Nanatili lang siyang nakatitig sa’kin na parang nakakita ng multo. “What the hell, Babe!” Pinanlakihan ko siya ng mata. Itinaas ko ang cake palapit sa mukha niya. "Let's blow the candle!" Humakbang paatras si Rocket na awang pa rin ang labi sabay tinuro ako, nasa dibdib ang isang kamay. "Multo!! Multo 'yan, Ma!" "Hala, nabaliw na si Kuya," komento si Roxette na nakapwesto na sa lamesa. "Puro ka kalokohan!" Naiiling na sabi ni Tita Rose. "Hipan niyo na 'yan para makakain na tayo." "Nangangalay na ako," I glared at him. Tumatawa namang kinuha niya ang cake sa kamay ko. “Game.” Pumikit kami at sabay na hinipan ang kandila. Hinapit niya ang mga braso sa beywang ko paglapag niya ng cake sa lamesa. "Grabe ka.. akala ko galit ka talaga sa'kin. Kamuntikan na akong umalis sa practice!” I

