"Magdadala ka ba ng jacket, Babe?" I'm helping Rocket pack his thing. Nakasalampak ako sa sahig habang inilalagay sa maleta ang mga damit niyang maayos ko nang naitupi. Bukas na ang alis niya papuntang La Union. Ang ibang kasama niya sa team ay nauna na raw doon last week pa. "Hindi isang jacket lang dadalhin ko,” umiiling na sagot niya. He was sitting on the couch in front of me. Kanina pa siya bumubuntong hininga at walang kagana-gana sa pag-eempake. Actually, wala siyang ginagawa kundi panoorin lang ako. Tumayo ako para kuhanin sa kabinet 'yung jacket niyang itim. Hinagis ko 'yon sa nakabukas na maleta. Mamaya ko na lang itutupi kasama ng mga pantalon niya. "Itong varsity jacket mo? Dadalhin mo ba?" Baling ko sa kaniya habang ipinapakita ang hawak kong jacket. Imbes na sumagot,

