Chapter 69

2033 Words

"Ate Rozen.." Mabilis siyang nag-angat ng matalim na tingin sa 'kin. "Anong kailangan mo?" Huminga ako ng malalim. "Gusto ko lang malaman mo na handa kaming tumulong ni Rocket sa kailangan ni Robi. Hindi man namin maibibigay ang kabuoang halaga, handa pa rin kaming tumulong." Mahinang usal ko. Tumayo siya sa harapan ko at diretsong tumitig sa 'king mata. "Tapatin mo nga ako, Friday. Bakit mo binalikan ang kapatid ko." Sinulubong ko ang tingin niya. "Mahal ko si Rocket, Ate Rozen..." "Mahal?" sarkastikong ulit niya. "Kung mahal mo, bakit mo iniwan? "I did that for my—" "Kung si Rocket nabibilog mo ang ulo, ibahin mo ako, Friday." Putol niya sa sinasabi ko. "Bago ka umalis, nakikita kitang kasama ang anak ng CEO. Ang sabihin mo, iniwan mo si Rocket dahil mas pinili mo si Jaxon! Di ba?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD