Tulad ng utos ni Tita Nicole nag-grab kami ni Rocket pauwi. Delikadong may makakita sa'kin dahil siguradong pinaghahanap na ako ni Kuya at ng mga kasamahan niya dahil hindi ko na-ideliver ang mga "Herbs." Hanggang ngayon di pa rin ako maka-move on! Naging delivery girl ako ng ilegal na drugs! Pagdating namin sa bahay, nakahinga ako ng maluwag nang madatnang wala doon si Kuya June. Dumiretso kami sa kwarto to make sure that we’re safe if ever na dumating si Kuya kasama ang mga gangster friends niya. "Babe?" Tawag ko kay Rocket paglabas ko ng restroom. Naabutan ko siyang tahimik na nakaupo sa gilid ng bed na parang ang lalim ng iniisip. Medyo nagulat pa siya nang malingunan ako. He quickly surveyed my body. I was wearing a rose gold satin camisole top and shorts. I did not wear bra at m

