"I arrived yesterday," sagot ko kay Kyle. Noong umalis ako papuntang Canada, Kyle was one of the few people I still communicate with. Makulit kasi si Kyle. Palaging nag-cha-chat at tumatawag kahit madalas hindi ko nasasagot. He also visited me once, noong magbakasyon siya kamag-anak siya na taga-Vancouver. Gusto niya ulit dumalaw but I refused. There's a lot happening in my life at that period of time. "Bakit hindi mo ako kaagad kinontak? Sinong sumundo sa 'yo?" "I booked grab car," patamad kong sagot. "Nag-grab ka pa, hindi mo na lang ako tinawagan," may hinampong sabi niya. "Atsaka nung isang araw ka pa pala umuwi ngayon ka lang nakaalala." Umikot ang eyeballs ko. "Duh.. may jetlag pa nga ako. Ngayon lang nawala," pagsisinungaling ko. Minsan naiinis ako sa pagiging matampuhin ni Kyl

