"RED LIONS WINS THIS YEAR NCAA SEASON!" Nagkayakapan kami nina Genesis, Jane at Violet habang tumatalon-talon sa tuwa. Umuulan ng red confetti at white balloons ang buong MOA Arena. Wala ibang maririnig kundi ang masayang hiyawan ng crowd, isinisigaw ang pangalan ng nanalong koponan. The game was intense from 1st to 4rth quarter. Nagpapalitan lang ng puntos ang San Benda at Letran. Walang gustong magpalamang. 2nd quarter pinaghinga si Rocket. Ibinalik siya ng 3rd quarter. Nakita ko ang eagerness niyang manalo, nag-uumapaw ang kompiyansa at determinasyon subalit makikita rin sa mga matang ini-enjoy niya ang huling taon niya sa NCAA. Kahit halata na ang pagod sa itsura ay napapangiti pa rin lalo na kapag lumilingon sa side kung saan kami nakaupo. Itinataas ko naman ang LED light board k

