"What the hell! Who the f**k are you—" Biglang pumihit ang babae paharap at 'di ko napigilang mapasinghap nang makilala ko kung sino 'yon! *** "Ate Rozen?" Hindi makapaniwalang bulong ko. Anong ginagawa niya rito? At bakit gano'n ang itsura niya. She looked wasted. Magulo ang buhok at humulas na ang make up. Is she drunk? "Ang sasaya n'yo! Sige magsaya lang kayo!!" Umungong ang sigaw niya nang magsalita siya sa hawak na microphone. "Habang ang anak ko, nasa bingit ng kamatayan! Mga walanghiya! Walanghiya kayo!" Napamura si Rocket at malakas na bumuga ng hangin bago malalaki ang hakbang na naglakad papunta sa platform. Nagmamadali akong sumunod sa kaniya pero natigilan rin nang umiling sa siya sa 'kin. "Ako na ang bahala dito. Diyan ka na lang." Napalitan akong tumango at kagat ang

