Pagsakay ko sa kotse namin, nagsasalubong ang kilay at madalim ang itsura na binalingan ako ni Rocket. He surveyed my body and sighed heavily when he saw I was wearing a huge shirt. Naiiiling na bumalik ang tingin niya sa harapan at pinaandar ang sasakyan. Hindi siya nagsasalita at nakatutok lang ang tingin sa daan hanggang sa makarating kami sa bahay. I expected him to confront me, but he didn’t. instead umakyat siya sa kwarto niya. I went straight to my room too and took a shower. Pagkatapos kong magbihis lumabas ako ng kwarto at bumaba para kumuha ng tubig. My throat was really dry. Hindi ko na nagawang uminom man lang ng tubig sa apartment ni Kyle. Naabutan ko si Rocket sa salas na nakaupo sa couch, abala sa pag-scroll sa ipad sa niya. He was wearing a plain white shirt and black s

