Hindi na ako nagpasundo kay Rocket after ng appointment ko kay Dra. Lopez dahil late Raw siyang makakauwi. Gusto ko rin muna mag-isip at mapag-isa. Pagdating sa bahay, nagluto ako ng dinner at habang hinihintay ko siya, nanood muna ako sa Netflix. Pero walang pumapasok sa isip ko. I was distracted. Bigla na lang napapatingin ako sa tiyan ko at napapahawak doon. Parang hindi pa nag-si-sink in sa 'kin na magkakaanak na kami ni Rocket. Totoo ba 'to? I don't know what to feel.. nagtatalo yung takot at saya sa puso. Hindi ko alam kung makakayanan ko ba 'yong malaking responsibility na 'to. Makakayanan ba namin ni Rocket? I picked up my phone when I heard the notification tone. I saw Rocket’s messages. My Rocketship: Papauwi na ako, Babe. My bembem: Okay. I want to tell you something. My

