"Para kang tanga! Bakit ka ba umiiyak diyan?" Dito na lang kami sa restaurant ng hotel nag-dine in. Hindi ko yata kakayaning lumabas pa kapag ganitong halos humahagulhol na ako. Napaka-payat ni Tita Nicole, para na siyang buto't balat. Ang dry ng skin niya at nanlalalim ang paligid ng mata. Pansin ko rin ang ilang patong ng damit na suot niya. Siguro dahil sa kapayatan mabilis na siyang lamigin kahit naman hindi ganoon kalamig ang klima. "A-Anong nangyari sa'yo, Tita Nicole?" Tumutulo ang luhang kinuha ko ang tissue na ibinigay ng waiter. "Ang payat mo.. sobra.. anong nangyari?" Nakuha pang tumawa ni Tita pero pansin ko ang paghahabol ng kaniyang hininga. Lalo naman akong umiyak. Awang-awa sa niya. "'Wag kang OA... okay lang ako. Dahil ito sa diet—" "Hindi na tama 'yang diet na 'yan,

