Pinuntahan namin ang police station na sinabi ni Genesis. Nag-commute lang kami ni Kyle dahil wala siyang dalang sasakyan. Sumakit tuloy ang paa ko sa suot kong heels. May ilan pang pasahero sa jeep na tumitingi-tingin sa'min. "Magandang gabi po, Ma'am. Ano pong maipaglilingkod namin?" Magalang na bati nung pulis sa front desk pagpasok namin sa station. May ilan pang mga police na naroon at napalingon sa direksyon namin ni Kyle. "Hinahanap ko po si June Rivas. Dinala daw po siya dito?" Nag-aalalang tugon ko. Kinakabahan ako. Ano na naman bang ginawa ni Kuya at bumagsak pa siya ngayon sa Police Station? Ito ang unang beses na makapunta ako sa ganitong lugar. Nakakatakot. I don't feel safe. I don't like how their staring at me. "Sandali." Tumingin sa log book ang pulis at hindi pa man n

