I woke up early to prepare our breakfast. Hinayaan ko pa matulog si Rocket. Pagod siya sa biyahe kahapon tapos siya pa ang naghanda ng dinner namin. At napansin ko rin na punong-puno ng stock nang pagkain ang mga kabinet sa kitchen pati ref may laman na. Ngayong umaga ko na lang 'yon napansin. Hindi niya nabanggit sa'kin kagabi. "Good morning.." Napalingon ako at nakita si Rocket na kalalabas sa kwarto namin. Magulo ang buhok. Naghihikab pa habang kinukusot ang mga mata. Napangiti ako. He looks so cute. Ang saya gumising at mamulatang nasa tabi ko siya at mahimbing na natutulog. Ang corny. But it was like a dream that's here with me. Ilang buwan rin siya hindi nakauwi rito sa condo. And I really missed him around. "Morning.. bakit gising ka na?" Nilapitan niya ako at niyakap mula sa l

