Every time he needed a break, dito ang kanyang naging takbuhan. Kasabay ng pagtayo ng kanilang resort ang pagtatrabaho din ni Mang Anton sa kanilang pamilya bilang isa ngang caretaker. At ngayon ngang 32 years old na siya ay nanatili pa itong naninilbihan sa kanila. "Naku, halos magtatatlong taon na rin mula ang huling dalaw n’yo dito Señorito." Tila ito humahabol sa kanya dahil sa matangkad siya at malalaki ang kanyang mga hakbang. Samantalang maliit lang na tao ito. Nang marating nila ang sasakyan ay  humihingal ito na dinukot sa bulsa ang susi ng sasakyan at hinagis sa kanyang gawi. Mabilis niya rin itong nasalo at natawa ang matanda. "Kahit kailan wala ka Talagang sablay Señorito Joaquin," natatawang sabi nito habang inilalagay ang bagahe niya sa likod ng sasakyan. "Ako na po ang mag-drive ngayon, you can relax po," sabi niya sabay bukas sa pintuan ng driver's seat ng sasakyan. "Mauuna na po muna kayo Señorito at dadaan pa ako ng palengke para mamili ng stocks," sagot nito habang nakamasid sa ginagawa niya. "Sasamahan na lang po kita para hindi ka na mahihirapan Mang Anton." Natigilan siya sa akmang pag-start ng makina ng sasakyan. "Kow, huwag na at mauna na kayo Señorito at alam kong pagod kayo. May inarkila na akong tricycle at maya-maya lang narito na iyon. May naihanda na rin akong pagkain sa bahay." "Sigurado po ba kayo?" Kinuha ang wallet sa bulsa at naglabas ng ilang one thousand bills at ibinigay sa matanda. "Batang ‘to talaga Oo, huwag ka na ngang mag-abala. Sige na lumakad ka na, malaki pa ang ipinadalang budget dito ng iyong ama," sabi nitong iminuwestra na ang mga kamay. Tumango nalang siya at isinara na ang pinto ng sasakyan. Kumaway pa ito ng paalis na ang kanyang kotse. Tiningnan niya ang pambisig na relo at nakita niyang mag-aalas dos na pala ng hapon. From here, mga 30 minutes pa ang ibabyahe niya more or less. Binuksan niya ang stereo ng sasakyan at pumailanlang ang isang musikang tila nagpapaalala sa dinadamdam niya ngayon. Biglang sumagi sa isip niya ang Magandang mukha ni Sandrine.  Itinaboy niya iyon sa isipan, hindi magandang isiping may ganoon pa siyang damdamin para sa asawa ng pinsang si Dean. Kasal na ang mga ito at hindi maikailang sobrang saya ng dalawa sa kanilang pagpapakasal. Muntik pa siyang hindi dumalo sa kasal ng dalawa kung hindi dahil sa pamimilit nina Apollo, Tyler at Nathan. At narealize niya ring tama  ang kasabihang 'May the best man win'. Pero sa kabila ng lahat ay nasaktan parin siya, kaya ang lumayo saglit ang naisip niyang solusyon.   Malapit-lapit na siya sa kanilang resort at lubak-lubak na ang daan papasok doon. Medyo masukal na rin ang gilid ng daan. Pero hindi iyon hadlang sa mabilis niyang pagpapatakbo sa sasakyan, at Nagmamadali na siyang makarating dahil bigla niyang na-miss ang lugar na iyon. Isang liko na lang at makakarating na siya sa bungad. Malayo-layo pa siya ng makita niyang may isang babaeng lumabas mula sa masusukal na parte sa gilid ng daan. Mahaba ang damit nitong puti na kinakapitan niya ang magkabilang laylayan para siguro hindi masabit sa matataas na talahib. May belo pang nakatakip sa mukha nito. Ni hindi ito tumigil sa pagtatakbo kahit nakita nitong paparating ang sasakyan niya. Tatawid sa kabilang side ng kalsada ang direksyon nito at mababangga niya ito. "Oh no, Damn no Joaquin! F****ng no!"  Sunod-sunod ang malulutong mura niya habang mabilis na kinabig ang manibela, at apakan ng ubod lakas ang brake ng sasakyan. Gadangkal lamang ang layo niya sa babae, at nakahinga siya nang maluwag ng makitang hindi niya natamaan ito. Pero tumilapon pa rin ito at bumagsak. Mabilis ang naging kilos niya nang buksan ang pinto at lapitan ito. "What the hell are you doing? Magpapakamatay ka ba?" Nilapitan niya ito at akmang tutulungang tumayo. Kasabay din ang pag-angat ng mukha nito sa kanya, at kinuha nito ang nakatabing belo sa mukha. Natigilan si Joaquin ng magtama ang paningin nila ng babae. Napakaganda nito, light lamang ang make-up at lutang na lutang ang ganda nito. Para itong Diyosang lumabas mula sa kagubatan. Totoong tao ba to o diwatang nagpapanggap lang na tao?  Naisip ni Joaquin pero agad din natigil sa pag-iisip ng magsalita ang babae. "Help me please," sabi nitong naguguluhang nakatingin sa kanyang mukha. "Help you what? Artista ka ba at nagte-taping kayo dito? Good job lady, I'm sure your viewer will hook up on your acting skills," napapalatak niyang sabi. Akma na siyang tatalikod upang bumalik ng sasakyan ng hawakan nito ang kanyang braso. Some electrifying feeling occurs, from her warm palm down to his bones. Tiningnan niya ang mga kamay nitong nakahawak ng mahigpit sa kanyang braso. As if doon ito kumukuha ng lakas. "Please, may naghahabol sa ‘kin." Nanginginig ang boses nito habang nagpalinga-linga sa paligid. Trace of fear is written in her beautiful face. And she's so hard for him to ignore, while she is begging for his help. Sasalita pa sana siya nang marinig niya ang mga yabag papalapit mula sa kagubatan. Tiningnan niya ang babaeng nanginginig sa takot at walang sabi-sabing binuhat at mabilis ipinasok sa kanyang sasakyan. Napamura ulit siya nang malakas nang marinig ang putok ng baril. So this is not  only for the show, this is something serious!  paalala ng kanyang utak. "Who are you really?" malakas niyang sabi, while driving his car as fast as hell. "I-I am Arabella Guerrero," nauutal nitong sagot at biglang nawalan ng malay. "Dammit!" Napamura siya ulit, hindi na niya alam kung ilang beses na siyang napamura. Kinuha ang cellphone sa bulsa, and dial his cousin Apollo's number. He needs his help right away. He has no idea of what had happened with this woman but one thing he's damn sure,  she is a runaway bride! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD