NAGISING ako sa alarm ng cellphone. Pikit matang kinapa ko 'yon sa katabing table ng kama at tiningnan ang oras. 7AM pa lang. too early to get up. Sabado ngayon kaya walang pasok. At mamayang after lunch pa ang agenda ko. Bumalik ulit ako sa higaan at ipinikit ang aking mga mata. Papatulog na sana ako nang magising ako sa malakas na sounds mula sa ibaba. Inis na kinuha ko ang unan sa tabi at itinakip ‘yon sa 'king mukha. But I could still hear the f*****g loud sound. “What the hell! Ang aga-aga naman niyang mag-sounds ng sobrang lakas! Aba, gusto ba niya gisingin ang buong subdivision?” Inis akong bumangon at suot ang night gown na lumabas ng kwarto. Pagbaba, nadatnan ko si Rocket na abala sa pag-mo-mop ng sahig. Nakaharap ang likod niya sa 'kin kaya kitang-kita ko ang matigas at mu-m

