"Keep the change, Kuya." Inabot ko ang bayad at bumaba na ng tricycle. Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa ginagawang resort. Walang gate kaya nagtuloy-tuloy lang ako. Along the way, may nadaanan akong tent kung saan nagpapahinga ang mga construction workers at nananghalian. "Hi, Ma'am. Mas maganda pa kayo sa tanghali," bati nung medyo bata sa lahat. Huminto ako at hinarap siya. "Kuya, saan ang Engineer’s office niyo rito?" Lumingon ang lalaki sa mga ksamahan niya bago binalik ang tingin sa'kin. "Sino pong Engineer?" "Montero," Naiinip kong sagot. "Ah, yung matangkad na pogi! Doon! Nandoon sila ngayon sa malaking tent! Sa dulo," sinundan ko nang tingin ang tinuro niya. "May birthday party yata doon! Pinaghanda siya ng girlfriend niya." "Girlfriend?" Tumaas ang isang kilay ko. "O

